STILL AND STILL
Chapter 12:(SAD DATE)Shynna POV*
Pagdating namin sa market market para akong tangang inililibot ang paningin na parang ngayon lang nakarating sa mall
Well nakarating naman na talaga ako sa mall pero hindi dito sa market market.
Pagbaba naman ng kotse ni tristan naglakad naman kame pa entrance.
"gutom kana ba?" biglang tanong nya
"huh? Sira kaba kakakain lang natin eh"
Natawa naman sya bahagya sa sinabi ko. Atsaka kame nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok namin chineck muna kame pati ang bag ko syempre wala naman ibang makikita duon no.
"san ba tayo pupunta?" biglang baling ko kay tristan na titig na titig sakin nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"mamimili ng bagong damit"
"huh bakit? Para kanino?"
"hahaha edi para sayo"
"bakit mukha ba akong basahan sa suot ko" sabay pasada ko sa suot ko na dress na fitted na kulay gray hanggang sa ilalim ng tuhod kaya kitang kita ang hugis ng katawan ko..at nakasuot naman ako ng flat sandals.
"hindi ah ang ganda ganda mo kaya dyan a suot mo. Ang akin lang gusto lang kita bilhan ng bago hahaha atsaka bibilhan ko din sila tita sol at isay"
"wag na muna tan nakakahiya no atsaka ano nalang sasabihin nila tita nic tsaka ni nila kael"
"huh bakit ano ba sasabihin nila?" tsaka kame nagsimulang maglakad lakad
"malay mo maghanap sila tapos sasabihin nila wala sila"
"edi bibilhan kodin sila"
"sure ka?"
"oo naman ako pa!"
"sige ikaw bahala" nag aalinlangan pa akong sabihin iyon
Tsaka kame pumasok sa isang bilihan ng mga damit. Sya ang pumili ng babagay sakin habang ako naman ay naghahanap hanap din ng pwedeng ibigay sa kanya. Napatingin naman ako sa isang polong na nag agaw ng aking pansin.
Simple lang sya may dessign na maliliit na bulaklak kulay puti sya pero napatingin ako sa presyo.
Putik nayan ang mahal naman nito ei isang kalahating kaban nato ng bigas ei.
Pero dahil kaya ko naman...bibilhin ko padin kaya nagmadali akong pumunta sa counter atsaka nagbayad ng pasekreto kay tristan para hindi nya alam.
Pagkatapos nun ay sinabihan ko naman ang casshier na babalikan ko yung polo mamaya kaya iniwan ko muna atsaka ko sinaman si tristan na maghanap ng damit.
Tinuro ko naman ang mga magugustuhan nila tita nic, ken at maging si kael ganon din si mama at si isay.
Pagtapos naming bumili. Pinauna ko na sya muna makalabas atsaka ko kinuha yung polo na para sa kanya
Pagkalabas namin ay bigla din sya napatingin sa paper bag na dala ko.
"ano yan?" takhang tanong nya
"para sayo" sabay abot ko sa kanya
"huh? Binili mo yan?"
"hindi ah inutang ko lang"
"sira ka talaga hahaha binili mo talaga yan para saakin?"
"hindi ninakaw ko habang nakatalikod ka- aray?"
Bigla nya akong binatukan
"ang tibay mo ah nambabatok kana ah"
"siraulo ka kasi ei kinakausap kita ng maayos ei" natatawang sabi nya
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...