CHAPTER 7
NAGISING si Roxanne sa isang kuwarto na nababalutan ng puti ang buong paligid. Ganon din ang mga kurtinang maya't-mayang nagsisiliparan dahil sa hanging tumatangay dito. Gusto niya mang isiping baka patay niya siya, hindi dahil bigla niyang naamoy ang pinakaayaw niyang maamoy sa buong buhay niya. Ang amoy ng ospital.
Ipinalibot ni Roxanne ang paningin sa buong paligid, nagbabakasakaling may kasama siya sa loob ng kuwarto. Hanggang sa may makita nga siyang dalawang mag-asawa na nakaupo sa sofa. Ang mama at papa niya iyon. Pero nasaan si Diel?
"Mama, papa." Tawag niya sa atensyon ng mga magulang.
Gulat namang tumingin ang mga magulang ng dalaga ng marinig ang pagtawag niya. Napangiti nalang siya, dahil nandito ang mga ito nag-aalala para sa kaniya.
"Anak!" Ani ng mama Tessa niyang halos liparin ang pagitan ng sofa at kamang kinarurruonan niya. Sumunod rin dito ang papa niya.
Biglang nakaramdam ng awa si Roxanne sa mga magulang, dahil sa stress at mga problemang pinagdadaanan ng mga ito. Kahit hindi pa man matanda ang mama at papa niya makikita na agad sa mga mukha nito dahil sa mga problemang pinagdadaanan ng mga ito.
Sana pwede niya nalang akuin ang nararamdamang pagod ng mga magulang, para hindi na ito mahirapan pa.
"Kumusta kana anak?" Tanong ng ina ng dalaga na bakas parin ang pag-aalala ng mga ito.
Tango lang ang naisagot niya rito, kasabay ng pilit na ngiti.
Malakas siyang tinapik ng ina sa balikat na hindi niya inaasahan. "Ano kaba namang bata ka! Bakit hindi ka marunong mag-ingat ha!?" Sermon sa kaniya ng ina na halos mangiyak-ngiyak na. "Aatakihin kami ng papa mo sa sobrang pag-aalala, nung tawagan kami ng dalawa mong kaibigan sa eskuwela." Patuloy ng mama Tessa niya.
Hayy! Ang dalawang yon talaga! Bakit kailangan pang tawagan ang mga magulang niya e hindi naman malala ang nangyari sa kaniya. Makakatikim talaga sa kaniya ang dalawang yon.
"Ano ba kasing nangyari anak?" Tanong ng ama niya.
"Wag niyo na ho akong intindihin. Ang importante walang nangyaring masama sa akin." Ani Roxanne. Imbis na sagutin ang tanong ng papa niya.
Ayaw niya na kasing dumagdag pa sa mga pinuproblema ng mga ito. At kung kaya niya pa naman, handa siyang sarilinin mona ang hirap ng hindi ang mga ito nag-aalala sa kaniya.
"Pero Roxanne! –" ani ng ina niya na parang hindi kombinsido sa sinabi niya.
"Okay lang po talaga ako!" Aniya sa ina. Ipinalibot ni Roxanne ang paningin. Nagbabakasakaling makikita ang gustong makita ng mga mata niya. "Ahmn! Si Diel po?" Tanong niya sa mga magulang ng lingonin niya ito.
Ayaw niya mang magtanong, pero sa isiping baka na kay Jessica, ito inaalagaan ang dalaga. Naninikip ang dibdib niya. Pero siguro mabuti narin iyon para kahit papaano may mag-aalaga kay Jessica. Kahit hindi na mona siya.
At isa pa! Siya naman talaga ang nagtulak sa binata na panindigan ito kahit labag pa sa loob nilang dalawa.
"Umuwi mona ang asawa mo para ipagkuha ka ng damit na masusuot. Ang sabi kasi ng doctor! Sa oras na magising ka, pwede kana raw umuwi kaagad." Sagot ng mama niya.
Hayy! Salamat naman. Kasi ayaw niya ng magtagal sa ospital nato. Tsaka! Sino ba ang gugustohing nakaratay dito?
"Ahh! Ganon poba?" Akala niya kasama ng asawa niya si Jessica, hindi naman pala. Masamang tao naba siya kung iisipin niyang masaya siya dahil mas pinili siya ni Diel na samahan kesa sa babaeng nabuntis nito?
'Okay lang naman siguro maging selfish minsan.'
Naputol ang pag-iisip ni Roxanne ng magsalita ang papa niya. "Nasabi mona ba sa kaniya?" Tanong ng ama ng dalaga.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha