CHAPTER 9
.
NASA tabi lang ni Roxanne ngayon ang dalawa niyang kaibigan na parehas nagpapaganda. 'Tss! Kailangan bang magpaganda pa bago magsimula ang klase?' Ibang klase rin talaga ang dalawang 'to. Siguradong may lalandiin na naman ang mga to mamaya.Maya maya lang ay napapikit nalang ang dalaga sa sobrang pagkabagot. "Ang boring naman!" Aniya sa sarili.
"Saan kaba galing kahapon?" Biglang tanong ni May-Annie na halos ikalalag ng puso niya sa sobrang gulat.
Siya ba ang tinatanong nito?
Tumingin ito sa kaniya ng masama ng hindi siya magsalita. "Hoy! Babae! Tinatanong kita kung saan ka galing kahapon." Tanong ulit nito.
"Wala na kayong pakialam don!" Sagot niya. "Naaalala niyo? Hindi niyo lang naman ako sinipot kahapon." Galit niyang tinignan ang dalawa.
Ang totoo! Hindi na naman na talaga siya galit sa dalawa. Pero kapag kasi naiisip niya na nag-away sila ni Diel dahil sa pagsama niya sa dalawang ito na hindi naman pala siya sisiputin, nag-iinit bigla ang dugo niya. At ito pa! Pinaghintay pa siya ng napakatagal. Sinong hindi maiinis don!? Pero kahit papano nagpapasalamat parin naman siya, dahil kahit initsapuwera siya ng dalawang ito kahapon sa labas ng mall, nakita niya naman si Aaron. Sa loob ng maraming taon na hindi niya nakita ang taong yon, saka niya lang narealize na nakakapagod din palang maghintay.
"Sinabihan kaya namin na pumunta ka kung nasaan kame noon. Pero! Hindi ka naman pumunta." Ani Nannie. Tapos na ang mga ito sa wakas magpaganda.
'Wala namang nagbago sa mga mukha!'
"So ako ang kailangang mag-adjust?" Pambabara niya dito. "...ayoko! Hindi ko gagawin yon." Dagdag niya pa.
"Roxanne!?" Anang isang boses sa likuran niya.
Napalingon si Roxanne ng marinig na may tumawag sa pangalan niya. Nakatalikod kasi siya sa pinto kaya hindi niya ito nakita.
"Pinapatawag ka ni Mrs. San Diego!" Anito na nasa pinto. Hindi niya ito kilala, pero alam niyang isa ito sa mga officers ng university. Madalas niya kasi itong makitang kasama si Marlo kapag may mga okasyon na nagaganap sa university.
Napakunot ng nuo si Roxanne. Bakit naman kaya siya pinapatawag? Ang alam niya ipapatawag lang siya kung may mga event na mangyayari!
Si Mrs. San Diego ay isang guidance teacher, nasa 40s na ang edad nito turning 50s, kaya malapit na itong magretiro sa pagtuturo. Minsan lang siya ipatawag sa guidance office kaya nagtataka talaga siya kung anong meron ngayon! May nagawa ba siya?
Nagpaalam at umalis na ang kaninang tumawag sa kaniya. Tumayo narin siya para puntahan si Mrs. San Diego sa opisina nito.
"Good morning Mrs. San Diego! Pinapatawag niyo daw po ako?" Ani Roxanne. Naupo siya ng igiya sa kaniya ng may edad na guro ang upoan sa kaniya.
"I just want to say something for you Ms. Balderama." Anito na diretsong nakatingin lang sa dalaga. Bakas parin sa kaniya ang pagtataka. "Hindi kona ito patatagalin!" Dagdag pa ng ginang.
"A-ang alin po?" Kinakabahan siya sa kung anong gutong sabihin nito.
"Gusto ko sanang... ikaw ang maging representative sa pagpipinta ngayong darating na month of valentine day." Ani Mrs. San Diego na matamis na nakangiti sa kaniya. Nakatingin lang ito, hinihintay kung ano ang isasagot niya.
Kumunot ang nuo niya sa narinig. Paano nalaman ng Ginang na marunog siyang magpinta? Bukod kay Nannie at May-Annie wala ng ibang nakakaalam na marunog siya sa iba't-ibang klase ng arts. Tsaka! Simula ng malipat siya sa university na ito, hindi na kailanman nagpinta pa ang dalaga. Kaya nakakapagtaka talaga na malaman nito ang tungkol sa pagpipinta niya.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha