STILL AND STILL
Chapter 74:(RAPE)Shinna POV*
"Kanina ka paba dyan?" pag iiba nya ng usapan.
"Siguro!"
"Me narinig kaba?" tanong nya pero hindi ako sagot. Batid kong may tinatago sya at mukhang wala atang balak sabihin yun sakin. "Ah.. Yung- yung narinig mo wala lang yu-"
"Sino may sakit? Sino may taning?" kalmadong sabi ko
"Wala... Napatawag kasi sakin si ate... Si aling ma- maria daw may sakit mukhang malubha na daw..." sabi nya pero hindi ako kumbinsido lumapit naman ako sa kanya atsaka umupo sa tabi nya. "Sumusuka na daw ng dugo iniisip ko nga baka may TB na. Kawawa naman!" sabi nya pero nasa malayo ang tingin nya.
Ayaw nyang tumingin sakin dahil batid nyang magaling akong kumilatis kapag nag sisinungaling sakin ang isang tao dahil sa mga mata nila.
"Hmm.. Baka may TB nga..!" sabi ko atsaka sya lumingon. "Maliban don? May iniisip kapa ba?" pag uusisa ko
"Ah... Anong iniisip naman yan?" sa pagkakasabi nya at sa itsura nya batid kong meron sya ng hindi sinasabi.
"Kanina... Habang kumakain tayo? Tulala ka.. Malayo ang iniisip? Sabihin mo may hindi kaba sinasabi?" tanong ko lumingon naman sya sa akin kaya nagkatitigan kame sa mata. Nakita ko agad ang pagbabago ng emosyon sa mata nya. Nakita ko na unti unting namasa ang mata nya. Nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib ko. Nabatid kong sasabihin nya na ang gusto kong malaman.
"Kasi....kasi...si-"
Kring kring.......
Sabay kameng napatingin sa selpon nyang malakas na tumunog.
"Sagutin mo muna!" sabi ko kaya dinampot naman nya ang selpon nyang nasa kama atsaka tumayo para sagutin. Lumabas naman sya kaya naiwan ako mag isa sa kama.
Isay POV*
"Hello napatawag ka?" sagot ko kay calvin na nasa kabilang linya
"Hmm pasensya na... Kung tumawag ako pwede ka bang pumunta dito?" sabi nya
"Bakit? Nasaan kaba?" tanong ko narinig ko naman sya ng nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Please... Kailan kita... Itetext ko nalang sayo yung address!"
"Huh? Hey... Calvin? Bwisit pinatay? Ano naman kayang problema nun!" sinuksok ko nalang ang selpon ko sa bulsa ko atsaka pumasok sa kwarto naabutan ko naman si shinna na hawak ang Lesson plan ko. napatingin din naman sya sa akin
"Sino yung tumawag?" tanong nya lumapit muna ako bago ako umupo sa tabi nya
"Si calvin.. Sorry shinna kasi may nangyari kay calvin...pinapapunta nya ako hindi ko alam kung bakit eh!"
"Naiintindihan ko... lalabas na ako" sabi nya tumayo naman sya atsaka lumabas sa kwarto ko.
Nareceive ko naman na ang text. Kaya nagmadali na akong nagpalit ng damit atsaka lumabas. Hindi naman na ako nagpaalam dahil tulog na sila mama at tita Nic.
Habang nasa byahe ako hindi ko gusto ang ihip ng hangin. Feel ko may masamang nangyari na parang hindi ko alam basta hindi ko gusto ang pinapahiwatig ng hangin sa akin.
Nang nakapunta na ako sa bar. Naabutan ko si calvin na may kasamang lalaki. Nagtaka ako kaya nagmadali na akong lumapit.
Paglapit ko nakita agad ako ni calvin. Kaya bumaling din sakin ang kasama nya. Nagulat ako na si tristan yun.
Taka naman akong umupo sa tabi ni calvin.
"Anong meron? Gabi na ah?" sabi ko pero wala ni isa ang sumagot sa kanila "hoy... Bakit? May nangyari ba?" taka kong sabi.
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...