STILL AND STILL
Chapter 31:(WEIRD)Tristan POV*
"kamusta naman sya doc?" sabi ni Shynna ng pumasok ang doctor
Sinabi naman ng doctor na pwede na akong umuwi mamaya dahil okay naman na ang vital ko. May iinomin lang ako na isang gamot mamayang gabi Pagkatapos daw nun at pwede na akong umuwi.
Lumabas din ang doktor pagkatapos nun napatingin naman ako kay shynna na sinundan muna ang doktor ng tingin bago bumaling sa akin at ngumiti.
Namiss ko ang mga ngiti nya yun na hindi ko nakita kahit ilang linggo lang naman ang lumipas..pero mas Namiss ko sya.
Sa totoo lang nagulat talaga ako nang nakita ko sya kanina hindi ko ineexpect na pupunta sya at nag madaling makita ako
Hindi nya Alam na yun ang pinakagusto ko sa kanya.. Lagi nya akong sinusurpresa ng mga kasweetan nya..
"bat naka tingin ka lang sakin...?" biglang sabi sakin.
Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya.
"wala naman... Masaya lang talaga ako.. Kasi.. Kasi nandito ka!"
Nakita Kong hindi man lang nagbago ang itsura nya
Tsk.. Hindi man lang kiligin?
Pero kanina niyakap ako at umiyak sa balikat ko.. Hahaha ang sarap sa pakiramdam..
"pasensya kana hindi kita nadalhan ng pagkain.. Ah nagugutom kana ba?" siryosong sabi nya na umupo sa higaan
"hmm hindi.. Nandito ka kasi!"
"nung konek?"
"hindi man lang kiligin!"
"walang nakakakilig dun!" siryoso parin sabi nya
"ang seryoso mo!" sabi ko sa kanya at ngumuso na parang bata atsaka lumingon nalang sa tv
"ang korni mo kasi..!" sabi nya sabay tumayo
"o san ka pupunta?" baling ko sa kanya
"lalabas!"
"huh bakit?"
"bawal lumabas?" siryoso paring tanong nya
"ano bang nangyayare sayo.. Bat ang cold mo?"
"ang dami mong tanong.. Sana nagpasa nalang ako ng biodata sayo.. Tsk.. Bibili lang ng pagkain!" sabi sabay tumalikod sa akin pero hinawakan ko agad sya
"babalik kaba?" siryosong sabi nya pero hindi sya naka tingin sa akin kundi sa kamay Kong nakahawak sa kamay nya. Kaya nahihiyang tinanggal ko iyon. " sorry.."
Hindi nya ako pinansin derederetso lang sya palabas.
Hindi man lang sinagot ang tanong ko..
Habang nag aantay ako naalala ko tuloy kung bakit ako nandito Ngayon.
.....flashback.....
Nagdrive lang ako ng nag drive kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras nayun.. Nagulat nalang ako ng pag liko ko ay ang pag overtake ng isang truck kaya para akong na gising sa reyalidad at panaginip na muntik na akong mabangga ng truck
Kaya dali dali akong niliko muli ang kotse ko. Para akong nabunutan ng tinik ng nakaliko ako ng maayos pero sa pagliko ko hindi ko napansin na sya din ang pagbangga ko sa isang poste.
Nauntog ang mata ko sa manibela pero Alam ko padin ang nangyayare kaya nag madali akong tinanggal ang sit belt atsaka nag madaling lumabas sa kotse hindi naman ako nahirapan humungi ng tulong dahil tinulugan naman ako ng driver ng truck na syang nag overtake. Hanggang sa hindi ko na Alam ang sumunod na nangyari
BINABASA MO ANG
Still And Still
Dla nastolatkówbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...