CHAPTER 1
"ANO! SERYOSO KAYO? Magpapakasal ako DIYAN! DIYAN?"
Halos ng taong nasa loob ng sala ay magtakip ng tainga dahil sa lakas ng boses na pinakawalan ni Roxanne Fannie Mae Balderama. Isang second year college sa sikat na paaralan sa pilipinas."Roxanne! Ang boses mo."
Masama siyang tinitigan ng ina na hindi parin makapaniwala sa pagsigaw niya. Huminga ng malalim ang ina at muling nagsalita. "Oo! Anak ikakasal kana sa kanya." Sambit ng ina ng dalaga. Yun lang? Yun lang ang sasabihin nito pagkatapos ng malakas niyang pagsigaw na halata naman na ayaw niya.Hindi parin nagsi-sink-in sa utak niya ang mga nangyayari ngayon. Teka lang para atang puputok ang mga ugat sa utak niya. Roxanne inhale exhale. Wooh!
Panandaliang namayani ang katahimikan sa bawat sulok ng kwartong iyon. At si Roxanne naman ay pilit parin pinapakalma ang sarili, hanggang sa umayos ayos na ang pakiramdam niya at siya na ang nagsalita ulit.
"Ma! Pa! Sigurado ba kayo dito talaga?"
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang hinihintay ang mga kasagutan mula sa mga bibig ito pero wala tango lang ang tanging sagot ng mga ito.Bumagsak ang balikat niya sa subrang pagkadismaya. Kanina pagdating na pagdating niya galing eskwelahan ay sinabihan agad niya ng mga ito na aalis sila, hindi na nga siya nakapagpalit ng damit dahil ang sabi ng nanay niya ay nagmamadali sila. Habang nasa biyahe ay maghigpit ang kapit ng ina ni Roxanne sa kamay niya. Tinanong niya kung saan sila pupunta dahil napapasin niyang may kakaibang nangyayari at sigurado siyang hindi niya magugustuhan iyon. Ang sagot ng nanay ni Roxanne wag na lang daw magtanong ng magtanong dahil malalaman niya rin naman pagkarating niya sa pupuntahan at impotante raw iyon kaya nanahimik lang siya habang nasa biyahe siya.
Nang makarating ay don niya nga lang nalamam ang lahat at doon niya rin nalaman ang sinasabi ng ina na importante raw. Hayys, hindi siya makapaniwala na importante na pala ito sa kanila. Ang ikasal sa nag-iisang anak ng mga Del Valle. Si Diel Del Valle. Para kay Roxanne okay lang sana kasi nga mayaman pero sagad ang kamanyakan ng taong to e. Ito na ata ang nakilala niya na lalaking pinaka manyak sa buong mundo. Oo! oa na siya kung oa pero never siyang papakasal sa taong hindi niya pinangarap kahit kailan. At isa pa baka hindi umabot ng isang oras at gustohin nalang ng dalagang pagpatiwakal nalang sa buhay kung ito rin lang naman ang pupuntahan ng buhay niya dito sa mundo.
"Ma! naman para namang inalay niyo ko sa isang demonyo." Nakalimutan niyang nandoon pala sila sa bahay ng mga Del Valle at nasa harapan niya mismo ang mga ito habang nagsasalita siya ng kung ano-ano. Tss! Wala na siyang pakialam, sasabihin niya kung anong gusto niyang sabihin ipaglalaban niya ang side niya. Sabi nga, show to everyone what's on you heart kaya nilalabas niya lang ang hinaing niya sa buhay! Bakit ba!
Muli ay masama na naman siyang pinagmasdan ng ina at nagsalita. "Roxanne! Ang bunganga mo pwede." Sermon ng ina at humingi ng tawad sa masamang inasal ng dalaga.
"Ma! Pa! Alam ko mahirap lang po tayo at wala akong karapatang magsalita ng kung ano ano dito pero unfair po kasi yon sa'kin." Protesta niya parin. Alam kasi ng mga magulang ng binatang gustong ipakasal sakanya kung anong ugali meron ang anak nila.
"Anak wala na kaming ibang mapagpipilian alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba?"
Wala na siyang nagawa pa. Alam niya kung anong hirap ang pinagdadaanan nilang buong pamilya at kapag pinagpilitan niya pang hindi pumayag sa kasal ay baka magbago na ang isip ng mag-asawang mayaman nato. Tsaka wala siyang karapatang magreklamo mga magulang niya ang nagdesisyon para sa kanya, at anak lang siya.Kailangan niyang magparaya ngayon para sa pamilya at ang ay makakamit niya rin sinisigaw ng puso, dahil darating din naman ang araw na makakalaya siya. At nasisiguro ng dalaga na ang puso niya ay mananatiling tumitibok parin sa iisang tao parin.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha