CHAPTER 6
BUMABA ng sasakyan si Roxanne ng tumigil ito sa parking lot ng bahay nila ni Diel. Sinundo na naman kasi siya ni Mang Simeon dahil si Diel ay nauna na daw umuwi.
Hayy! Nagdadalawang isip siya kung itatapak niya ang mga paa sa pinto ng bahay. Alam niya kasing sa oras na pumasok siya sa loob, makikita niya si Diel, at dahil don hindi niya alam kung paano ito haharapin. 'Wag na mona kaya siyang pumasok? Doon mona siya matulog sa bahay ng kaibigan niyang si May-Annie, o pwede rin namang umuwi mona siya pansamantala sa bahay nila, tutal naman namimiss niya na ang mga magulang at kapatid niya.
Arrgh! Nakakainis na. Sino ba kasi ang may gusto ng ganitong buhay? Kahit kailan naman hindi niya 'to ginusto.
Huminga ng malalim ang dalaga para alisin ang kabang nararamdaman. Kaya niya 'to! Kailangan niyang pumasok sa pinto nato kahit mahirap. Lumapit siya sa nakaawang na pinto ng bahay, pero hindi niya ito niluwagan. Sumilip mona siya sa loob para tignan kung nandoon si Diel. At nandon nga. Nakaupo ito sa mahabang sofa at nanunuod ng sucker.
'Tss! Ibang klase rin ang lalakeng 'to. Nagawa pang manuod ng sucker!'
Dahan-dahang pumasok si Roxanne ng hindi gumagawa ng ingay. Ayaw niyang makita siya ni Diel kahit alam naman niya mamaya rin makikita siya nito. Pakuba siyang naglakad ng dahan-dahan papunta sa hagdan. Buti nalang patalikod sa binata ang deriksiyon niya.
Ng nasa likod na siya ng sofa kung saan nakaupo ang binata, nakayuko parin siya para hindi makita. Handa na siyang baybayin ang hagdan papunta sa itaas sa kuwarto nila ng biglang may magsalita na dahilan para kumabog ng malakas ang puso niya at mataranta.
"Anong ginagawa mo?" Anang boses.
Sa pagkataranta niya, muntik niya ng matabing ang flower vase buti nalang napigilan niya ang pagkahulog nito. Nakita niya si Diel sa tapat niya na walang reaksyong nakatingin sa kaniya at nakapamulsa pa.
"I-ikaw pala?" Hindi siya makatingin ng maayus dito at garalgal pa ang boses. Ano ba naman to!
Nailang siya ng makitang nakatitig parin sa kaniya ang binata na walang reaksyon. Hindi parin ito nagsasalita.
"M-magandang gabi!" Bati niya sa binata kahit na wala naman maganda sagabi niya. Nag-aalangan parin siyang kausapin ito.
Mahigpit niyang hinawakan ang shoulder bag na nakasabit sa balikat niya. Aakyat nalang siya, tutal naman ayaw magsalita ng lalakeng 'to. Humakbang siya patalikod sa binata ng bigla itong magsalita na ikinahinto niya.
"Ang sabi ko! Anong ginagawa mo!?" Ganon parin ang boses ng binata ng magsalita ito kanina. Malamig at parang walang reaksyon.
'Yung parang sa mga palabas na may isang bidang lalake na sobrang napaka cold hearted.'
Nakakatakot naman!
Hinarap niya ang binata na wala parin reaksyon sa mukha nito. Naiilang parin talaga siya, kahit anong gawin niya. "K-kasi....!" Ano bayan! Wala siyang masagot dito. "M-may tinitignan lang ako. Yun! Oo yun nga! May tinignan lang ako." Aniya na nandon parin ang kaba sa puso niya.
Hindi niya alam kung bakit yung ang nasabi niya pero sana naman gumana.
Hayy! Sobrang hirap huminga kapag nasa harap niya ang binata lalo na kapag nakatitig ito sa kaniya. Para na tuloy siyang matutunaw.
"Ano namang tinitignan mo?" Tanong nito sa malamig na boses.
Patay! Ano ang isasagot niya?
Tinignan niya sandali ang binata na hindi parin inaalis ang mga mata sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti at napakamot nalang sa likod ng tainga niya ng wala paring maisip na palusot.
Grabe na talaga 'to! Pahirap na 'to.
Hayy! Bahala na nga. "M-may n-nakita kasi akong daga." Tinuro niya ang ilalim ng sofa kung saan siya nagtago kanina. "D-doon! Sumulok siya don."
Malalang kasinungalingan nato, pero okay lang! Ang mahalaga, may naisagot siya.
"May daga sa loob ng bahay natin?" Anito. Parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Well! Totoo naman kasi. "Kailan pa?" Dagdag na tanong nito.
Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to! Hindi ba pwedeng manahimik nalang ito at maniwala sa sinabi niya? Tss!
"Oo naman!" Aniya. "Hindi naman imposible yon. Tsaka! May mga ipis pa nga minsan. May nakakapasok ring mga palaka, kaya posible talaga yon." Tumingin siya sa binata na pinapakita na parang totoo ang sinasabi niya. "May daga sa bahay natin."
Tutal naman sinimolan niya na ang mga kasinungalingan at palusot nato, e di paninindigan niya na! Ano pa't naimbento ang salitang 'sinungaling'.
Humakbang na siya paakyat ng hagdan, dahil hindi na naman ito nagsasalita at nakatitig lang sa kaniya, ng muli itong magsalita.
"Si Jessica!" Huminto siya ng marinig ang pangalang 'yon. "Matagal na kaming wala, pero bumalik siya." Ani Diel na parang lumambot ang boses nito. Parang may sakit itong nararamdaman sa puso. At kakaiba yon para sa dalaga na masaksihan ito sa binata.
"Ano?" Pinatatag niya ang sarili sa pamamagitan ng pagdadahilan. Hanggat kaya niyang itago ang sakit gagawin niya, dahil yon lang ang paraan para hindi tuloyan mahulog sa binata.
Ang patuloy itong itanggi.
"Alam ko nakilala mona siya." Anito na tila naiinis na tumingin sa kaniya. "Kaya pwede ba! Wag ka ng magdahilan pa dyan." Akala niya pa naman kakasulot na naman siya. Hayy!
"Aakyat na ako." Aniya.
Wala siyang ganang makipag-usap dito, lalo kung tungkol lang sa bagay nayon ang pag-uusapan nila.
"Anong gagawin ko?" Biglang sabi ng binata ng tatalikuran niya na sana.
"E di balikan mo siya!" Aniya.
Naiinis siya, dahil nagawa nitong magbuntis ng iba ng hindi manlang alam kung anong gagawin.
Hayy! Bakit ba ganon ang mga lalake? Inuona ang kaligayahan nila, bago ang kahihinatnan. Ang unfair talaga para sa mga babae.
"Ayoko nga!" Ani Diel na parang naiinis pa sa sinabi niya.
"At bakit naman ayaw mo?" Tanong niya na tila naiinis na rin.
"Dahil asawa kita." Sagot nito na nagpatigil sa kaniya. "Ex ko nalang siya. Isang babaeng dumaan sa buhay ko. Yon lang! Kaya wag mo akong pagtutulakan sa kaniya dahil mas pipiliin ko parin ang asawa ko." May paninindigan sa boses nito.
Nakatitig lang siya sa binata habang nagsasalita ito. Kumakabog din ng malakas ang puso niya na hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman niya.
Ano ba 'tong puso nato! Bakit ganito nalang kalakas ang pagtibok?
"Diel! Kahit anong gawin mong dahilan, wala parin, dahil nabuntis mo siya." Paliwanag ng dalaga sa binata.
Gulat itong nakatingin sa kaniya. "P-papano mo nalaman ang tungkol don?" Tanong nito na bakas ang pagkagulat sa mukha.
Huminga ng malalim si Roxanne. "Sinabi saakin ni Felix kanina sa canteen." Sagot niya.
Tanggap niya na! Tanggap niya na, na may mga bagay talaga na hindi lang ikaw ang dapat manginabang. Kaya kailangan niyang ipaubaya si Diel sa iba kahit anong tutol pa ng puso niya. At isa pa! Ayaw niya naman na pati bata pagkakaitan niya pa ng ama.
"Diel! Kahit asawa mo ako kailangan mo parin tanggapin na nakabuntis ka, at kailangan mo siyang panindigan." Ani Roxanne. Gusto niyang palakasin loob at magsalita ng maayus, pero hindi na napigilan ang paninikip non dahil sa sakit na nararamdaman.
"Pero hindi ko naman gustong mangyari 'to." Ani Diel na mahina narin ang boses.
"Hindi ba dapat maging masaya ka? Dahil magkakaanak kana." Pinilit niyang ngumiti. "Naalala mo? Gustong-gusto ng mga magulang mo na magkaroon agad sila ng apo. Kaya ito na! Malapit na silang magkaroon dahil buntis na si Jessica." Sambit ng dalaga.
Sumisikip ang pakiramdam niya kapag pinagtutulakan ang binata sa iba.
"Pero hindi sa kaniya, at hindi sa ganitong paraan ko gustong magkaroon ng anak." Ani Diel na may diin sa bawat salitang binibitawan.
Arrrggh! Bakit ba ganito nalang siya pahirapan ng lalaking 'to!?
"P-pano kong hindi talaga siya buntis? Paglumabas ang resulta sa susunod na araw." Pursigido talaga ito na hindi buntis ang Jessica nayon. "Roxanne! Hindi pa naman tayo sure diba?"
Buntis nga e! Ang kulit naman ng lalaking to! Susugorin ba siya nung tao kung hindi? Hayys!
Pinandilatan niya ng tingin ang binata dahil sa inis. "E buntis nga e! Susugorin kaba nung tao kung hindi!?" Kainis naman talaga oh!
"Pwede ba? 'Wag mo nga akong ipagtulakan sa kaniya!?" Naiinis na sinigawan siya ng binata.
"Hindi kita ipinagtutulakan! Sinasabi ko lang ang dapat na ginagawa mo kasi responsibilidad mo narin siya at ang batang dinadala niya." Aniya na hindi narin napigilang taasan ito ng boses. "Diel! Siguradong nahihirapan ngayon si Jessica, dahil pumunta siya dito ng mag-isa para lang sa anak niya na ipinaalam sayo. At kung ako man ang nasa kalagayan niya? Ganoon din ang gagawin ko."
Bumagsak ang balikat ng binata ng unti unting marealize ang mga sinabi ni Roxanne.
"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko! Nalilito na ako!" Anang binata. Ihinilamos nito ang mga palad sa mukha, gulo gulo rin ang buhok nito. "Sana! Nandyan ka parin kahit na lumabas ang resulta na anak ko nga talaga yon. Roxanne! I need you!" Nangungusap ang mga matang nakatingin ito sa kaniya.
Tahimik lang si Roxanne! Walang kahit na ano mang salita ang namutawi sa bibig niya. Hindi niya alam! Hindi niya alam kung nasa tabi pa siya ng binata kapag lumabas ang resulta. Inisip kasi ni Roxanne na baka kasi hindi na siya kailangan ng binata.
Dahil may iba na itong pagtutuonan ng pansin. 'Hindi na ako.'
Tumikhim ang dalaga para hindi tuloyang bumagsak ang mga luha sa pisngi niya. "Bakit pa?" Aniya pinipilit paring patatagin ang boses.
"Dahil kailangan parin kita! At ikaw parin ang asawa ko." Sagot ng binata na nagpapambot ng sobra sa puso ng dalaga.
Ang puso niya! Sa sobrang sakit na nararamdaman. Sa kabila non! Mga salita parin ng binata ang pumapawi sa sakit na nararamdaman ng puso niya, na kahit hindi man lahat at least masaya parin siya kahit papano, kahit pansamantala lang.
"Please stay! Whatever happen it is! Just stay." Sa mga mata nitong nangungusap, halos magmakaawa na ang binata sa gusto nitong mangyari, na hindi naman niya kayang ipangako.
"Sorry! Diel! Hindi ko maipapangako." Sagot ni Roxanne sa binata.
Tatalikoran niya na sana ang binata ng bigla itong magsalita. "Hindi mo ba ako mahal?" Tanong nito na nagpatigil sa paghakbang niya.
Kailangan ba ang mga salitang yon para iparating sa isang tao ang tunay na nararamdaman? Kailangan niya bang sabihin yon kahit wala namang kasiguradohan? Ayaw niyang umasa.
Tuluyan na siyang tumalikod at humakbang paakyat ng hindi sinasagot ang binata. Gusto niyang lumingon, pero nagdadalawang isip siya. Baka kasi kapag hindi niya napigilan ang sarili, bigla nalang siyang bumalik at yakapin ng mahigpit ang binata. Baka masabi niya sa binata na nandon lang siya sa tabi nito. Baka ipaalam niya ang pagmamahal para sa binata.
'Kaya please lang Roxanne! Wag kang lilingon.'
Dire-diretso siyang naglakad papasok ng kuwarto nila ng binata saka isinara ang pinto.
Walang buhay si Roxanne na napasandal sa nakasarang pinto. Kinapa niya ang dibdib na naninikip dahil sa luhang pinipigil na mag-unahang dumaloy. Bawat luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga ay may matinding sakit. Para sa kaniya! Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya sa mga oras nayon.
Sobrang tinding sakit na kahit kailan hindi gugustohin ng ibang maramdaman.
Hindi na nagawa pang bumalik sa baba ni Roxanne para magluto ng hapunan nila ng binata. Kapag nagluto kasi siya, siguradong hindi siya sasabayan ng binata, at tsaka wala narin naman siyang ganang kumain, kaya masasayang lang kung magluluto pa siya.
Bumaba ang dalaga sa kama para maglakad lakad sa paligid ng silid at tanawin ang buwang bilog na bilog na nagsisilbing liwanag ng gabing iyon sa kuwarto. Hindi siya makatulog. Napagod narin siya kababalikwas kaya tumayo nalang siya.
Maya-maya pa may narinig si Roxanne na kumatok sa pintuan ng kuwarto nila ni Diel. Baka ang binata na ito, pero bakit kumakatok pa ito e ang pagkakaalala niya hindi niya naman nilock ang pintuan!?
Mula sa pagkakatayo sa teresa ng kuwarto ay lumapit siya sa pinto para pagbuksan ito. Ng mabuksan niya ang pinto ay umalingasaw kaagad ang amoy ng alak sa katawan ng binata.
"Diel! Ayus kalang? Lasing na lasing kana!" Aniya sa binata na halos hindi na mabalanse ang katawan sa sobrang kalasingan. "Halika na! matulog kana." Hahawakan niya sana ito para igiya pahiga sa kama, pero umiwas ito.
"M-may... mali ba sa akin?..." Tanong ng binata na halos hindi na makapagsalita ng maayus. "Bakit?... bakit mo ako... ginaganito Roxanne!?" Dagdag na tanong ng binata. Kahit madilim ng mga sandaling yon, alam niya umiiyak na ang binata. Nararamdaman niya.
Pinatatag ng dalaga ang sarili para hindi tuloyan madala sa mga sinasabi ng binata. Ilang minuto bago siya nagsalita. "Lasing kana Diel! Halika na! Matu––"
"HINDI!" Sigaw sa kaniya ng binata na ikinabigla niya. "Kahit kailan, hindi ako maniniwala sayo. Hinding-hindi." Sambit ng binata na tiyak niyang umiiyak parin.
Hindi narin napigilan ang butil ng mga luhang dumaloy sa pisngi ng dalaga. Inaamin niya! Hindi niya mapigilang hindi masaktan sa mga sinasabi ng binata, na hindi siya nito paniniwalaan, pero kailangan niyang tanggapin kung yon ang makakapagpasaya rito.
"Alam kung simula palang ayaw mona talaga saakin. Tanggap ko yon! See Roxanne? Tinanggap ko lahat lahat ng tungkol sayo, kahit yung mga ayaw ko at hindi ko naman ginagawa. Nagawa kong gawin dahil sayo!..." Narinig niya ang paghikbi ng binata na kahit mahina alam niyang nasasaktan at umiiyak parin ito ng dahil sa kaniya. "Pero bakit naman ganon!? Tinanggap kona nga ang lahat sayo, pero yung simpleng hiling kolang hindi mo kaya? Hindi mo kayang manatili sa tabi ko!"
Napatakip si Roxanne sa sariling bibig para hindi tuloyang umiyak at marinig ng binata. Gustong gusto niya itong yakapin para hindi na ito masaktan, pero kahit gawin niya pa ang bagay nayon masasaktan at masasaktan parin ito. Dahil sa kaniya.
"Yon lang naman e! Yon lang ang gusto kong gawin mo para sa akin." Ani Diel.
Nagulat si Roxanne ng bigla nalang lumuhod sa harap niya ang binata. Ito pa ang pinaka ayaw niya sa lahat. Ang may taong luluhod sa harap niya para lang magmakaawa. Kasi hindi naman kasi siya importanteng tao para luhoran ng kahit na sino. "Diel! Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga dya––"
"Please! Please Roxanne! Dito kalang! Ikaw lang ang gusto ko. 'Wag mo akong iiwan, hindi ko kakayaning maiwan na naman. Please! Please stay!" Nagmamakaawang sambit ng binata.
Nakatingin lang si Roxanne sa bulto ng binata na nakaluhod parin sa harap niya. Gaano ba nito kagustong manatili siya sa tabi nito para lang lumuhod ng ganon ang binata? Nakakapagtaka lang na gagawin ito ng isang Diel Del Valle na kahit kailan hindi niya inaasahan.
"Pero! Diel! Alam kung darating ang araw na hindi mona ako kailangan, kaya bakit pa?" Bakit kailangang gawin ito sa kaniya ng binata? Bakit kailangan nitong iparamdam sa kaniya ang sakit? Ano bang nagawa niya!
"Hindi!" Umiling iling ang binata. "Kahit kailan! Kahit anong mangyari, kailangan parin kita." Nagmamakaawang sambit ng binata. Bigla siya nitong niyakap sa tiyan ng mahigpit at parang ayaw siyang pakawalan. Nakaluhod parin ito. "Please! Stay!" Ani Diel.
Kahit anong pilit ni Roxanne na hindi ito paniwalaan at patuloy na itanggi, talo parin talaga ang isip niya laban sa puso, kaya ano pa bang magagawa niya? Wala na! Dahil natalo na naman siya ng taksil niyang puso. At tanggap niya na ang pagkatalong yon.
Kinalas ng dalaga ang mahigpit na pagkakayakap ng binata sa beywang niya at umupo rin para mapantayan ito. Mula roon, nakita niya ang pisngi ng binata na basang basa ng luha nito, pinunasan niya iyon gamit ang hinlalaki ng mga kamay niya. "Sige! Para maging masaya ka. Mananatili ako sa tabi mo hanggat gusto mo." Ani Roxanne sa binata na ikinagaan ng loob nito at parang nakahinga na ng maluwang. "Pero...! Kung sakaling ayaw mona sa akin at hindi mona ako kailangan. Sabihin mo lang! Aalis ako kaagad. Okay!" Masakit man sa loob ang mga sinasabi niya! Kailangan niyang gawin yon at ipamukha sa sarili na balang araw iiwan rin siya ng binata.
Natigilan man ang binata sa mga huling sinabi niya, tumango nalang ito at niyakap niya ng mahigpit.
Sa una. Hindi ito ang gustong mangyari ng dalaga. Ang mahulog dito. Pero nagkamali ata siya, dahil kabaliktaran ng mga yon ang nangyayari ngayon sa buhay niya. Para siyang nasa harap ng napakalalim na bangin, na kahit konting galaw lang ang gawin niya ay mahuhulog siya. Oh baka naman nahulog na siya ng tuloyan.
Anong gagawin niya?
"UMIYAK KA BA?" Napalingon si Roxanne kay May-Annie ng bigla itong magsalita.
Sana rooftop sila ng university pansamantala, sa senior's building. Maaga pa kasi ng pumasok siya, at sakto naman na pagpasok niya ng building e naglalakad na ang dalawang kaibigan papunta sa first-class nila kaya nagkayayaan mona sa rooftop, tutal naman walang masyadong pumupunta doon.
"May! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako umiyak? Ang kulit mo!" Naiinis na siya dahil kanina pa ang tanong nito kung umiyak ba daw siya.
Well! Totoo naman kasi na umiyak siya, pero nong nakaraang gabi pa yon. Hayy! Halata ba ang pamumugto ng mata niya?
"Alam ko umiyak ka." Ani May-Annie na hindi parin kombinsido sa sinabi niya. "Pero hindi na kita kukulitin, kasi halata naman na ayaw mong sabihin ang dahilan." Wala sa sariling bumalik ito sa pagbabasa.
Hayy! Salamat naman at hindi na siya nito kukulitin.
Bumalik narin siya sa pagbabasa ng librong hiniram niya pa sa library ng university. Tungkol iyon sa fashion design. Maya-maya pa ay nagsalita si Nannie.
"Girl! Alam mona ba yung balita?" Tanong sa kaniya ni Nannie.
Tinignan ng dalaga ang kaibigang nagsalita. "Anong balita?" Curious na tanong niya.
"So! Hindi mo pa pala alam? Tss! Akala ko pa naman alam mo." Ani Nannie na tila naiinis imbis na sagutin siya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Bakit kasi hindi nalang nito diretsohing sabihin? Hindi yung ang dami pang sinasabi. "Ano nga kasi yon?" Tanong niya ulit dito.
Tumingin ito pansamantala kay May-Annie na nakatingin narin ng mga oras nayon sa kaniya. Bago binalik ang tingin sa kaniya. "Si Jessica! Dito na daw mag-aaral. Ang balita kopa! Nakapag-enroll na siya kaagad agad kahapon." Kuwento ni Nannie na nagpatigil sa kaniya.
Wala namang masamang mag-aral si Jessica sa eskwelahang ito, pero bakit parang nasasaktan siya? Dahil ba palagi nitong makakasama si Diel at mas matutuon ang atensyon ng asawa niya dito? Kabaliwan ang mga iniisip niya pero posibleng tama naman yon.
"Alam mo girl! Ngayon ka dapat maging alerto, kasi hindi natin alam! Baka nakapulupot na pala yon sa asawa mo." Ani Nannie na tila may pananakot sa mga sinabi.
Napaisip tuloy siya sa mga sinabi ng kaibigan. "Nannie! Itigil mo nga yang mga sinasabi mo! Hindi naman siguro. Baka malay natin! Yong pagbubuntis lang talaga ang pakay niya, kaya wag mona natin siyang husgahan. Okay!?" Aniya.
"Sa itsurang yon hindi huhusgahan? Girl! Sa makeup at pananamit palang ng babaeng yon halatang gustong-gusto ng magpalapa sa mga kalalakihan. Maganda sana, kaya lang mukhang clown." Ani Nannie.
"Baka naman ganon lang siya mag-ayos ng katawan. Tsaka! Hayaan niyo na. Napag-usapan narin naman namin ni Diel ang tungkol kay Jessica kagabi, kaya hayaan niyo na." Sagot niya at tipid na ngumiti.
Nagulat si Roxanne ng may biglang bumagsak na libro sa lamesa malapit sa kaniya. Tiningala niya si May-Annie na nakatayo na at bakas madilim nitong mukha na nakatingin sa kaniya. Ito rin ang biglang bumagsak ng libro.
Anong problema nito?
"Alam mo? Sa sobrang bait mo! Gusto na kita sapakin ng paulit-ulit." Pagalit na sabi nito sa kaniya. Inayos nito ang mga gamit nitong nagkalat sa lamesa, saka basta nalang umalis ng hindi manlang nagpapaalam sa kanila.
Gulat siyang napatingin sa direksyon kung saan ito pumunta pababa ng building mula sa rooftop na pinagmumulan nila. Umalis narin sila ni Nannie sa rooftop at pumunta na sa classroom para umatend ng first class nila.
Ang weird talaga minsan ni May-Annie. Tss!
LUMIPAS ang buong klase nila Roxanne na halos wala siyang naintindihan sa mga tinuturo ng guro, dahil ang atensyon niya ay nakatuon lang sa Jessica nayon na gustong mag-aral dito.
Totoo kaya yung mga sinabi ni Nannie kanina? Hindi naman kasi siya pwedeng manghusga ng iba ng hindi nalalaman ang buong istorya. Hayy! Mababaliw na siya kakaisip. Hindi niya na kaya.
Nasa counter na sila para bayaran ang inorder niyang pagkain kasama ang dalawang kaibigan, ng may biglang nakasagi kay Roxanne, dahilan para mahulog ang pinamili niyang pagkain. Ang totoo niyan! Hindi niya alam kung aksidenteng nasagi lang siya o sinadya. May iba kasi sa pagkakasagi nito e, parang inagawan siya nito ng pwesto.
Nilingon ng dalaga kung sino ang nakasagi sa kaniya. Si Jessica. "Oops! Sorreyy!" Anito sa malanding boses. "Wag ka kasing haharang-harang dyan."
Nag-init ang dugo ni Roxanne sa sinabi ng kausap. Bakit parang kasalanan niya pa? Hindi ba nito nakita ang tamang kinatatayuan niya?
"Miss! Ikaw 'tong nakasagi saakin!" Nilibot niya ang paningin sa buong canteen. "At sa nakikita ko! Kung makadaan ka parang sinakop mo na ang space ng buong canteen. Hindi kaba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" Ani Roxanne.
Naiinis siya! Kasi bago palang ang babaeng to rito kung makaasta parang ang tagal-tagal na. Hayy! Bakit ba may mga ganitong tao?
"Whatever did you say." Anito sa maarteng boses saka siya tinarayan. "And excuse me lang ha!? Kung hindi kalang kasi tatanga-tangang babae, e di sana wala kang problema ngayon." Dagdag pa ng kausap na mas lalong nagpainit ng ulo niya.
Aba talagang...! "Excuse me rin ha!? Ang alam ko kasi ako ang nauna dito. At tsaka! Wag mo akong sasabihan ng tanga, dahil hindi ako tanga."
"So!" Pagtataray nito, saka naiiritang tumingin sa kaniya. "Stop talking me! I'm Irritating."
Ito ba? Ito ba ang isa sa mga babaeng nagugustohan ng asawa niya? Ano namang nagustohan ng lalakeng yon sa babae nato? Hayy! Ang unfair talaga ng mundo.
Nakita ni Roxanne ang paglapit ng isang babaeng estudyante, binulongan si Jessica. –At may kaibigan narin kaagad ito! Wow!
Masama siyang tinignan ni Jessica ng matapos itong bulongan ng malamang kaibigan na nito. "So! You are Diel's wife!" Ani Jessica na parang sinusuri siya. "Ano namang nagustuhan sayo ni Diel? So cheap!" Hindi makapaniwalang sabi ng dalaga sa kaniya.
Gustong-gusto niyang sugorin ang babaeng kung makapanglait sa kaniya ay parang walang kalaitlait dito. Pero kahit naiinis na, pinipigilan lang niya ang sarili dahil alam niyang buntis ito. At siguro kung hindi ito buntis! Baka kanina pa ito nakatikim sa kaniya.
Nilingon niya ang dalawang kaibigan na nasa tabi lang niya naghihintay. "Tara na!" Aya niya ng matapos bayaran ang pagkaing binili niya, pero hindi na niya makakain dahil nahulog na sa sahig.
Pero bago pa siya tuloyang makalayo kay Jessica, pinihit na siya sa braso para pigilan. Masama siya nitong tinignan. "Kausap pa kita." Anito sa matigas na boses.
Inagaw niya ang brasong mahigpit nitong hinawakan at matalim ring tinignan. "Wala akong panahong makipagtalo sayo. Hindi kita papatulan." Aniya sa dalagang kausap.
"Why? Because you scared?" Sambit nito na may pag-iinsulto sa sinabi.
"Dahil buntis ka." Diretsong sagot niya dito.
Tumaas ang isang sulok ng kilay nito. "Why did you know?" Tanong ng dalaga pero hindi niya sinagot kaya nagalit ito at sinigawan siya. "I SAID! WHY!?" Sigaw nito na nagpaalingawngaw sa loob ng buong canteen.
Pansin niya ang lahat ng tao sa canteen na nakatingin na sa kanila. Nagulat si Roxanne ng sugorin siya ni Jessica at bigla nalang sinabunotan.
"Jessica! Tama na!" Sabi niya sa dalaga na pwersahan parin siyang sinasabunotan. "Mapapahamak ka." Pilit niya itong inaawat, pero inasahan niya ng hindi siya nito pakikinggan.
Dapat ba hindi niya nalang ito pinatulan simula palang? Para hindi na ito nagalit at mangyari 'to. Pero ano pa bang magagawa niya? Nangyayari na.
Nagsisimula ng sumakit ang ulo niya dahil sa sabunot nito at may parte na ng ulo niya ang kumikirot. Napapangiwi nalang siya dahil sa sakit na dulot non.
"Sabing tama na!" Sigaw niya dito ng hindi niya na matiis ang pananakit ng ulo.
Doon lang siya binitawan ni Jessica, dahil tinulak niya narin ito. Pero siya namang pagtilapon sa lamesang buti nalang ay walang tao. Mas lalo pang sumakit ang ulo ni Roxanne ng may tumamang matigas na bagay sa ulo niya.
"ROXANNE!!!" Sigaw ng dalawang kaibigan ng dalaga. Nilapitan siya ng mga ito.
"WHY DID YOU KNOW!!" Sigaw sa kaniya ni Jessica na nanggagalaiti sa galit sa kaniya.
Hindi niya na nagpatuonan ng pansin ang mga ito dahil biglang nanlabo ang paningin niya. Hindi rin siya kaagad nakatayo! Mabuti nalang at inalalayan siya ng dalawang kaibigan.
"Roxanne?" Lumingon si Roxanne sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Hindi niya masyadong naaninag ang nagsalita, pero kilalang kilala niya ang boses nito. Alam niya kung kaninong boses iyon.
'Diel!'
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng binata sa kaniya ng maramdaman niyang malapit lang ito sa kaniya.
Tumango lang siya sa binata bilang sagot. "S-si Jessica! Baka nasaktan siya. Puntahan mo siya!"
Nag-aalala siya dahil naitulak niya rin ito. At hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama dito.
"Ano ba Roxanne! Ikaw kaya ang nasaktan!" Narinig niyang sambit ni May-Annie na pansin niyang nag-aalala rin.
"Babe! That girl wants to hurt me! My baby! I-i just protecting my self!" Rinig niyang sabi ni Jessica. Kahit puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi nito, hinayaan niya nalang, dahil wala narin naman siyang lakas para dipensahan ang sarili.
Nakita niya ang paghakbang ni Diel palapit kay Jessica. Kahit malabo ang paningin niya nakikita niya parin kung ano ang mga nangyayari. Pero sabi nila! Kapag hindi mona kaya ang nararamdamang sakit kailangan mo ng sumuko at magparaya.
Kagaya nalang nang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Bigla nalang bumagsak ang katawan niya. Narinig niya nalang ang pagsigaw ng dalawa niyang kaibigan na si Nannie at May-Annie at ang unti unting paglapit ng mga yabag ng paa.
Hindi niya alam kung si Diel yon! Wala na siyang makita, dahil tuloyan ng nawala ang malay niya.A/N: Happy Reading!!😍😘💖
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha