CHAPTER 11
Nanatiling nakayakap kay Roxanne si Diel makalipas ang ilang minuto, bago nagsalita.
"Sorry!" Sambit ng binata habang ang baba nito ay nakapatong sabalikat niya.
Kinalas ng dalaga ang pagkakayakap ng binata sa kaniya at humarap dito. Huminga siya ng malalim. "Oo na! Sige na." Aniya.
Ang totoo. May choice paba siya!? Wala na, kase kahit hindi niya ito pansinin o awayin niya pa ito ng awayin wala rin mangyayari. Kasama niya ito sa iisang bahay at natutulog sila ng iisa lang rin ang kama kaya wala siyang karapatang mag-enarte sa buhay.
'Sa panahon ngayon. Hindi na uso mga ganyang bagay'.
Nakita niya ang malawak ng pagngiti ng binata. Niyakap siya nito ng mahigpit.
'Ang babaw naman ng kaligayahan nito'. Aniya sa isip.
"Tara na nga!" Aniya sa binata ng marealize kung gaano na sila katagal doon. "Kanina pa pala sila naghihintay sa baba." Hinila niya na palabas ng kuwarto ang binata, dahil nakakahiya talaga na pinaghihintay nila ang mga magulang sa baba.--
--Tsaka excited narin siyang magswimming.
.
Naka salampak lang ng upo si Roxanne sa loob ng cottage. Wala siya sa mood para kumausap ng kahit na sinong tao, dahil baka makasakit lang siya. Nilingon niya sina Jennie at Jennon na nagtutulakan sa dagat. Naiinggit siya.
Nahagip ng mga mata niya si Diel na kausap si Felix. Dumating kasi ito kani-kanina lang. May niya kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Pataray siyang umiwas ng tingin sa binata ng tumingin ito sa kaniya. Naiinis talaga siya sa lalaking yon.
Pa'no ba naman kasi. Hindi siya pinayagang maligo nito ng hindi siya kasama. Nung nagpumilit naman siya, nagalit pa ito, imbis na siya ang magalit.
'Kaya sino ang hindi maiinis!? Hayys!'
"Roxanne anak!" Napalingon si Roxanne sa ina niyang tinawag ang pangalan niya. "Kayong dalawa ni Diel! Hindi ba kayo maliligo? Sayang naman ang pinunta niyo dito kung hindi naman pala kayo maliligo." Tanong ng ina niyang nag-aayus ng mga kakainin nila mamaya, kasama si Mommy Ronna.
Ang tatay niya kasi at si Daddy Daniel, wala naman. Bumili kasi ang mga ito ng isdang iihawin nila mamaya.
Sobrang malapit na ang mga magulang niya sa pamilya ni Diel na parang walang pinagkasundoan noong ikasal sila ng binata. Parang magkakaibigan lang.
Magsasalita na sana siya ng biglang magsalita ang binata na hindi niya namalayang nakikinig na pala sa usapan nila.
"Hindi ako maliligo." Anang binata na nakakrus pa ang mga braso sa harapan.
"Bakit?" Tanong ng ina ng binata.
"Kasi naligo na ako kanina." Sagot nito na parang wala lang.
"E ako!?" Aniya ng hindi niya na napigilang magsalita. "Hindi mo manlang ba tatanungin kung gusto kung maligo!?" Aniya sa binata na masama ang tingin, dahil ayaw siya nitong payagang maligo.
"Hindi! Kasi kahit anong gawin mo hindi naman kita papayagan." Sagot nito
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa binata, at mas lalong nakaramdam ng pagkainis dito.
Gusto niya itong sigawan. Gusto niyang magwala, pero useless lang. Dahil kahit anong gawin niya hindi naman siya makakaligo sa dagat.
"Bakit ba ayaw mo akong payagan? Ako naman ang maliligo hindi ikaw." Aniya sa binata na naiinis parin.
Hindi alam ng dalaga kung anong problema ng binata. Bakit kapag ba naligo siya mababasa ito? 'Hayys! Ang arte'.
"Basta! Ayoko lang na maligo kang mag-isa." Anito na parang nahihiyang sagutin ang tanung niya.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha