CHAPTER 19

0 0 0
                                    

A/N: Happy Reading!😍😘💖

.

NAGISING SI ROXANNE na wala na sa tabi ang asawa. Wala ito sa kuwarto at sa banyo ng hanapin niya, kaya malamang nauna na itong nagising at lumabas.

Matapos ayusin ang pinaghigaan nila ng binata ay naligo na siya. Habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin ay naalala na naman niya ang tungkol sa napanaginipan ng nagdaang gabi.

Hindi niya maiwasang mapaisip sa mga napapanaginipan niya. Lalo na't ang paulit ulit na napapanaginipan ay isang babaeng galit na galit sa kaniya. Bakit kaya? Bakit ito galit na galit sa kaniya?

Sa nagdaang mga taon ba na wala siyang maalala, may mga nakaaway ba siya? Pero hindi naman siya palaaway kahit nung bata pa man siya. Wala siyang nakakaaway kasi lahat ng mga nakakasalamuha noon imbis na awayin niya, kinakaibigan niya pa, kaya malayo talaga na magkaroon siya ng kaaway.

Malalim na napabuntong hininga si Roxanne. Mababaliw na siya kakaisip ng wala man lang maalala.

Bakit ba kapag gusto niyang maalala ang isang bagay, hindi niya maalala. Samantalang kapag hindi na niya iniisip saka naman may pumapasok sa utak niya.

"Anong bang gagawin ko sa sarili ko!" wala sa sariling sambit ng dalaga.

"Are you done? Kain na tayo!" muntik ng mahulog sa kinauupoan si Roxanne ng may magsalita sa kung saan.

"Diel! Nakakagulat ka naman. Akala ko may nakapasok ng magnanakaw." aniya sa asawa ng makita sa likuran niya.

Hindi niya manlang ito nakita na dumaan sa salamin kakaisip sa babaeng yon.

Napangiti ito. "Ano ba kasing iniisip mo?" ani Diel.

Marahas siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Yung babae!" aniya.

Nag-aalalang lumapit sa kaniya ang binata. "Bakit? Napanaginipan mo na naman ba siya?" anito.

Mabilis na umiling iling si Roxanne. "Kapag kasi iniisip ko siya wala akong maalala. Samantalang gabi-gabi naman siyang nagpaparamdam sakin sa panaginip." sagot ng dalaga.

"Wag mo ng isipin ng isipin yon. Kung hindi mo maalala wala namang problema don, sasakit lang ang ulo mo niyan kakaisip." anang binata.

Gusto pa sanang itanong ni Roxanne ang tungkol kay Jessica, kasi sa pagkakaalam niya nag-away sila nung maaksidente siya.

Hindi kaya ang babaeng yon ang napapanaginipan niya tuwing gabi?

"Halika na! Kumain na tayo." aya ng binata.

Kaagad naman na tumayo si Roxanne para sundan ang binata. Tama! Hindi na mona siya magtatanong sa ngayon, lalo na't ngayon palang siya kinakausap ni Diel pagkatapos ng hindi pagpansin nito sa kaniya kahapon -na alam naman niyang siya ang may kasalanan, kaya siya nito iniiwasan.

Buti nalang nawawala ang galit nito kapag nag-aalala ang binata sa kaniya. Yon yung napapansin ng dalaga. Halos manghina ito kapag nakikitang hindi siya okay! Ibig sabihin ayaw nitong makitang nahihirapan siya.

Alam na ni Roxanne na mahal na mahal siya ni Diel. Yon ang nakikita niya sa mga mata at sa kilos nito. At kung gano nito iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ng binata.

Ang kaso lang! Hindi naman siya sigurado sa nararamdaman ng binata. Kung minahal niya nga ba ito sa nagdaang dalawang taon na wala siyang maalala. Hindi parin kasi mawala sa isip niya si Aaron simula ng malamang may asawa na siya.

Nasaan na kaya ang lalakeng yon? Nangako pa ito sa kaniya na hahanapin siya at sisigurohing sa pagbalik nito nhindi na ito mawawala sa tabi niya kahit kailan. Pero nakapag-asawa na siya, wala parin ang lalakeng nangako sa kaniya. Wala parin si Aaron.

MARRYING THE MANIAC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon