STILL AND STILL
Chapter 58:(HIS EX)Shinna POV*
nagmadali akong umalis sa bahay para pumunta sa ospital bara bara ko lang sinalampak ang kotse ko sa parking lot atsaka pumunta sa room ni elwood.
Pagkabukas ko ng pinto ay may nakita akong babae duon ay inaayos ang kamay ni elwood.
Napatingin din naman sya sa akin
"Ah doctor ka din dito diba?" sabi nya napatingin nama ako sa suot kong uniform na pangdoctor
Tumango naman ako at ngumiti
"Kakatulog lang kasi nya. Okay naman na sya hindi ba? Kailan ba sya makakauwi?"
"Hindi? Relatives?"tanong ko atsaka lumapit kay elwood napatingin naman ako sa mukha nyang mala angel kapag tulog dahil kapag gising sya para sya ng demonyo dahil sa pagiging pilyo nya.
Natawa naman ako bahagya sa naiisip ko
"Bakit nakangiti ka habang nakatingin sa kanya? Sino kaba?" napaangat naman ako ng tingin sa babae. Napabaling naman ako sa suot nyang masyadong revealing dahil halos lumuwa na ang dibdib nya
"Oh ba't ka makatingin dyan? Wala ka ba nyan?" sabi nya napatingin naman ako sa mukha nya
Aba bastos to ah. Iniisip siguro na flat ako
Napatingin naman ako sa dibdib ko.
Hehehe flat nga
"I'm talking to you! Sino ka ba maliban sa pagiging doctor mo?" inis na sabi nya
Inilahad ko naman ang kamay ko "shinna.. His girlfriend!" sabi ko napatingin naman ako sa itsura na na kaninang inis ay napalitan ng gulat at pagtataka pero agad nyang binago at natawa konti
"Pinapatawa mo ko!" sabi nya sabay abot ng kamay nya at shinake ang kamay naming magkahawak "aira.. His girlfriend!"
napabagsak naman ang kamay ko dahil binitawan nya ito ng biglaan
"What do you mean?" tanong ko
"Akala ko pa naman alam mo?"
oo alam ko na ikaw ang ex pero ang sinasabi ko anong ibig mong sabihin na girlfriend ka eh ako ang girlfriend nya engot naman nito. Sexy lang wala namang utak
"So.. Ikaw pala yung girlfriend dati!" sabi nya
"parang mali ka ata.. Ang pagkakaalam ko ikaw ang girlfriend dati!" pagtatama ko sa kanya umarko naman agad ang kilay nya at ngumisi
"Pero bakit ako ang tinext na puntahan daw sya at alagaan ko. Miss na miss nya na daw kasi ako. Nagmakaawa pag mga sya sa akin eh! Tapos sabi nya mahal na mahal nya daw ako" pang aasar nya sa akin
Kaya hindi ko din naman mapigilan ang magtaray at tumaas din ang kilay
"May amnesia sya. Siguro ka ikaw ang naalala nya pero hindi ikaw ang mahal nya!" sabi ko sa kanya ang kaninang ngisi nya ay napalitan ng inis
"So anong pinaglalaban mo? Na ikaw ang mahal nya. Tsk! Mahal ka ba nya talaga? Bakit hindi ka nya maalala?" sabi nya
"Dahil utak nya ang may deperensya hindi ang puso! Ibig sabihin hindi nya akong maalala dahil sa memorya pero hindi ibig sabihin nung mawawal na agad ang nararamdaman nya sa akin!"
"Alam mo girl! Wag ka nang umasa na mahal ka pag nya pag dumating ang araw na maalala ka na nya kasi habang tinuturuan ko syang bumaling ang alaala baka naturuan ko na ulit sya ng mahalin ako. Kasi ako ang nasa tabi nya! hindi ikaw!"
Napangiti din ako para mang asar
"At satingin mo papayag ako na gawin mo yun? Wala kang karapatan sa kanya kasi ako. Ako ang girlfriend nya!"
"Girlfriend nyang hindi naman maalala? Alam mo tumigil ka nalang o kaya maghanap ka ng iba kasi tignan mo mismo nang tadhana ang naglalayo sa inyo! Kasi imbis na ang nakaraan nya ang makalimutan ang alaala nyo pag ang nakalimutan? Masakit siguro yun no? Na ikaw ang nandyan dahil ang girlfriend pero ako ang hinahanap! Anong feeling share naman dyan!" sabi nya
Nainis naman ako bigla.
Sabay kameng napatingin sa likod nang biglang bumukas ang pinto ng ospital
Biglang pumasok si selena.
"Oh nandito ka pala. Ba't hindi ginising si kuya para masigawan ka!" sabi ni selena sabay naman silang natawa ni aira. Napatingin naman ako sa kanila ng nagbeso beso sila sa isat isa.
Close na close sila ah.. Sabagay ganyan naman talaga ang dimonyita sila sila din ang magkakaibigan.
"Oh nandito ka padin? O baka naman talaga hinihintay mo pang gisingin ko si kuya para sya mismo ang magpaalis sayo." sabi nya wala naman akong nagawa kaya umalis nalang din ako.
Nakasalubong ko naman si nurs cha.
"Oh doc. Nandito na po pala kayo! Galing po kaya kay doc elwood? Nakita nyo po si maam aira?" napatingin naman ako sa kanya
"Kilala mo yun!"
"Sino po doc? Si aira po ba? Ay opo kilalang kilala ko po yun! Sya po yung sikat na anak nang lawyear. Diba po ba kamag anak nyo po sila kael?"
Taka naman akong napabaling sa kadaldalan nya.
"Paano mo nakilala si kael?"
"Eh diba doc ex nga yun ni doc selena! Sumikat po yung issue nayun nabalita nga din po eh!"
"Huh?"
nagulat naman ako ng hinila nya ako papuntang office ko
"Dito tayo mag usap mamaya sabihin tsismosa ako.. Yun nga doc. Alam nyo naman po siguro yung issue ng family nila selena sapagitan nila kael di po ba? " tumango naman ako "nabalita yun dahil ang daddy ni selena tatakbo sana ng presidente ng pilipinas nung time nayun pero dahil sa issue nga na korte korte nila ayun hindi na sya pinayagan na lumaban!"
"Oh anong konek?"
"Edi syempre doc galit na galit si yung daddy ni selena. Tapos yung kinuha nilang lawyer ay yung mommy ni aira tapos nung judge nung time nayun ang tatay naman ni aira!"
"Hindi ko magets yung punto mo!"
"Hula ko na basura ang kaso kasi magkaibigan yung daddy ni aira at selena sa tingin mo papayag syang makulong yung kumpare nya!"
"Pero bakit kapag may party naman ang mga castroverde hindi nila iniimbitahan yung family nila aira!"
"Kasi nga ayaw nila ipubliko na magkaibigan sila dahil lalabas nanaman ang issue nayun! Alam din ba na kaya naghiwalay sila aira at doc elwood dahil sa mga daddy nila. Hindi ko na alam kung ano pag basta yun lang ang alam ko!"
"Teka. Teka!" sabi ko sabay hawak sa braso nya dahil nagbabadya na syang umalis "ibig mo bang sabihin? Pwedeng?.. Pwedeng nadaya yung kasi nila kael !"
"Hay nako naman doc. shinna.. Akala ko naman matalino ka.. Oo nga ganon nga!" sabi nya
"Wait lang last question!" sabi ko "paani ka nakakasigurong magkaibigan sila?"
"Ilang beses ko na silang nakikita sa sikat na madyongan yung pinakamalaking pasugalan dito sa bansa!"
"Anong ginagawa mo naman dun?" tanong ko
"Secret lang natin to ah! Si daddy kasi sinasama nya ako lagi hindi na ako makatanggi kasi may boyfriend akong waiter dun eh!" sabi nya natigilan naman sya nang bigla akong tumingin sa bintana ng office ko "wait lang doc shinna.. Baka binabalak mong pumunta dun ah! Wag.. Wag na wag kang pupunta duon balita ko kasi may malaking transakyon ng drugs dun baka mapaano ka! May kakilala kasi ako yung friend ng daddy ko. Pinatay sya sa loob kasi- basta mahabang story basta wag kang pupunta duon huh!" sabi nya
Kinakabahan naman akong tumango nalang
Continue...
BINABASA MO ANG
Still And Still
Novela Juvenilbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...