CHAPTER 23
A/N: Happy Reading!!🥰❤️😘
.
WALA SA SARILING naglalakad si Roxanne papasok ng kanilang bahay. Sa bahay kung saan malaya siya, kung saan nagagawa niya lahat ng gustuhin, at kung saan hindi siya nakaramdam ng kaba.
"ATE!!!" Halos mabasag ang eardrums ni Roxanne ng marinig ang kapatid na si Jennie sa lakas ng tili nito.
Napangiwi na lamang ang dalaga. Nahihinuha na naman niya na ang kailan lang na malungkot niyang buhay ay biglang mawawala na parang bula, dahil sa kapatid niyang ito na daig pa atang hindi nakapagsalita ng ilang taon sa sobrang daldal.
"Oh my god! Totoo ba 'to? Nandito ka?" Tila hindi makapaniwalang sambit ng kapatid.
Nahagip ng mga mata ni Roxanne si Jennon na tahikik lang na naglalakad palapit sa kanila. Nginitian siya nito ng kaagad naman niyang sinuklian ng ngiti.
"Ate!? Totoo bang wala na kayo ni kuya Diel? Anong nangyari? Oh my god! Nagloko ka no, kaya pinalayas ka? Ikaw naman kasi Ate ang gwapo gwapo ng asawa magagawa mo pang magloko. Sorry i cannot support you in this situation--"
"Ma! Pa! Magpapahinga napo mona ako." Ani Roxanne na walang pakealam sa sinasabi ng kapatid.
Wala siya sa huwisyo para kausapin at makipagbiruan dito. Kanina habang nasa biyahe siya wala siyang ginawa kundi ang maupo lang at maghintay sa pagtigil ng sasakyan para makapagpahinga na kaagad siya.
Ni hindi niya rin masagot ang nga tanong ng mga magulang niya na paulit ulit siyang tinatanong kung anong nangyari. Tila naintindihan naman ng nga ito pagtagal na hindi mona niya kayang makipag-usap sa ganoong sitwasyon.
"Sige na! Magpahinga kana mona." Anang ina ni Roxanne na marahang nakangiti sa kaniya.
Ngumiti siya sa mga magulang bago walang imik na tumalikod.
"Ate--!!" Ani Jennie na hindi niya binigyang pansin.
"Jennon! Dalhin mo 'to sa kuwarto ng Ate mo." Ani ng Ama nila na sa tingin niya ay ang maleta niya ang tinutukoy nito.
"Buti nga sayo! Pasmado kasi yang bunganga mo." Rinig pa niyang sabi ni Jennon sa kakambal na si Jennie.
"Tsss!" Si Jennie na tila naiinis pa.
Dirediretso siyang naglakad papunta sa kuwarto niya. Walang imik at tila wala sa sarili.
Ang napapansin lang ng dalaga na hindi naman niya binigyang pansin ay ang ilang pagbabago sa posisyon ng kanilang mga gamit. May mga nadagdag rin na sa tingin niya ay ito yung mga panahon na nawalan siya ng alaala, pero ganon parin naman ang bahay nila. Kahit maliit maluwag naman sa pakiramdam na tirahan iyon. Siguro dahil halos doon narin siya lumakit ng maaksidente siya ng bata pa.
Nang makapasok sa kuwarto ay kaagad siyang naupo sa kama. Malalim siyang napabuntong hininga.
"Ate!" Boses iyon ni Jennon na hindi manlang niya namalayan. Itinabi nito ang maleta niya malapit sa maliliit na cabinet na nandoon.
"Salamat!" Aniya sabay ngiti.
Lumapit sa kaniya si Jennon at mahigpit siyang niyakap, pagkatapos ay hinalikan sa nuo.
Nanlambot ang puso ni Roxanne para sa kapatid na lalake. Ito na ata ang pinakasweet na kapatid sa buong mundo. Sobrang layo ng ugali sa kapatid na babae.
"I love you! Ate ko." Ani Jennon ng nakangiti. "Tandaan mo! Kame lang ni Papa ang number one na lalake ang tunay na nagmamahal sayo." Sambit pa ng kapatid.
Nginitian niya ang kapatid. "Alam ko! At mahal ko rin kayo." Aniya.
Muli ay niyakap siya ng kapatid na lalake na may ngiti sa labi. "Sige na po! Magpahinga kana." Anito bago nagpaalam na aalis na.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanficFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha