Chapter 19- STRESS

310 13 0
                                    

STILL AND STILL
Chapter 19:(STRESS)

Samantha POV*

Naiwan naman kame dito nila kael at Ken pare pareho kameng tulala at hindi makarecover sa nangyare..

Naalala ko tuloy si tantan..

Nakokonsensya din naman ako.. Lahat naman ata ng tao Nakokonsensya sa ginawang mali

Naawa naman ako kahit papaano kay tantan dahil nga nagkasakit sya kakaantay..

Tsk sino ba kasing nagsabing mag antay sya sa labas ng kotse nya at magpa ulan.

Kung hindi siraulo yun at nagpaulan.

"tama ba ang ginawa ko!"  nagulat ako na nasabi ko pala dapat nasa isip ko lang yun

"oo tama ka.. Pero may Mali din, hindi lahat ng ginawa mo ay tama!"  biglang sabi ni ken

"ano bang roll mo dito sa story nato?"

"huh?"

"halaman.. Gulaman.. Man..suman.. Siman.." sabi ko sa kanya

"ano bang sinasabi mo?" naiiritang sabi nya

"huh?"

"hatdog...halaman..habagat...hampaslupa..." bigla ding sabi nya

"tignan moto kinakausap ng maayos!" sabi ko sa kanya

"oh Alam mo na ang nara ramdaman ko?"

"huh? May- may nararamdaman ka.. Pa-para sa akin?!" hala umaamin na  sya sa akin?

"huh? Asaaa! Ang ibig Kong sabihin.. Alam mo na ang nararamdaman ko pag nagtatanong ako ng maayos tapos babarahin moko!"

Tsk akala ko mag kakalablayp na ako letchee... Pero sempre joke lang friendship lang habol ko sa kanya walang halong biro..

"oo na wateber!" tsaka tumayo

"San ka pupunta?" tanong nya sa akin

"maghahain ano? Hindi na tayo kakain? Aba kung gusto mong magpakamatay Ikaw nalang lahat ng tao nagugutom wag mo na kame idamay!" tsaka pumuntang kusina

"ang daming sinabi!" bulong nya pero narinig ko

"rinig kita tuleg!" sigaw ko sa kanya a tsaka nagsaing at nagluto ng ulam na tinapa na may sawsawan na kamatis at sili

Mayamaya nun

"o kamusta ka okay ka lang ba!" nang napansin Kong pumasok si shynna napabaling naman sa kanya ang magkapatid na nanonood ng TV atsaka lumapit sa amin.

Pinatay ko muna ang kalan atsaka nilapitan si shynna at pinaupo sa may sofa tsaka ako umupo.. Bumalik naman sa pagkakaupo ang magkapatid pinatay muna ni Ken ang TV para makapag usap usap kame ng maayos.

Tsk ano to pulong?

"bat ganyan kayo makatingin?" biglang sabi nya.

Malamang may gustong malamang.. Baka ayaw mo nanaman mag kwento batukan ko to ei!

"okay ka lang ba nag kausap ba kayo?" tanong kael

"hindi ei na dun si selena ayaw nya akong palapitin kay tristan hindi ko tuloy nalaman kung kamusta sya.. Kung magaling na sya.. Kung may lagnat pa ba sya.. Hindi ko Alam lahat!" sabi nya habang naka tingin sa kawalan

"kasalanan ko to ei.. Sorry talaga ynna huh?" sabi ko sa kanya lumingon naman sya sa akin

"hindi.. mo kasalanan yun isay hayaan mona.. Pero-" pambibitin nya sabay tingin sa magkapatid "ayokong magalit kayo sa akin kapag sinabi ko ito.."

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon