CHAPTER 21
A/N: Happy Reading!!🥰😘
"WIFEY!? UMIYAK KABA?" Biglang tanong ni Diel kay Roxanne. Nakatingin lang ang binata sa mga mata ng dalaga.
Ang totoo kanina pa ito napapansin ni Diel-- nang dumating ito, pero dahil sobrang abala niya kanina na sermonan ang mga empleyado ng ama ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong sa asawa.
Umiwas ng tingin si Roxanne na parang natataranta sa tanong ng binata at sa mga titig nito.
"Ahh! Hindi! Pano mo naman nasabing umiyak ako!?" Anang dalaga na hindi parin makatingin ng diretso sa binata.
Hinawakan nito ang pasngi ni Roxanne para tinagnan ng mabuti. At para narin makita ang magandang mukha ng asawa.
"Napansin ko kanina!" Sagot ng binata. "May pinag-awayan ba kayo ng mga kaibigan mo?" Muling tanong niya.
Ilang segundo bago sumagot si Roxanne. "Wala! Napuwing lang ako paglabas ko sa van kanina. May dumaan kasing malakas na hangin." Sagot ng asawa.
Akala niya naman kung ano na! Pero nag-aalala parin siya. "Masakit paba?" Maamong sambit ng binata habang hinahaplos ang ibaba ng mata nito.
"Hindi! Hindi na." Anito at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. "Sige na! Umakyat kana sa kuwarto para magpahinga."
"Ayoko!" Aniya at umiling iling. "Ikaw na ang umakyat at magpahinga. Mukhang mas stress ka, dahil dyan sa itsura mo. Susunod nalang ako maya-maya." Dagdag niya.
"Sigurado ka?" Tanong ng asawa.
Tumango si Diel bilang sagot sabay ngiti sa asawa.
Hinalikan niya sa nuo si Roxanne bago tumalikod.
Ng tuluyang makaalis ang asawa ay naisipan niyang tawagan si May-Annie, ang kaibigan ang asawa para magtanong. Hindi parin kasi siya mapalagay sa matamlay na itsura ng asawa niya simula pa kanina.
Hinahanap palang niya ang pangalan ni May-Annie ng marinig niya ang boses ni Mang Simeon.
"Sir! Ito na po yung pinabili ninyo." Ani Mang Simeon.
Inotusan niya kasi ito kanina na bilhan siya ng alak. Pampalipas lang ng pagod na nararamdaman.
"Salamat ho! Pakilagay nalang ho sa ref." Aniya sa driver na tumango naman kaagad.
Sandali! Si Mang Simeon kanina ang sumundo kay Roxanne hindi ba!? Ibig sabihin may alam ito tungkol sa nangyari kanina sa asawa niya.
"Ahh! Mang Simeon! Sandali lang ho." Ani Diel.
Lumingun ulit ang driver. "Sir?"
"Ahh! May itatanong ho sana ako sainyo." Anang binata.
Nakatingin lang ang may edad at parang inaabangan ang mga susunod niyang sasabihin.
"May napansin ba kayo kanina sa asawa ko?" Walang pag-aatubiling tanong ng binata.
"Ano hong napansin, Sir?" Anang driver.
"I mean! Kung may kakaiba ba sa kaniya kanina?" Aniya.
"Wala naman ho masyado, Sir!" Ani Mang Simeon. "Pero nung sinundo ko siya kanina, parang umiyak siya. Tapos nung nasa sasakyan na kame, tinanung ko siya kung umiyak siya. Sabi niya napuwing lang siya." Kwento nito.
Kumunot ang nuo ni Diel sa sinabi ng driver.
Ang sabi sa kaniya ni Roxanne. Napuwing ito paglabas ng van kanina. Ibig-sabihin nagsisinungaling ito.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha