A/N: Happy Reading!!😍😘
TUMIGIL ang sasakyan kung saan nakasakay si Roxanne at Diel sa tapat ng malaking building na sa hinuha ni Roxanne ay higit pa sa sampong palapag.
Sobrang taas non ng makita ng dalaga. At halos salamin na ang nagsisilbi nitong dingding.
Iniisip tuloy niya kung gaano kakapal ang salamin non. Ang galing lang ng nakaisip nung gawin yun, kasi sobrang ganda.
"We're here!" ani Diel.
'Ito naba ang kompanya nila'?
Nilingon ito ng dalaga.
"Ito ba ang sinasabi mong kompanya ng daddy mo?" tanong ni Roxanne sa asawa habang nakaturo ang hintuturo sa napakataas na building. Puno ng pagkamangha ang itsura niya.
"Hmn!" sagot ng binata sabay tango.
Nawalan ng imik ang dalaga hangang sa pagbuksan siya ng binata. At hanggang sa baybayin nila ang daan papasok sa sinasabi nitong kompanya ng ama.
Habang nasa bayahe sila ng binata. Ikinuwento nito kung gaanong paghihirap ang ginawa ng grandparents at mga magulang nito para lang sa kompanya. Ibinigay daw ng mga ito ang lahat ng puwedeng ibigay sa kompanya para mapalago. At hindi naman sila nabigo sa pagpapalago nito, dahil may dalawang branch na ito sa Australia at Hawaii. Madadagdagan narin ng isa pa dahil nagsisimula na silang magpatayo sa Canada.
Ng marinig ang lahat ng yon ni Roxanne halos hindi siya makapagsalita sa sobrang pagkamangha. Ang yaman nga talaga ng pamilyang ito. Ang yaman ng napangasawa niya.
Hindi lubos maisip ng dalaga kung bakit siya ang napiling ipakasal sa binata. Hindi naman sila mayaman. Minsan nga noon kailangan pa nilang mangutang para lang makakain sa loob ng isang araw, kaya bakit siya?
Kailangan niya na talagang malaman ang mga nangyari sa nakalipas na dalawang taon na wala siyang maalala. Alam niya hindi pa nasasabi lahat sa kaniya ni Diel. Yung magagandang bagay lang ang mga ikinukwento nito sa kaniya.
Pano nayan!? Parang wala pa naman balak magsalita ang binata tungkol sa mga iba pang nangyari noon.
'Komprontahin kona kaya'? Aniya sa isip. Hayys, parang ang sama naman sa pandinig yung salitang 'komprontahin'. Tss.
"Aii komprontahin!" gulat na sambit ng dalaga ng makaramdam na para siyang tinulak.
Buti nalang nahawakan siya ni Diel para hindi tuluyang matumba.
Ipinalibot niya ang paningin sa loob ng elevator. Tss! Hindi niya rin namalayan na nasa elevator na pala sila, dahil sa kakaisip niya.
"Ano bang nasa isip mo? Kanina kapa tulala dyan." tanong ng binata sa tabi niya.
"Wala." tipid niyang sagot.
Muling nilibot ni Roxanne ang paningin sa loob ng elevator na parang wala sa sarili. Nakakahiya siya kanina sa totoo lang. Bakit niya ba kasi nasabi yon? Hayys!
"Oh! Sir! Nandito po pala kayo." sambit ng hindi kilalang boses.
Mabilis na nilingon ni Roxanne kung sino ang nasalita. Nakatingin ito kay Diel.
"Good morning! Sir." sambit muli ng lalaking nagsalita.
Sinundan naman ito ng tatlo pang tao sa loob ng elevator maliban sa kaniya. Halata ang gulat sa mga mukha nito ng makita ang asawa niya. At saya narin.
Hindi na dapat siya magulat kasi anak ito ng may-ari ng kompanya, pero nagugulat parin siya.
"Good morning." balik na bati ng binata ng nakangiti. "Oh! My wifey!" anang binata ng bigla nalang siyang hilahin para ipakilala.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha