CHAPTER 13
A/N: Have a good day and Happy Reading.!!😍💖😘
"OUCHH! Can you please be gentle?" Ani Diel.
Haba kasing ginagamot ni Roxanne ang sugat ni Diel ay panay ang reklamo nito. Hindi nya nalang ito pinapansin.
Tsaka kahit naman hinaan nya pa yon, wala rin naman magbanbago. Masakit parin dahil masyadong malala ang nangyari sa kamay nito. Yon na nga rin ang pinakamahina nyang panggagamot dito.
"Ano ba kasi talagang nangyari? Bakit ka nalang biglang nagwawala?" tanong nya. Umaasa syang sasagutin sya ni Diel kapag nagtanong ulit sya at magtatanong pa sya ng maraming beses, baka mainis na ito't magsabi sa kanyang totoo.
Ilang beses narin kasi nyang tinanung ang binata tungkol sa pagwawala nito, pero wala itong sinasagot.
Tinignan nya mona si Diel ng pansamantalang itigil ang panggagamot dito. "Bakit ba ayaw mo saakin sabihin? Mahirap bang ipaliwanag ang mga nangyari kanina?" maawtoridad nyang sabi.
Kailangan nya ng sagot. Kailangan nyang malaman kung anong problema ng binata.
Paano sya makakaalis kung pinag-aalala sya nito?
"Bakit? Sinabi moba saakin kung anong pinag-uusapan nyo ng lalakeng yon ng tanungin kita?" tanong ni Diel na diretsong nakatingin sa kanya.
Hindi nakaimik si Roxanne ng maalala ang mga nangyari kagabi. Nung tanungin sya ni Diel tungkol sa pinag-uusapan nila ni Aaron.
Natauhan ang dalaga ng magsalita ang binata. "Ibigay mo sakin ang kamay mo. Gagamutin ko." anito habang kumukuha ng piraso ng bulak at nilagyan ng gamot para sa sugat.
"Wag na! Ako nalang! Umakyat ka nalang sa taas para magpalit. Bumaba ka nalang pagkakain na. Maglilinis mona ako." seryosong sabi sa binata.
"Hindi ako nagugutom." ani Diel.
"E di matulog ka nalang." aniya.
Hindi nya na ito hinintay magsalita at nagsimula ng maglinis. Hindi na sya magluluto. Hindi naman kasi sya nagugutom. Wala naman kakain kung sakaling magluluto sya.
Makalipas ang ilang sandali natapos ng maglinis si Roxanne at papaakyat na sana sya sa kwarto nila ni Diel ng marinig ang pagtunog ng kanyang telepono.
Kaagad nyang sinagot ng nakitang si Aaron ang tumatawag. "Bakit?" aniya ng sagutin ang tawag.
"Yung... sinabi mo kahapon? Your not joking right." tanong ni Aaron na seryoso sa kabilang linya.
Huminga sya ng malalim habang nakapikit bago sinagot ang binata. "Oo! Seryoso ako."
"O-okay! Ipapaasikaso kay Dad ang lahat. Kaya nyang gawan ng paraan yon. I'll call you kapag ayus na ang lahat." ani Aaron na parang hindi makapaniwala.
Tingin nya nag-uumapaw ang kasayahan ng nito, dahil sa mga desisyon.
"Sige!" aniya.
Pagkatapos magpaalam sa binata ay umakyat na sya. Nadatnan nya si Diel na nakahiga sa kama, pero hindi pa naman tulog. 'Wala sigurong balak matulog ang lalakeng 'to e'.
"Bakit gising ka pa?" tanong ng dalaga.
"Hindi ako makatulog pagwala ka e! Kaya hinintay nalang kita." sagot ng binata.
Napabuntong hininga nalang sya sa itinuran nito. Ang ibig sabihin wala talaga itong balak matulog, nang wala sya.
"Diel! Hindi habang buhay nasa tabi mo ko, kaya sanayin mo sana yang sarili mong matuloy ng wala ako." sambit ng dalaga.
BINABASA MO ANG
MARRYING THE MANIAC
FanfictionFirst time to writer. Sana may sumuporta at sana may magkagusto, kahit feeling ko jejemon ako magsulat. hahaha