Chapter 35-MEDICINE

270 14 0
                                    

STILL AND STILL
Chapter 35:(MEDICINE)

Shynna POV*

Ganon ba talaga tingin nila sa akin.. Isang mukhang pera.. Isang babae na gustong makaahon sa buhay na meron sya.

Hindi naba matatapos to.. Wala na ang kapaguran ang takbo ng buhay ko? Hindi ba pwede maging masaya lang ako.. Ganto nalang ba lagi kapag masaya ako kapalit ay lungkot.. Hindi ba pwede na pag masaya.. Masaya lang.. Pag malungkot.. Malungkot lang.. Lagi nalang ba talaga na may kapalit..

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para makalabas ako duon para akong nakalutang habang naglalakad dahil walang laman ang isip ko kundi bakit?

ang lakas ng ulan pero hindi ko ininda yun ma's ininda ko pa ang nararamdaman kong kirot sa puso ko

Nang malagpas ako sa bahay nila ay napahinto nalang ako sa isang kalye at nag antay ng taxi

Pero nagulat ako ng pwersahan akong iliko para mapaharap sa kanya atsaka niyakap ako

"sorry... Hindi ito ang inaasahan ko! Pero sana... Sana hindi ka nagpaulan.. Sana Inantay moko! Pinag alala moko" bulong nya pero hindi ko nagawang yakapin sya pabalik o sagutin ang mga sinasabi nya.

Hindi ko man lang naramdaman na sinundan nya ako

Pero kahit ganon ay masaya ako dahil hindi tulad nang nakaraan ay hinayaan nya ako na umalis at iniwanan nya lang ako na puro tanong sa isip ko na hindi nasagot.

Pero hindi ko padin magawang magdiwang dahil Alam ko na walang makagagaan ng loob ko kundi ang mga paliwanag na gusto ko.

Hindi ko namalayan nasa bahay na kame.. Parang kanina lang ay niyakap nya ako. Hindi ko Man lang napansin ganon naba ako ka wala sa sarili.

"anong ginawa nyo... Bat kayo magpa ulan..!" biglang salubong sa akin ni mama napatingin naman ako kay Tristan na nakatingin din sa akin.  Inabutan niya agad ako ng tuwalya atsaka ako Inalalayan papasok at pinaupo

"mga siraulo ba kayo.. Bat kayo nagpaulan.. Lalo kana Alam mong buntis ka hindi ba?" sabi ni tita nic sa akin

Nilibot ko ang paningin ko feel ko babagsak ako.. Nilalamig ako at nahihilo..

Ano bang nangyayari sa akin..

Tinimplahan naman kame ni isay ng kape

" okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo? " sabi ni isay nang makalapit sya sa akin

Pero hindi ko sya sinagot

" ano bang nangyare huh?" sabi ni tita nic

"ah tita nic siguro sa susunod nalang natin pagusapan mukhang masama ang paki ramdam ni Shynna!" sabi ni isay.

Inalalayan naman nila ako na makapasok sa kwarto.

"isay... Kumot!" sabi ko sa kanya nang nakahiga na ako

"oo sige!" sabi nya sabay abot sa akin ng Kumot.

"okay ka lang ba?" sabi nya atsaka hinawakan ang nuo ko "mainit ka! Dyan lang sasabihin ko lang kay mama!"

"wag?"

"huh?"

"wag mong sabihin?"

"bakit naman?" sabi nya sabay upo sa higaan

"ayokong mag alala sila? Nasaan ng pala si Tristan?"

"hmm pinauwi na sya ni tita nic hindi ko alam kung bakit?" sabi ni isay atsaka nahiga sa tabi ko "nag aalala ako sayo bakit kaba kasi nag paulan?" sabi ni isay

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon