CHAPTER 2✅
PINIPILIT makinig ni Roxanne sa lecture ni Mrs. Handan isang fashion designer teacher. Pero kung kanina pa ito nagle-lecture siya naman kanina pa nakatulala sa kawalan. Alam ng dalaga na wala siyang naiintindihan kahit isa tungkol sa lecture, at wala siyang pakialam dahil ang utak niya hindi alam kong gumagana pa o ano. Kasi kahit anong isip niya para hindi matuloy ang paglipat nila ng bahay wala talagang pumapasok sa utak niya. Hayy! Ano ng gagawin niya? Kunti nalang talaga magbibigti na siya sa sobrang inis.
Hindi niya alam kong bakit gusto ng ginang na lumipat sila ng bahay. Okay na naman na sila ni Diel sa mansyon pero bakit gustong-gusto ng mag-asawang yon na lumipat sila ng bahay. Hindi ba nila naisip na mas okay na nasa mansyon sila? Kesa naman lumipat pa sila siguradong mas magiging komplikada ang lahat. Hayy! Ayaw niya ng mag-isip ng mag-isip. Bahala na sila sa mga buhay nila. Arrrggh!
Sa wakas natapos na din ang klase at makakakain narin. Baka kasi gutom lang lang si Roxanne kaya siya nag-iisip ng mga ganong bagay. Ayaw niya munang mag-isip lahit ngayong araw lang 'kalma mona self'.
Ngayon! Kakain siya ng marami at pagkatapos. Siyempre magpapahinga na siya. Ganon naman lagi e, pagkatapos kumain magpapahinga na agad. Wala siyang magawa sa buhay niya. Nakapagtataka nga e. Bakit pa sila kinasal kung wala namang nangyayari. Ganon parin si Diel, manyak parin at babaero. Hayys! Hindi na talaga siya magugulat kung isang araw may bigla nalang lumabas at magsabing nabuntis ng lalakeng manyak nayon. Tss, ang sobrang saya siguro ng dalaga, baka nga magdiwang pa ang puso ni Roxanne, kasi may posibilidad na maghiwalay sila ng binata. Yiiieee! Ang saya non.
Natauhan si Roxanne ng may kumalabit sa balikat niya, papalabas palang sila ng university. "Ano na girl! Uuwi kana ba? Mall mona tayo." Aya ng kaibigan niyang si May-Annie. Ang kaibigan niyang daig pang hindi nakakatikim ng kasaganaan sa buhay samantalang kulang nalang tumira nasa mall kabibili ng kung anu-ano. Sa kanila kasing tatlo ito talaga ang nakakaluwag-luwag sa buhay, parehas kasing abogado ang mga magulang niya. Kaya ayon.
"Hindi ako makakasama sayo." Sagot niya dito. Namomroblema na nga siya magagawa niya paring magmall.
"May problema ka no?" Tanong ni May-Annie. Alam na nila agad na may problema kaya ano pang maitatago niya.
Malalim siyang nagpakawala ng isang buntong hininga saka nagsalita. "May! Kailan ba ako nawalan ng problema simula nong maging asawa ko ang manyak nayon?" Balik tanong niya dito.
"Yeah! I see. Muka ngang may problema ka talaga." Pagkasabi non ay nauna na itong maglakad. "Sige! Sarilinin mo nalang yan. Lahat tayo may pinoproblema. At ako! Ayoko ng madagdagan ang problema ko dahil dyan sa problema mo." Sinundan lang nila ni Nannie ng tingin si May-Annie na naglalakad na. Siguradong may problema rin ito ngayon pero ninasarili lang nito. Lagi naman ganito si May-Annie e kaya hindi na sila nagugulat ni Nannie, kasi mas gusto nitong mag-isa lang nitong nireresulba ang sarili niyang problema.
Hayy! Mabuti pa nga ang kaibigan niyang ito kasi pagkatapos ng isa o dalawang araw lang, okay na ulit ito. Sinabayan nalang nila ni Nannie maglakad ang kaibigan. Hanggang sa may mga boses na naman siyang naririnig. Mga boses ng mga estudyanteng pinakikialam ang buhay ng may buhay. In short... Pinagtsi-tsismisan siya.
"Ayan na siya! Ang maswerteng napangasawa ni Mr. Del Valle." Gusto niyang sagutin ang babaeng nagsabi non. 'Tss, maswerte daw'
"Oo! Ang swerte niya talaga. At sa sobrang swerte naiinggit na ako."
'Hayys! Eh ikaw nalang sana ang nagpakasal sa lalakeng yon'
"Hindi ahh! Malas siya, kasi manyak ang napangasawa niya. Halata namang wala siyang interes kay Mr. Diel Del Valle."
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha