CHAPTER 8
HINATID MONA ni Roxanne ang mga magulang pauwi sa bahay ng mga ito. Hindi nila kasama si Diel dahil pinuntahan nito si Jessica. Ang totoo! Ayaw naman talaga ng binata na puntahan ang dating kasintahan nitong nagdadalang tao na ngayon, pero pinilit niya lang dahil kawawa naman. Wala daw kasing magbabantay pansamantala dito.
Habang nasa biyahe! Hindi na natiis ng dalaga na hindi sabihin sa mga magulang ang tungkol kay Jessica at sa ipinagbubuntis nito. Labis ang gulat ng mga magulang niya at gusto nga sana ng mga ito na hiwalayan niya na ang binata, pero agad siyang tumanggi. Hindi niya kaya! Isipin niya palang, para na siyang sinasaksak ng paulit-ulit sa puso.
Hanggang sa makauwi siya. Panay parin ang lipad ng isip niya sa totoong ipinagbubuntis ni Jessica. 'Sana hindi nalang totoo. Sana nagsisinungaling siya.' Yun ang paulit ulit niyang sinasabi sa sarili na alam niya namang hanggang sana nalang ang lahat.
Nang marinig ni Roxanne ang pagbukas ng malaking pinto sa bahay nila ni Diel. Alam niya na kaagad na ang binata iyon dahil wala naman ibang magbubukas non maliban kay Mang Simeon na driver at security guard ng bahay nila. Lakad takbong tinungo ng dalaga ang sala para siguradohin kung ang asawa niya nga iyon. Hindi naman siya nagkamali ng maabutan niya si Diel na nakaupo na sa mahabang sofa, malalim ang iniisip.
Inilapag ng dalaga ang ginawang meryenda na ginawa sa binata sa ibabaw ng lamesang gawa sa babasagin at tumabi sa dito ng upo.
"Ayos kalang?" Tanong ni Roxanne sa asawa ng makitang sobrang lalim ng iniisip nito. Lumingon naman ito sa kaniya at pinaoatitigan lang siya. Hindi ito nagsasalita. "Kumusta pala si Jessica? Maayus naba siya?" Tanong niya ulit dito.
Tumango-tango ito sa kaniya. "Yeah! She's fine! 'Wag mona siyang alalahanin." Anito na seryoso lang ang pagkakasabi.
Tumango rin siya sa binata bago ng tanong ulit dito. "Ganon ba?" Aniya. "E ikaw? Ayus kalang?" Seryoso rin siyang nakatingin dito. "Nung makita kasi kita kanina sa ospital at nalaman mong buntis talaga si Jessica nawalan kana ng imik!" Pagpapatuloy niya. "Siguro! Alam mona kaagad na buntis talaga siya kaya hindi kana nagulat masyado."
Ngumisi ito na parang wala lang. "Kabaliktaran!" Sagot nito. "Ang akala ko nung una nagsisinungaling lang siya! Totoo pala talaga!" Dagdag pa nito na natahimik ulit.
Ano kaya kung hindi niya nalang pinatulan si Jessica? Baka mas naging maayus pa ang lagay nito! Baka hindi ito napahamak ng dahil sa kaniya. Tatanga-tanga naman talaga kasi siya minsan! Hindi mona nag-iisip. Tss!
"Sorry ha!?" Malungkot niyang ani sa binata na napatingin sa kaniya.
"Bakit ka naman nagso-sorry?" Tanong nito sa nangungusap na mga mata.
"Kasi! Hindi naman siya mao-ospital kung hindi dahil sa ginawa ko." Nakayuko lang siya. "Diel! Nasaktan ko yata siya." Ani Roxanne sa nag-aalalang boses.
Nasobrahan yata siya sa pagtulak kay Jessica kaya ito muntik ng mapahamak.
"Stop!" Ani Diel na may iritasyon sa boses at hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Hindi mo kasalanan. Nakita ko ang mga nangyari." Nakatingin ito ng taimtim sa kaniya. "Ako ang dapat na humingi ng sorry. Hindi ko dapat hinayaan na lapitan ka niya. Sorry!" Dagdag pa nito.
Bakit? Bakit nito sinasabing hindi dapat siya hinayaang lapitan ni Jessica. Bakit parang kung umasta ito parang hindi nito responsibilidad ang batang dinadala ni Jessica. Namamalik-mata lang ba siya?
Alam niyang hindi nalang siya ang responsibilidad ni Diel pagdating sa oras at pag-aalaga. Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya nito. Dapat niya na bang sundin ang sinabi ng mga magulang niya na hiwalayan ito? Pero hindi niya kaya!
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanficFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha