CHAPTER 15

2 0 0
                                    

CHAPTER 15

SA LOOB NG HALOS isang linggong nagtiis at nahirapan si Roxanne na hindi kasama si Diel. Nakalimutan na nya yon, ganon din ang binata. Para kasi sa kanilang dalawa ang mga araw na nagdaan ay parang isa nalang hangin. Dadaan tapos kinabukasan ibang temperatura naman ng hangin ang mararanasan mo, kaya kung anong meron sa araw nayon hindi na yon madadala sa kinabukasan. Hindi na maibabalik lahat ng mga nangyari sa nakaraan.

Ganon naman dapat diba? Kalimutan ang mga nagdaan at isipin kung anong meron sa ngayon, kasi kung babalikan mo pa ang nakaraan ano nalang mangyayari sa ngayon. Puro nalang ba nakaraan?

"Buti nalang hindi ginalaw nina mommy at daddy yung bahay natin." nakangiting lumingon sa kanya ang binata ng balingan nya ito. "Still we have our own house. At masosolo kita." anito pagkatapos ay pinulupot nito ang mga braso sa beywang nya na parang linta.

Umuwi sila ulit sa bahay nila ni Diel na binigay ng mga magulang nito. Nung una ayaw pa sanang pumayag ni Daddy Daniel pero wala narin nagawa dahil nga nagmakaawa na si Diel sa harap nito mismo kahit nandoon sya. Nagulat pa nga sya, dahil hindi nya inaasahan na gagawin ito ng binata. Ang alam nya kasi dito ay mapride. Hindi nagpapakita ng kahinaan. At hindi luluhod para lang magmakaawa. Pero nakita nya mismo yun. Nakita nya sa isang Diel Del Valle.

"Diel! Ano ba!" asik nya sa asawa.

Kung makayakap kasi ito ay para bang ayaw na sya nitong pakawalan. Hindi parin sya sanay kahit ang tagal-tagal ng ginagawa ng binata iyon sa kanya.

Hayy! Ewan nya ba.

Gulat syang napatingin sa binata ng bigla sya nitong sunggaban ng halik.

"Diel!" pinandilatan nya ito na hindi naman nito binigyang pansin.

"That's my price for making me cover in fear this last few days." anito at napahawak sa puso. "Alam mo bang nasasaktan parin ako dahil sa ginawa mong pang-iiwan saakin." dagdag pa ng binata.

Alam nyang nagbibiri lang ito, pero nakikita nya sa sulok ng mga mata ng asawa na nasasaktan parin ito.

Napabuntong hininga nalang si Roxanne. "Sige na nga! Pero wag mo ng uulitin yung ha? Hindi ako sanay na hinahalikan ng kung sino e." aniya.

Malungkot na napaiwas ng tingin sa kanya si Diel. "So ibang tao pala ako sayo?" malungkot na sabi nito.

Mabiling na napailing si Roxanne. "Hindi! Hindi naman yung yung ibig kung sabihin e." mali ata ang pagkakaintindi ng binata sa mga sinabi nya. Muling napabuntong hininga ang dalaga. "Ang akin lang naman. Kung hahalikan mo 'ko magpaalam ka naman. Hindi yung bigla bigla ka nalang manununggab ng halik. Baka mamaya dahil sa ginagawa mo, iba na pala ang humahalik sa akin." paliwanag nya sa binata.

Pilyong napangiti ang binata at muling ipinulopot ang mga braso nito sa beywang nya na kanina nitong inalis. "Can I kiss you?" anito.

Nalakas nyang tinapik ang braso nito at masamang tinitigan.

"Bakit? Nagpaalam naman ako ah! Tulad ng sabi mo." anang binata.

"E pilyo ka e." asik nya dito na masama paring nakatingin.

"But still you love me." sabi nito na may halong panlalambing.

Tumingkayad si Roxanne hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata, para mahalikan ito sa nuo. "Oo naman! Asawa kita e." sagot nya.

Hindi maipaliwanag ni Roxanne ang sayang nararamdaman ng asawa sa mga oras nayon. Pakiramdaman nya ito na ang pinakamasayang lalake ng mga oras nayon. At masaya sya dahil siya ang dahilan kung bakit ito masaya. Sobrang saya nya.

MARRYING THE MANIAC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon