CHAPTER 12
Paglabas ni Roxanne galing banyo ay kaagad nyang narinig ang pagtunog ng cellphone. Marahil ay kanina pa may tumatawag sa kanya pero hindi nya masagot.
Sino naman kaya?
Tinignan nya mona ang caller bago sinagot ang tawag. "Oh! Aaron! Napatawag ka?" bungad nyang tanong sa kabilang linya.
"Wala lang. Nangungumusta lang ako kasi nabalitaan kong nagbakasyon daw kayo. Tinatawagan kasi kita nung isang araw hindi mo sinasagot." anang binata.
Malamang kina Nannie at May-Annie nalaman ng binata na nagbakasyon sila. Wala naman syang ibang pinagsabihan na magbabakasyon sila. Tsaka tsismosa ang dalawang yon.
"Tinawagan mo ako? Pero wala naman akong nareceive na tawag galing sayo. Ni missed call nga wala." aniya sa binata na nakakunot nuo.
Iniisip nya kung may nareceive nga ba syang tawag mula dito nung isang araw, pero wala talaga.
"Ahh! 'Wag mo ng intindihin. Hindi naman yon importante." sagot ng binata.
"Ahh-!"
"Roxanne!" anang binata sa kabilang linya.
"Hmn!?" aniya. Hinihintay kung anong sasabihin nito.
"Can we talk?"
"Pero nag-uusap na tayo, Aaron." pamimilosopo nya sa binata. Akala nya matutuwa ito o sasakyan sya, pero hindi.
"Mahal mo ba sya?" tanong ng kausap.
Sandaling natahimik si Roxanne sa tanong ni Aaron. Hindi nya alam kung anong ibang sasabihin.
Tsaka! Bakit parang may iba sa boses at tono ng pananalita nito?
"A-Aaron! Anong klaseng tanong bayan?" hindi sya makapagsalita ng maayus. Pakiramdam ng dalaga sinasaktan nya ito.
Ano ba dapat ang sabihin nya para hindi ito masaktan?
"Aaron!? Lasing kaba?" tanong nya sa binata.
Kahit sa telepono nya lang ito kausap. Kahit hindi nya ito nakikita. Alam nya kung matino ito o hindi. Kasi kapag nakikipag-usap sa kanya ang binata ay laging pormal at maayus, hindi kagaya ngayon na parang may gusto itong malaman at sabihin sa kanya.
"No! Kaya please! Roxanne! Sagutin mo naman ang tanong ko." anang binata na parang nagmamakaawa.
'Lasing nga ito'."Pero Aaron! Lasing ka. Ang mabuti pa magpahinga ka mona, bukas-" hindi na natapos pa ni Roxanne ang iba pa sanang sasabihin, dahil nagsalita na kaagad ang binata.
"Look Roxanne! Pwede kang sumama sakin. Aalis tayo. Pupunta tayo sa malayong lugar katulad ng gusto mo dati pa. Tsaka yon naman talaga ang plano natin nung mga bata pa tayo diba? Kaya please, Fannie sumama kana sakin." disperadong sabi ng binata.
"Pero Aaron! Mga bata pa tayo non kaya hindi pa natin alam-."
"Alam na natin." anang binata na may diin sa bawat salitang binibitawan. "Kahit bata pa tayo non. Alam na natin yon kasi may mga isip na tayo non Roxanne." dagdag pa nito.
Hindi alam ni Roxanne pero sa palagay nya umiiyak na ang binata mula sa kabilang linya. Hindi nya nalang namalayan na pati sya may mga butil narin ng luha ang namamalisbis sa pisngi nya.
"Matagal kong hinintay 'to at alam kong ganon karin, kaya please Roxanne. Hayaan mong ako ang magbigay sayo ng mga bagay na hindi mabigay ng lalakeng yon." hindi alam ni Roxanne kung matutuwa ba sya o malulungkot. Naglalaban ang tuwa at lungkot na nararamdaman nya.
Masaya sya kasi kahit papano may nararamdaman parin ang binata para sa kanya at ganon rin naman sya kahit mas nangingibabaw ang kagustuhan nyang makasama ang asawa. Hindi nya alam kung anong gagawin. Nagsisimula ng mangyari ang kinatatakutan nya. -na maghihiwalay sila ni Diel.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanficFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha