CHAPTER 14

7 2 0
                                    

NAGISING si Roxanne dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata nya. Nagising sya sa kwarto nila ni Diel. Ibig sabihin dito sya dinala ng binata matapos ang mga nangyari kahapon, pero bakit umaga na sya nagising? Gaano ba sya katagal natulog?

Anong ginawa sa kanya ni Diel para hindi sya magising?

Seven o'clock na ng umaga ng makita nya sa alarm clock sa lamesa katabi lang ng lampshade.

Inalala ni Roxanne ang nga nangyari kahapon. Mas lalo syang nakaramdaman ng galit sa binata dagil sa mga ginawa nito.

Nagmakaawa sya. Hiniling nya kay Diel na sana hayaan na sya nitong maging malaya kasama si Aaron pero kagaya ng inaasahan nya, hindi yon ang nangyari. Inutusan ni Diel ang mga kasama nitong tauhan na kaladkarin si Aaron papasok sa eroplano. Sinabi ng binata na wag hahayaang makalabas ng eroplano si Aaron hanggat hindi umaandar ang eroplano paalis ng bansa. Pagkatapos ay si Roxanne naman ang kinaladkad ni Diel palabas ng airport.

Nagpumiglas sya ng paulit ulit hanggang sa tuluyang mawala ang pagtitimpi ng binata. Nagawa sya nitong saktan na hindi nya inaasahan. Pagkatapos ay may tinuruk na kung ano ang binata sa kanya dahilan para makatulog sya at magising kinabukasan.

Nagngingitngit sa galit ang dalaga kapag naiisip iyon. Ito ba ang ibig sabihin ng Ina ni Diel nung huli silang magkausap.

Sabi ng ina ay kahit anong mangyari wag nyang iiwan ang anak nito. Kahit may mga bagay pa syang malaman sa binata na hindi pa nya nakikita dito.

Bumangon si Roxanne kahit ayaw nya. Kailangan nyang pilitin ang sarili kahit puno ng galit ang puso nya. Pupunta sana sya sa banyo para maghilamos ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Lumabas muka roon si Diel.

Puno ng pagsisisi ang mga tingin nito. Parang nagmamakaawa itong kausapin sya.

Walang emosiyon syang umiwas ng tingin sa binata at dirediretsong naglakad papasok sa banyo.

Gustuhin nya mang umiyak ay parang may pumipigil sa kanya. Mas nangingibabaw ang galit nya sa binata. Ang kagustuhan nyang sigawan ito para iparamdam kung anong sakit ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon.

Ilang minutong tumagal sa banyo ang dalaga bago lumabas. Sinadya talaga nyang tagalan para hindi nya maabutan si Diel na nasa kwarto parin. Akala nya umalis na ito, pero nandoon parin pala.

Babalik sana ulit si Roxanne ng magmadaling lumapit sa kanya ang binata at maligpit syang niyakap para pigilang makaalis.

"Sorry!" hindi man nya makita ang binata dahil nakatalikod syang niyakap nito. Alam nyang umiiyak ito. "I'm really sorry! Please wifey! Please forgive me." nahihirapang sambit nito.

Inalis nya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya na halos ayaw syang pakawalan. Ginawa nya ang lahat para makawala sa pagkakayakap nito.

Hinarap nya ang binata ng makawala dito. "Hindi ko alam kung mapagbibigyan pa kita, Diel. Hindi ko alam kung matatagalan ko pang makasama ka sa bahay nato pagkatapos lahat ng ginawa mo." imosyonal na sambit ng dalaga.

Halos kapusin sya ng hininga dahil sa hirap na makipag-usap sa binata, pero pinilit nyang kayanin.

Huminga sya ng malalim para pakalmahin ang sarili at muling nagsalita. "Siguro nga hindi pa talaga kita masyado ganon kakilala, kaya hindi ko alam kung anong mga kaya mong gawin." pinunas ng dalaga ang pisnging dinaluyan ng kantang mga luha. "Alam ko makapangyarihan kang tao. Alam ko kaya mong gawin ang lahat. Pero ito? Yung ako mismo mabibiktima ng pananakit mo?" ipinilig nya ng ilang ulit ang ulo. "Ayoko Diel! Hindi ko kayang sumama sa taong magagawa akong saktan. Kase hindi ako nag-asawa para lang saktan ng kung sino." aniya na pinanatiling malakas ang loob, kahit alam nya sa puso nya na nahihirapan sya.

MARRYING THE MANIAC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon