CHAPTER 4✅
Napalingon si Roxanne sa cellphone niyang nagri-ring. Nang makitang si May-Annie ang caller, agad niya itong sinagot.
Nagtataka siya kung bakit ang aga naman ata ng tawag ni May-Annie. Samantalang dalawang oras pa bago umalis ang bus na magdadala sa kanila sa location ng pagka-camping-an.
Nasa university naba agad ang dalawa?
"Hello?" Aniya.
"Hoy! Babae! Nasan kana ba!? Kanina pa kami dito naghihintay sayo six thirty am palang." Paninermon ni May-Annie.
Kahit kailan talaga, hindi siya nagkakamali ng hinala sa dalawang kaibigan niyang 'to. Napaka excited. Makalaskwatsa lang. Tss!
Thursday na at araw na ng camping nila na aabutin ng tatlong araw. Hindi na naman sila ng papansinan ni Diel ng makipagtalo siya ditong magka-camping siya, gustuhin man nito o hindi. Kaya wala ng nagawa pa ang binata.
"Eh bakit ba kasi ang aga-aga niyo? Samantalang ang usapan 8:30." Napapikit nalang siya dahil sa sakit ng ulo. Sumasakit talaga ang ulo niya dahil sa dalawang 'to.
Anong gagawin nila don sa loob ng dalawang oras?
"Sorry naman! Excited lang." Ani Nannie na nagsalita sa kabilang linya.
Halata ngang excited talaga sila. Tss!
Bumuntong-hininga mona siya bago nagsalita ulit sa kabilang linya. "Bahala kayo dyan!" Pagkasabi non ay pinatayan niya na ito ng tawag.
Minsan! Hindi niya na talaga alam kung bakit niya naging mga kaibigan ang dalawang yon. Grabe! Hindi alam kung kanino siya maaawa. Sa dalawa ba o sa sarili niya?
Papunta palang kasi siya ng school. Inayus niya pa ang mga dadalhin niyang damit. At bago yon nagluto mona siya ng agahan para kay Diel.
Speaking of Diel! Nakaalis na siya hindi parin ito gising. Hayys, hindi tuloy siya nakapagpaalam.
Napalingon si Roxanne ng mag-vibrate ang cellphone na hawakhawak lang niya. Text message yon mula kay May-Annie.
...: 'Dalian mona! Baka maiwan ka.' –May-Annie
...: 'Tsaka girl! Ang daming pogi ngayon dito, kaya dalian mona.' –May-Annie
Napangiwi nalang siya sa text message na natanggap mula sa kaibigan. At binaba na ang cellphone.
Hayy! Kahit kailan talaga. ––Tss! Bakit paba nagtataka sa dalawang yon? Hindi na siya nasanay. Kahit naman nung unang niyang makilala ang dalawang yon, ganon na naman yon.
Nang nasa university na ang lahat ng kasama sa camping. Ang sabi baka dalawang oras ang itagal bago makarating sa pagka-camping-an. Nasa pinakaunahan lang si Roxanne, para madali niyang maguide ang ibang estudeyante. Bali dalawang Bus ang gamit nila para makarating sa location ng pagka-camping-an. Kasama nila si Mrs. Handan, Ms. Blanca at Mr. Rio Del Mar.
Tahimik lang si Roxanne sa biyahe. May ibang nag-aasaran. May naka Headphone. May natutulog. At may ibang kumakain.
Napalingon siya ng may biglang kumalabit sa kaniya. Si May-Annie. May kasamang lalake na nasisiguro niyang hindi naman gwapo.
'Tsk! Mas gwapo pa asawa ko dyan.'
"Roxanne! I'd like you to meet Ralf! My boyfriend." Abot langit ang ngiti nito at halatang kinikig.
Tinignan ni Roxanne ang itinuro ng kaibigang si May-Annie na hindi manlang nagbago ang ekspresiyon ang mukha niya, tsaka binalik ang tingin sa kaibigan.
"Paano ka nagka-boyfriend? Binayaran mo?" Sarkastikong tanong ni Roxanne.
Sinamaan siya nito ng tingin. "Alam mo? Nakakahurt ka! Buti nga sinabi ko sayo e!" Tila naiinis na sabi nito. Halata sa mukha nito ang pagtatampo.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha