CHAPTER 10
NAKATULALA lang at bahagyang nakabuka ang bibig ni Nannie at May-Annie kay Aaron. Hindi alam ni Roxanne kong ano ang ere-react sa mga kaibigan, pero mas minabuti mona niyang hindi pansinin ang dalawa. Alam niya kasing nahuhumaling ang dalawang ito kay Aaron.
"Sino siya?" Sabay na tanong nina May-Annie at Nannie na nakatulala parin sa binata.
"Siya yung sinasabi ko noon sa inyong kababata ko." Sagot ni Roxanne.
Hindi na nagsalita ang dalawa. Bumalik ang mga ito sa titig sa binata.
"Ehemn!" Ani Aaron ng hindi na matiis ang katahimikan– o baka naman... ang kakatitig ng dalawa–? Tumingin kay Roxanne ang binata. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito na bahagya pang hinaplos ng sariling mga kamay ang mukha. Sinusuri kung may dumi nga doon.
Umiling-iling lang si Roxanne bilang sagot sa binata. "Nagagwapuhan lang sila sayo." Aniya. "Ingat kalang. Magpagsamantala ang dalawang yan." Nginitian niya ang binata pagkatapos niyang sabihn yon.
Iniisip lang ni Roxanne. Kung sakaling may isang pipiliin si Aaron sa dalawa? Sino kaya? At anong mangyayari!?
Hayy! Kawawang binata.
"Sana wala." Ani Roxanne na hindi niya namalayang naisatinig niya pala.
"Ano yun?" Biglang tanong ni Aaron.
Kaagad niyang nilingon ang binata. "H-hu?" Huli na para bawiin ang mga sinabi niya. "Ahh! Ang ibig kung sabihin. Mga kaibigan ko sila. Sobrang bait ng dalawang yan. Sigurado akong makakasundo mo sila." Aniya saka nginitian ng matamis na ngiti ang binata.
Ngumiti rin ang binata. "Oo! Tsaka! Halata naman na mababait sila, kaya sure akong magiging kaibigan ko rin sila." Anang binata na bumaling ng tingin sa dalawa nyang kaibigan na may ngiti parin sa mga labi.
Gulat siyang napatingin sa dalawa ng mag-unahan itong lumapit kay Aaron.
"Hi! Ako nga pala si Nannie Policarpio Daradas, but you can call me Nan. Short for Nannie." Nilahad ng dalaga ang kamay na agad namang tinanggap ng binata. "Nice to meet you!"
"Nice to meet you too!" Sagot ng binata saka ito nginitian.
Biglang tinulak ni May-Annie si Nannie para ito naman ang magpakilala. Lumapit ito at kaagad hinablot ang kamay ng binata.
Nagulat ang binata sa hindi inaasahang gagawin ni May-Annie, kaya halata ang pagkabigla nito at pagkailang sa mukha.
"Hello! My name is May-Annie Regalario De Dios. Call me 'My baby'." Sambit ng dalaga na mahigpit paring nakahawak sa kamay ni Aaron.
Muntik ng masamid si Roxanne, kahit wala namang iniinom o kinakain. Malalaki ang mata niyang nakatingin kay May-Annie at hindi inaasahan ang mga sasabihin nito.
Ganon din ang reaksyon ni Nannie.
'Grabe! Desperada ba ang tawag don?'
Wala siyang masabi.
Sana okay lang ang kaibigan niya.
"Ha?? 'M-my baby?'." Ulit na tanong ng binata.
Tumango tango naman si May-Annie na walang pag-aalinlangan.
"Bakit?" Tanong ulit ng binata ng gulat na gulat parin at hindi makapagsalita ng maayos.
"'Yon kase ang tawag saken ng mama at papa ko. Only child kase ako. Heheh!!" Sagot nito.
"Ahhh!" Tumango-tango ang binata. "Sige! Kung yan ang gusto mo." Dagdag pa nito saka ngumiti ulit.
"Talaga!?" Ani May-Annie na parang hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha