CHAPTER 17
"M-may ginawa ba akong kalukuhan kagabi?" ani Roxanne na puno ng pag-aalala na baka nga may ginawa siya.
Minsan kasi hindi niya alam kung anong pinaggagagawa niya, lalo na't kung pagod na pagod siya
Hayys! Sasapakin niya talaga ang sarili kapag may ginawa siyang nakakahiya.
"Actually meron!" anang binata na sinabayan ng pagtango.
"Ano?" aniya na puno ng kaba.
Hirap si Roxanne magsalita, pero nakakaya niya parin. Ewan niya ba kung saan nanggaling ang lakas ng loob para magsalita.
"Hmn! Natulog ka sa balikat ko kagabi habang nanonood tayo ng marathon." sagot ng binata.
"Yun lang?" ani Roxanne na parang natigilan.
Nakahinga siya ng maluwag kahit papano ng tumango ang binata.
'Buti naman yun lang'.
"Wait! Are you thinking na may nangyari saatin kagabi?" tanong ni Diel na kaagad ikinalingon ni Roxanne.
"H-ha? A-ano kaba bakit naman ako mag-iisip ng ganon..." pansamantala siyang natigilan ng makita ang binata na nakatitig sa kaniya. "...ganon na nga." aniya.
Wala na siyang magawa dahil nahuli na siya nito. Nalaman kaagad nito na nagsisinungaling siya base lang sa tingin.
Naiinis ang dalaga, dahil naisip niya ang mga ganon bagay, e wala naman palang ginawa sa kaniya si Diel. Matuno naman pala ito.
Napangiti na lamang ang binata, dahil sa mga ikinikilos niya.
"Sorry! Hindi ko naman sunasadya na pag-isipan ka ng masama." aniya sa mahinang boses.
Tahimik at hindi makatingin ng maayus si Roxanne, dahil sa kahihiyan.
"E kasi naman! Sa mga pinapakita mo sakin, parang may hindi ka magandang gagawin, kaya yon tuloy. Napag-isipan kita ng kung anu-ano dyan." anang dalaga.
Halos humagalpak ng tawa ang binata sa mga sinabi ni Roxanne.
'Anong nakakatawa sa sinabi ko'? Anang dalaga sa isip.
"You know what? Ganyan na ganyan din yung sinabi mo saakin nung una tayong magkakilala." anang binata ng tumigil sa pagtawa.
Tinignan ito ng dalaga. "Ganon!?"
Nakakahiya talaga, mula noon hanggang ngayon pinag-iisipan niya ito ng masama, kahit nawalan siya ng alaala. Grabe! Ano bang problema ng utak niya.
"Sorry ha!?" tanging nasambit ng dalaga.
"Five months and two weeks na tayong kasal, pero kahit kailan wala pang nangyari saatin." anang binata.
'Wala pa? As in walang sex na naganap kahit nung kinasal sila'? Anong pinaggagagawa nila ng binata nitong mga nakaraang buwan? Aral lang talaga?
"Bakit?" biglang tanong ni Roxanne sa binata. "Ang ibig kong sabihin bakit wala pa?" aniya.
"Kasi ayaw mo." walang pag-aalangang sagot ng binata.
"A-ayaw ko?" hindi makapaniwalang sambit ng dalaga.
Ang lakas naman ng loob niya, na siya pa ang aayaw sa ganito kagwapong lalake. 'Hayys, ano ba 'tong nga nasa utak niya. Tss'.
"Hmn! Nung una kasi tayong magkakilala hindi pa tayo masyado ganon kalapit, at lagi kapang galit saakin, kaya hindi naman kita mapipilit kung hindi kapa handa. Will i respect what's your decision." nakangiting ani ng binata.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha