chapter 61-BAD

281 19 3
                                    

STILL AND STILL
Chapter 61:(BAD)

Elwood POV*

I don't know what happen? Wala talaga akong maalala kahit konti sa kanya o kahit may lang na maalala na naging parte sya ng buhay ko.

Naiinis ako sa sarili ko pero mas naiinis ako kapag nakikita ko syang nalulungkot lalo na kung paano ko sya sigawan at ipahiya sa iba.

Bakit kasi wala akong maalala.

Napatingin naman ako sa phone ko na halis laman ng gallery ay ang mukha naming magkasama.

Bakit ganon? Bakit kasi wala akong maalala? Naging parte rin ba sya ng buhay ko? Bakit ang nasa isip ko kay si aira. Si air ang girlfriend ko.

Napaupo naman ako sa labas ng kotse ko at umupo duon.

Habang nag iisip napahawak naman ako bigla sa ulo ko na kumirot bigla. Halos mangiyak ngiyak akong napahawak duon pero unti unti din nawala ang sakit at bumalik kanina.

Wala naman akong magawa kaya pumasok na ako pero nagulat ako nang nagkakagulo sila.

"Hindi pa tayo tapos! Akala nyo hahayaan kong sirain nyo ang pamilya ko huh? Namatay ang asawa ko dahil sa inyo. Kasalanan nyo yun lalo kana!" sigaw ng babae sabay turo kay daddy.

Patakbo naman akong pumunta sa tapat ng daddy ko

"Tita nic tama na!" awat ni shinna sa babae na nagsalita kanina

"Bakit? Wala ka padin bang alam?" sabi ni daddy na humarap sa kanila

"Ano? Anong dahilan nyo? Bakit nyo pinatay ang asawa ko huh? Bakit? Anong karapatan nyo?" sabi nya na nangingilid na ang luha

"Honey!" awat ni mommy kay daddy pero hindi ito nagpapigil

"Dapat na nilang malaman. Para naman hindi lang ang pamilya ko ang masama para sa kanya!" sabi ni daddy kay mommy atsaka bumalik dun sa babae n nagngangalang nic. "Dahil malandi ang asawa mo? Biruin mo? Kinabit ang asawa ko!" sabi ni daddy gulat naman kameng lahat sa sinabi nya

"Anong sabi mo?" tanong ng nic

"Oh bakit? Hindi mo ba nakilala kung sino ang kinabit nya? Sya!" sabay turo sa mommy ko na nakayuko na.



Kael POV *

Nang makalabas si elwood ay susunod sana si shinna pero pinigilan ko sya. Kaya naupo ulit sya sa tabi ko.

"? Kamusta ang buhay nyo? Hindi ba malungkot? Hindi ba mahirap? Dahil binubuhay mo ang mga anak mo?" siryososng sabi ng daddy ni selena na nakatingin kay mommy

"Ayos lang kinaya naman!" sarkastikong sabi ni mommy

"Buti nabigyan mo sila ng magandang buhay! Tama lang yan! lalo na ngayon wala na ang haligi ng tahanan nyo! Buti hindi ka sumunod sa asawa mo dahil sa hirap!" sabi pa ng daddy ni selena.

Napatayo naman sa inis si ken

"Masyado naman po atang pasmado ang bunganga nyo? Mommy po namin  sya kaya konting respeto!" sabi ni ken nagulat kame ng tumayo din si tito joseph na daddy ni selena

"Aba. Alam mo! Simula nang tumungtong kayo ng bahay ko nawawala na ang respeto na meron ako sa isang tao! Bakit hindi mo ba matanggap na namatay ang daddy mo bata?" tanong nya pa

"Hoy matandang panot! Sumosobra kana ah!pati anak ko pinapatulan mo! Baka nakakalimutan mo! Kasalanan mo kung bakit namatay ang asawa ko dahil sayo! Pinatay mo ang asawa ko!"

"Wala kayong ebidensya na ako nga ang pumatay kaya tumigil tigil ka!" sagot ng daddy ni selena "buti nalang talaga hindi ka nadamay pati ang pamilya mo!" sabi nya pa sabay tumalikod pero hinabol sya ni momny

"Hindi pa tayo tapos! Akala nyo hahayaan kong sirain nyo ang pamilya ko huh? Namatay ang asawa ko dahil sa inyo. Kasalanan nyo yun lalo kana!" sigaw ni mommy kaya bumalik at humarap ulit si tito joseph.

"Tita nic tama na!" awat ni shinna

"Bakit? Wala ka padin bang alam?" sabi ni tito joseph

"Ano? Anong dahilan nyo? Bakit nyo pinatay ang asawa ko huh? Bakit? Anong karapatan nyo?" tanong ni mommy

"Honey!" rinig namin pigil ni tita claire sa asawa

"Dapat na nilang malaman. Para naman hindi lang ang pamilya ko ang masama para sa kanya!" sabi ni tito joseph na nakatingin sa asawa atsaka tumingin. kay mommy. "Dahil malandi ang asawa mo? Biruin mo? Kinabit ang asawa ko!" sabi nya pag nagulat naman kame bigla

"Anong sabi mo?" tanong ni mommy

"Oh bakit? Hindi mo ba nakilala kung sino ang kinabit nya? Sya!" sabay turo nito sa asawa nya

Gulat kameng lahat sa sinabi ng daddy ni selena parang nayanig ang buong pagkatao ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa mga nalaman ko.

Ang gulo gulo naman ng pamilyang meron kame? Wala nang katapusan ang gulo?At away?

Ano bang pinaggagagawa mo daddy? Bakit mo kami iniwan ng may ganitong problema?

Dapat lang siguro talaga kitang sisihin sa lahat ng kamalasan ang pamilyang meron kame? Lalo na sa mga iniwan mong problema!

"Gulat ba kayong lahat? Alam nyo na ang dahilan? Kinabit nya ang asawa ko! Hindi lang yun inanakan nya pa! Buti nalang pinalaglag ko!"

"At proud ka padun? " tanong ni ken " sana binuhay mo nalang yun bata at binigay samin dahil kame tatanggapin namin ng buo ang bata dahil walang kasalanan ang bata enosente sya hindi katulad nyo mga gago!" sigaw nya pa

Para naman akong bakla na walang masabi at tiplop ang tuhod

"Tsk? Ano ako tanga? Gugustuhin ko bang may makitang tao na bunga nang pagkakamali? Dapat kapag may nakitang pagkakamali hanggat maaga pa tinatapos na!" sabi ng daddy nya sabay ngisi sa amin. Nagulat ako ng timingin ito sa akin " alam mo na ngayon? Kasalanan lahat ng tatay mo! Sya lang dapat ang sisihin sa lahat nang nagyayari. alam mo hindi naman talaga ako hadlang kung anong meron kayo ni selena eh! Kaso tatay mo pala yung gunggong nayun!" sabi nya pa

"All this time mommy? May ganyan palang pangyayari? Kaya pala nawala ka bigla dati? Sabi mo mag aabroad ka? Pero nasa kabit kalang pala? Good job mommy! Good job! Napakagaling mong manloko. Look we our! Naloko mo kaming lahat!" sarkastikong sabi ni selena.

"Pero hindi mababago yun! Na pinatay mo ang asawa ko!"sabi ni mommy na nagbabadyang lumapit pero niyakap agad sya ni ken.

"Mommy tama na umuwi na tayo!" sabi ni ken

"Hindi pa tayo tapos! Ipapabukas ko ulit ang kaso nayun! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan!" sabi ni mommy atsaka namin hinala na palabas.

At umuwi na habang nag dadrive para akong nakalutang sa sakit at pait ng buhay na binigay sa akin.

Kailan ba matatapos to.

Continue....

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon