chapter 6- SELENA AND KAEL

476 20 3
                                    


STILL AND STILL
Chapter 6:( SELENA AND KAEL)

Shynna POV*

Naalipungatan ako saglit pero hindi na ako nakatulog mayamaya may narinig ako kaluskus mula sa baba kaya naisipan kong bumaba. Dahan dahan akong naglakad sa hagdan para hindi makagawa ng inggay. Nakapatay lahat ng ilaw pero maliwanag sa labas kaya kahit papaano ay nakikita ko ang mga bagay bagay pero bago pa ako makatapak sa huling baitan ng hagdan may narinig na ako

"anong oras na bat kapa nandito" sa boses palang alam kong si kael ang nagsalita

"gusto lang kitang makausap" hindi ko mapigilan na tignan sila kung sino kausap nya nakita kong si Selena ang kausap nya

"gabi na umuwi kana sa inyo" sagot ni kael

Hindi ko alam kung bakit nagising pa ako para lang tignan sila. Pwede naman akong umalis pero meron sa loob ko na gustong manatili at makinig sa kanina

"please Kael come back to me.. Hindi mo naba ako mahal?" tanong ni selena sabay sabit ng kamay nya sa balikat ni Kael

Pero nagulat ako ng simulan halikan ni Selena si Kael hindi ko alam pero ang tagal kong nakatitig sa kanila pero mas nagulat ako ng kargahin ni Kael si Selena papuntang sofa na di naghihiwalay ang mga labi nila. Hindi ko gusto ang nakita ko dahil parang gagawa sila ng melagro..kaya nagmadali akong umakyat pero dahil tanga ako nadulas ako kaya nakagawa ng ingay hindi ako nag atubiling lumingon basta nalang akong tumakbo sa kwarto namin ni isay

Sumandal naman ako sa pinto namin atsaka naupo dun hindi ko alam kung maawa ako kay tantan o kay Kael hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Siguro dahil para kay tantan at para kay Kael dahil hindi pa sya nakuntento na meron ng iba si selena at sa ginawa ni Selena sa pamilya nya. Kahit ganon pinsan ko parin naman si  Kael kaya nasasaktan ako para sa kanya

"huy anong nangyari sayo dyan mukha kang nalugi. Tsaka san ka galing!" nagulat ako ng nakita ko si Isay na nakatinggin sakin "kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ata ng iniisip mo"

Tinignan ko lang sya

"ano kaba kinakausap kita para kang tanga. Anong emowt emowt yan huh? May pa walling kapa" hindi ko alam kung nang aasar sya o nag aalala sakin

"wala. Tulog na tayo" tsaka tumayo at nahiga sa tabi nito at tumalikod kay isay

"tignan moto! Kinakausap bigla akong tutulugan " bulong nya "maka inom nang ng tubig" sabi nya atsaka tumayo

"huh iinom ka?" biglang tanong ko sa kanya

"oo kakasabi ko lang diba uulitin ko ba IINOM AKO NG TUBIG" pagdidiin nya sa sinabi nya

"wag" pagtututol ko

"huh? Bawal uminom?" inusenteng tanong nya

"hindi"

"bakit?bawal lumabas?"

"hindi din"

"eh ano pala.. Alam mo ang gulo mo kanina nag walling ka tapos tinanong kita hindi ka sumagot ngayong iinom ako bawal.. Tekaa nga ano bang nangyayari sayo"

Inis kong hinila ang kamay nya paupo sa kama nagkatitigan naman kame

"wag mokong titigan ng ganyan tomboy ka"  nanlaki naman ang mata tsaka sya natawa hinampas ko naman ang braso sya

"huwag ka maingay may tao sa baba" bulong ko sa kanya

"o my god my magnanakaw? Hihingi ako ng tulo-" tinakpan ko ang bibig nya

"hindi ganon yun! Ano kasii.. Si--si ano"

"sino"

"si anoo" natataranta kong sabi

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon