CHAPTER 22

0 0 0
                                    

CHAPTER 22

A/N: Happy Reading!!🥰❤️

.

"Nag-away kayo ni Diel? Bakit? Anong dahilan? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong ni May-Annie.

Naisipan tawagan ni Roxanne ang kaibigan ng walang kibung iniwan niya ang asawa sa sala at pilit na nagpapaliwanang.

Hindi niya na kasi matiis ang nararamdamang sakit. Isa pa ayaw niya ng maniwala pa sa mga sasabihin nito, dahil ba puro kasinungalingan pa ang sabihin nito.

Mas pipiliin niyang hindi makinig at pabayaan ito kesa pakinggang ito sa mga kwentong wala namang katotohanan. Alam niya nang dahil sa kaniya nagagawa nito ang mga bagay na malamang hindi naman dating ginagawa ng binata. At nasasaktan siya dahil don.

Ang hirap tanggapin na dahil sa kaniya nagsimula ang lahat. Lalo na ang paghihirap ng binata.

"Teka? Nalaman niya na ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Yon ba ang dahilan kung bakit kayo nag-away?" Muli ay tanong ni May na nasa kabilang linya.

Tahimik siyang nagsalita. "Hindi yon!"

"So ano?"

"Gusto ko lang naman magtanong ng tungkol kay Jessica at sa ipinagbubuntis nito, pero kahit alam niya ng alam ko ang tungkol don, ayaw parin niyang magsalita. Pinagpipilitan niyang parang wala siyang alam."sambit ng dalaga sa kausap sa kabilang linya.

"Prangka mo siyang tinanong tungkol don?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni May-Annie.

"Hindi naman!" Aniya. "Aksidente kasing nasabi ng mommy niya kanina nung pumunta sila dito, kaya nagtanong narin ako ng tungkol don, pero bigla nalang siyang nagalit sakin." Paliwanag pa ni Roxanne sa kaibigang nakikinig lang.

Narinig ng dalaga ang pagbuntong hininga ng kaibigan. "Ganon talaga! Kung naaalala mo. Sobrang sensitive ng asawa mong yan pagdating sayo. Hindi man namin siya matagal na nakakausap pero halata naman sa mga kilos niya." Ani May-Annie.

"Tama ka!" Ani Roxanne na napapatago kahit alam na wala sa harap ang kausap. Napabuntong hininga ito. "Anong gagawin ko? Nung una ko siyang makita at makilala sa ospital sobrang buting tao ang tingin ko sa kaniya, pero paglalong tumatagal parang nagiging iba siya." Ito ba ang totoo? Ang totoong pagkatao ng asawa niya?

Sa totoo lang hindi niya na talaga alam ang gagawin. Nalilito na siya.

Sa dami ng tanong sa isip ng dalaga sumasakit na ang ulo niya, para siyang babagsak ano mang oras.

"Alam mo sa totoo lang!? Minsan masarap talaga sa pakiramdam na may taong obsessed sayo, pero sa sitwasyo mo at sa kagaya ni Diel! Hindi na maganda e. Nakakasakal na at nakakatakot. Sobra na ang pagka-obsessed sayo ng asawa mo. Ako na ang natatakot para sayo, baka kung anong gawin niya." Anang kaibigan.

Natahimik at napaisip si Roxanne. Iniisip niya kung tama paba ang lahat! Kung tama paba ang mga nangyayari.

"So ano ng gagawin mo niyan ngayon?" Muli ay sambit ng kaibigan sa malumanay nitong boses.

"Ewan ko! Hindi ko alam." Aniya na matamlay ang boses. "Alam mo!? Parang masgugutuhin kopang umalis kesa pakinggan siya sa mga sasabihin niya. Natatakot kasi ako, baka sa oras na makausap ko siya mga kasinungalingan lang ang sabihin niya sakin. Hindi ko kayang pakinggan yon."

"Hmm! Naiintindihan ko! Basta kung may problema ka at may kailangan! Tawagan mo lang ako. Nandito lang ako para sayo, pati narin si Nannie na naririnig ko na naman ang parang ipis na boses sa labas." Anito na may kasamang biro.

Napangiti nalang si Roxanne sa sinabi ng kaibigan. "Salamat!"

Napabaling sa pinto ang dalaga ng marinig na magbukas iyon. At nakita si Diel na matamlay na nakatingin sa kaniya. Pinatay niya ang tawag mula sa kaibigan ng hindi nagpapaalam at dire-diretsong naglakad papunta ng banyo.

MARRYING THE MANIAC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon