The Maniac's Heart
CHAPTER 20
A/N: Happy Reading To All!😍😘
Ng makapagpaalam na aalis ang ina ni May-Annie na si Tita Noime. Hinarap ni Roxanne ang dalawang kaibigan.
Sasabihin na sana ang totoong pakay ng biglang magsalita si Nannie.
"Hayy! Grabe yung nanay mo May! Sinabihan ba naman akong ikukulong ako!? Exuse me! Kaibigan mo ko oh! Grabe siya. Natakot ako don ah." Ani Nannie na lahata ngang kinabahan sa sinabi ng mommy ni May-Annie.
Naiiritang tinignan siya ng kaibigan. "E ang daldal ng bonganga mo e. Alam mong abogado ang mommy ko! Tsaka di kapa nasanay kapag pumupunta ka dito." Ani May-Annie.
"Pero iba yung kanina. Kinilabutan kaya ako." Dagdag pa ng kaibigan.
"Kasi nga napakadaldal mong babae." Anito na naiitita parin kay Nannie. "Hay naku! Bakit ba kita kinakausap." Dagdag pa ni May na tila nauubusan na ng pasensiya.
Grabe! Hindi lubos maisip ni Roxanne na ganito na pala kalala kapag nagtatalo ang dalawala ito. Noon kasi, asaran lang! Tapos magbabati na kaagad, pero ngayon sa nakikita niya parang papunta sa pag-aaway ang pagtatalo ng magkaibigan na ito.
Hayy! Ano nga namang alam niya, e dalawang taon na ang lumipas, at sa loob ng dalawang taon nayon marami ng nagbago, kaya dapat masanay na siya na palaging ganito ang nakikita ng mga mata. At marami pang iba.
"So ano na nga!" Ani May-Annie.
Binalingan ni Roxanne ang kaibigan ng magsalita.
"Sabihin mona kasi ang dahilan ng pagpunta mo dito." Anito.
Huminga ng malalim si Roxanne para palakasin ang loob. "Kase....!" Aniya na nagdadalawang isip.
"Kase...?" Ani May na nakaabang sasabihin niya.
Muli ay marahas na bumuntong hininga ang dalaga at tumingin ng taimtim sa kaibigan. "Diba noon pa man sinasabihan kona kayo ng lahat-lahat lalo narin kapag may problema ako." Anang dalaga.
Tumango lang ang kaibigang si May-Annie, sumunod naman si Nannie.
"Ah! Hindi pala." Sambit ni Nannie ng lingonin ni Roxanne. "Maliban dyan. Hindi!" Tinuro nito ang ulo niya na kaagad namang nahulaan ng dalaga kung ano ang ibig nitong sabihin.
Oo nga! Natatandaan niya hindi niya magawang sabihin sa dalawang kaibigan ang tungkol sa problema niya sa ulo.
Hindi niya parin pala sinasabi sa nagdaang dalawang taon. 'Teka! Pano nalang nito ang tungkol don'?
"Pano niyo nalanman? Sinabi koba?" Ani Roxanne na nagtataka.
"Ano kaba! Ilang beses ka nang napahamak dahil sa Jessica nayon. Panong hindi namin malalaman." Sambit ng kaibigang si May-Annie.
Maraming beses na silang nag-away ni Jessica? "Bakit?"
"Tinatanong mo pa. Hindi ba obvious na dahil kay Diel!" Sagot nito.
"Ganon siya kagalit para saktan ako?" Aniya na patuloy paring naguguluhan.
Tumango tango si Nannie. "Uhmn! Kaya ka nga naospital at nawalan ng memorya diba!?" Anito.
"Pero siguro hindi niya naman sinasadya yon." Baka nadala lang si Jessica sa imosyon nito, kaya ganon ang nangyari.
"Siguro!? Pero pagkatapos ng nangyari sayo hindi na namin siya nakita. So it means! Guilty talaga siya." Sambit ng kaibigang si Nannie.
"Wag naman kayong ganyan! Siguradong may rason siya kaya niya nagawa yon." Ani Roxanne.
"Okay! Ikaw na mabait." Anito.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha