CHAPTER 3✅
"A-ANO?" Parang binuhusan si Roxanne ng balde baldeng yelo sa sobrang pagkabigla. Hindi niya nga alam kung bakit pa siya nakapagsalita kanina.
Hindi pwede 'to! Kahit ang lalakeng 'to ang palaging nagpapalakas ng pagtibok ng puso niya, hindi niya kayang ipagkatiwala ang buong pagkatao dito. Hindi nga sigurado si Roxanne kung totoo ba ang nararamdaman niya para sa binata, baka kasi mamaya simpleng pagtibok lang pala ang nararamdaman niya.
'Baka naman pwede pang pigilan!'
"I said! Kiss me." Ulit ng binata na nakatingin ang mga mata sa mga mata niya. Para siyang isang uri ng bulaklak na nalanta dahil sa mga salitang naririnig niya mula sa bibig mismo ng binata.
Kung kanina! Halos hindi magdikit ang mga katawan ni Diel at Roxanne, dahil parehas silang nasa magkabilang dulo ng sofa nakaupo. Nang mga oras nayon hindi alam ni Roxanne kung pano sa isang iglap lang nasa tabi niya na ang binata, at halos maghalikan na sila sa sobrang lapit nito sa kaniya.
Napalunok si Roxanne. Parang may pumipigil sa paghinga niya.
Nakahinga ng maluwag si Roxanne ng lumayo na ang binata at normal nalang na umupo. "Okay! Kung hindi mo kayang gawin. Aalis nalang ako at pupunta sa lugar kung saan hindi ako maboboring." Inilapit na naman nito ang mukha sa mukha niya saka nagsalita ulit. "Sa barkada." Dagdag pa ni Diel.
Para bang gusto nitong sabihin na hindi niya kayang pasayahin ang binata ––na hindi niya magagawa ang mga ikakasaya nito. Well! Totoo naman yon. Kasi nga, boring siyang tao.
'Anong gagawin ko?' Tanong niya sa sarili na alam niya namang hindi niya kayang sagutin.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa mga desisyong hindi niya naman pala kayang gawin. Naiinis na talaga siya sa sarili niya.
Napansin niyang tinatamad na tumayo ang binata para umalis, kaya kaagad niyang hinawakan ang kamay nito na nagpatigil ditong humakbang. Huli na para bitawan yon dahil sa isang iglap lang, magkadikit na naman ang mga katawan nila at ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa.
Hindi na naman siya makahinga ng maayus. At ramdam niya na naman ang paninigas ng buo niyang katawan.
"Gawin mona! Bago pa ako mismo ang humalik sayo." Sambit ng binata na may ngiti sa mga labi.
Ilang minuto na sila sa ganong posisyon. Naghihintay parin ang binata na gawin ni Roxanne ang gusto nito, pero wala paring nangyayari.
"Arrrggh!!!" Naiinis na binagsak ni Diel ang mukha sa balikat ni Roxanne. "Alam ko! Hindi mo kayang gawin." Pagkasabi non ay ipinulupot ng binata ang mga braso nito sa baywang niya, at mas isiniksik pa ang mukha malapit sa leeg ng dalaga na mas lalong nagpakapos ng paghinga ni Roxanne.
"A-anong g-ginagawa mo?" Tanong ng dalaga sa garalgal na boses.
"Resting." Tipid na sagot ng binata.
Mas lalo pang hinigpitan ni Diel ang pagkakapulupot ng mga braso sa beywang ni Roxanne. Parang komportableng nakayakap ang lang ang binata sa isang malambot na unan. Kung komportable ito, si Roxanne naman hindi alam kung pano magre-react.
"P-pero, pwede ka naman umakyat sa itaas para doon magpahinga." Tahimik lang si Roxanne habang nagsasalita. Hindi niya parin kayang igalaw ang sariling katawan.
Napapapikit ang dalaga sa tuwing gumagalaw ang binata sa pagkakahiga nito sa katawan niya, lalo na kapag humihinga ito na dumadampi sa leeg niya. Isang simpleng paghinga na nagpapabuhay sa katawang tao ng dalaga.
Umiling-iling ang binata saka nagsalita. "Ayoko! Mas gusto ko dito." Saot nito. "Let me. Kahit ngayon lang gusto kong magpahinga sa katawan ng asawa ko." Dagdag ng binata.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha