CHAPTER 25
A/N: Happy Reading!🥰❤️
.
"MALALIM ATA ANG INIISIP NG ANAK KO!" Anang boses na ikinalingon ni Roxanne. Ang Ina niyang kakarating lang galing sa labas para ihatid ang Tita Rowena niya.
Umalis rin kaagad ang tiyahin, dahil pupunta pa raw ito ng Tagaytay para kumuha ng bagong trabahador sa shop nito.
"Wala naman po." Tipid na sambit ni Roxanne.
Tumabi ng upo ang Ina. "Wala ba talaga?" Matiim na nakatingin sa kaniya ang Ina na parang sinasabi nito na ayus lang ang lahat. Magsabi lang siya at pakikinggan siya nito.
Bumuntong hininga ang dalaga. "Kase po! 'Yung sinabi kase ni Tita." Aniya na nagdadalawang isip parin.
"Hanggang ngayon iniisip mo parin yon?" Tanong ng Ina na tila may pag-aalala.
Tinanguan naman ito ni Roxanne. "Hindi po kasi maalis sa isip ko." Kanina ilang beses yon nabanggit ng tiyahin at parang seryoso talaga ito sa mga sinasabi. Gulong-gulo na ang utak niya sa totoo lang. Tila naghahati ang isip kung papayag ba o hindi. "Mama! Gusto ko ho sanang sumama." Sambit ng dalaga.
May pag-aalinlangang ngumiti ang Ina. "Wala namang pipigil sayo. Gusto mo yan, kaya susuportahan ka nalang namin." Sambit ng Ina. "Kaya lang! Paano si Diel?" Doon muling napaisip si Roxanne sa sinabi ng ina.
Ang bagay nayon ang inaalala niya. Siguradong hindi papayag si Diel. Ang malayo nga lang ng ilang araw sa binata ay parang taon na para rito o kaya iisipin nitong baka hindi na siya bumalik. Nawalan siya ng alaala para sa binata, pero hindi ang ugali nito na parang tumatak sa kaibuturan ng pagkatao niya, kaya hindi talaga niya alam kung anong dapat gawin pagdating kay Diel.
"Wala naman ho akong magagawa kundi sabihin sa kaniya ang gusto kong mangyari." Ani Roxanne.
"Siguradong hindi yon papayag oras na malaman ng batang yon ang gagawin mo." Hinawakan ng Ina ang mga kamay ng anak at tumingin dito. "Anak! Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo. Para mo naring tinakasan ang responsibilidad mo sa asawa mo." Dagdag pa ng Ina.
"Aalis ka Ate?" Biglang sambit ni Jennie na kakalabas lang mula kuwarto nito.
Mabilis na napalingon si Roxanne at ang Ina nila.
Tumingin si Roxanne sa ina'ng may nangungusap na ang mga mata, pagkatapos ay sa kapatid naman bumaling. "H-ha!? Sinong aalis?" Pagkukunwari ng dalaga.
"Tss! 'Wag ka ngang palusot dyan. Narinig ko kaya si Mama." Ani ng kapatid na si Jennie. Hayys! Wala talaga siyang maitago sa kapatid nato. Oras na marinig na ng isang to hindi mona maitatanggi.
"Oo! Aalis ako para hindi kona makita yang pagmumukha mong nakakainis." Tumayo si Roxanne para pumasok sa kwarto ng hindi na siya gulohin pa ng kapatid.
"Naiinis ka sakin kase masyado akong cute at mas maganda kesa sayo." Pahabol ng kapatid.
"Asa ka naman." Ani Roxanne.
Hindi na nagsalita ang kapatid ng pakapasok siya sa kuwarto. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga ng pasalampak na humiga sa kama niya. 'Ang babaeng yon(Jennie). Hindi nito pwedeng malaman na aalis siya, dahil siguradong wala pang isang minuto nasabi na nito lahat kay Diel ang balak niya. Tsaka! Mabuti pang hindi mona nito malaman kase hindi pa naman siya sigurado sa gustong gawin. Pwede pang magbago ang isip niya.
Nahiga si Roxanne sa kama para sandaling maidlip ng biglang tumunog ang cellphone niya hindi pa man niya napipikit ang mga mata. Kinuha niya ang telepono at tinignan kung sino ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha