Chapter 32-HATE ME

280 21 0
                                    

STILL AND STILL
Chapter 32:(HATE ME)

Shynna POV*

Nang makalabas ay nakahiga agad ako ng maluwag

Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko na gusto nang tumulo pero ayoko na makita ni tristan yun

Nang makalabas ako sa ospital ay naupo nanaman ako sa dating pwesto kung saan ako laging umiiyak

Lagi nalang ba? Pag pupunta ako sa ospital iiyak nalang ako lagi sa sakit.. Sa pagkakaalam ko pangatlong beses ko na itong umupo dito at umiiyak lang ang ginawa

Naalala ko nanaman kung anong dahilan kung bakit nanaman ako umiiyak

........flashback.....

Pagkalabas ko sa kwatro ni tristan ay nakasalubong ko ang mommy ni tristan.

Kaninang saya sa puso ay nawala at napalitan ng kaba at Inis na hindi ko alam kung bakit at para saan

"anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin

Hindi kame close ng mommy ni tristan kahit nung bata pa kame ni tristan hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nya sa akin kahit wala naman akong ginawa sa kanya.

"bi-binisita ko lang po si--"

"at sino naman nag bigay ng pahintulot sayo huh.. Ang KapaL naman ng mukha mong bisitahin ang anak ko.. Bakit? Siguro nag makaawa ka sa kanya na panagutan ka no?"

"tita..!"

"don't call me tita... Pwede ba tigilan mona ang anak ko.. Ang taas taas ng pangarap ko sa kanya pero nasira yun dahil sayo.. Akala mo siguro matatanggap ko yan bilang apo na nandyan sa sinapupunan mo?"

"pero po..." halos pumiyok na ako ng sabihin ko yun

"tantanan mo na ang anak ko dahil hindi Ikaw ang babaeng pinangarap ko para sa kanya... Tsk eh kahit nga sa kalingkingan ng mga katangian ng babae na gusto ko para sa kanya  wala ni isa sayo...tigilan mo na ang pagiging ilusyunada mo.. Kung akala mo aangat ka sa antas ng buhay mo pwes nagkakamali ka.. "sabi nya sabay pumasok sa kwarto ni tristan

..... End of flashback....

Ganon ba talaga sila? Nakatingin sila lagi sa antas ng buhay ng isang tao? Pagmayaman ba? Para sa mayaman lang talaga? Pag mahirap para sa mahirap lang?

Hindi ko naman giusto na maging ganito!

Hindi ko alam kung gaano ako ka tagal nakaupo Don ang gusto ko lang ay natanggap ang sama ng loob o

Marahan Kong hinawakan ang tiyan ko

"anak.. Pasensya kana... Kung... Kung mabubuhay ka sa sama ng loob pero anak isa lang ang gusto para sayo... Mabuhay ka na hindi nagagalit sa mundo...!"

Nang umokay na ang pakiramdam ko ay umuwi na agad ako nagulat ako na nanduon ang magkapatid

"oh... Nandito na pala kayo?" sabi ko sa kanila "anong kinain nyo?"

"hmm nagluto kame ng itlog..!"

"huh? Diba takot kayo sa mantika?"

Natawa naman bahagya sa akin sila kael

"may magagawa ba kamee... Walang kinakatukan ang taong gutom..!" sabi nya

"sorry... Na late ako.. Galing kasi akong ospi- hmm tindahan .. Pa-pasensya na talaga!"

"hmm ayos lang yun no.. Hindi ka din pwedeng mapagod kasi kawawa naman ang baby!" sabi Ken ngumiti nalang ako. nagpaalam naman ako para umakyat sa kwatro namin ni isay

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon