STILL AND STILL
Chapter 55:( CAR ACCIDENT)Shinna POV*
Nang nagpatawag sya ng meeting ay pumunta naman lahat ng doctor. Nakapagtataka ay meron silang tatlo doctor bali anim kameng mga doctor.
Nakakalungkot dahil halos lahat kame ay pabaya sa trabaho pero hindi ko din sila masisi dahil ganon din naman din ako
Hindi tumagal ay naging maayos ang schedule ng duty namin. Hindi na nawawalan ng doctor kapag duty at masaya ako sa pagbabago.
Nang dumating ang araw ng birthday ni elwood ay pinakilala na nya ako sa parents nya natutuwa din silang malaman na ako ang pinag aral ng lolo at lola nila elwood. Pero si selena syempre galit dahil bakit daw ako tinulungan ng lolo at lola nya.
"Okay ka lang ba? "Biglang lumapit sa akin si tristan habang naiwanan ako sa isang lamesa dahil inaasikaso ni elwood ang mga bisita nya
"Ba't nandito ka?" inis na sabi ko
"Lasing kana. Gusto mo bang ihatid kita?" tanong nya
"Hindi na kailangan.!" sabi ko hindi naman sya umagal atsaka umalis.
Lumipas ang dalawang taon ay hindi namalayan na habang tumatagal ay lalo akong nagiging masaya hindi ko na nararanasan ang mga lungkot na nararamdaman ko kaya lalo kong minahal ang trabaho ko.
Pero mas lalo akong naging masaya dahil sa paglipas ng taon ay magkasama lagi kame ni elwood. Walang araw na hindi nya pinaramdam sakin na hindi nya ako minahal bagkus araw araw ko nararamdaman yun at masaya ako duon.
Siguro nga wala na akong hihilingin pa. Dahil sa haba ng taon ay natutunan ko nadin sya ng mahalin.
Sa tuwing birthday at anniversary namin ay magkasama kame lagi sa palawan. Isang araw lang ang leave namin sa ospital dahil mas kailangan kame duon. At masaya parin ako dahil duon.
Habang nasa duty kame.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"natatawang sabi ko sa kanya nakita ko kasi kung paano bumusangot ang mukha nya pagkatapos na may mabasa sa phone nya
"Wala!" sabi nya sabay ngiti ng pilit
"Ano nga!" sabi ko pero hindi padin sya sumagot kaya kinuha ko ang phone nya atsaka binasa yun "may dinner pala kayo ngayon! Hindi kaba sasama?" sabi ko
"Eh diba monthsary natin?"sabi nya
"Ano kaba! Okay lang yun! Pumunta ka!"
"Ayoko.. Magdadate tayo.."
"Babe!"pagpupumilit ko sa kanya
"Ayoko nga.. Mas gusto kitang kasama kesa sa kanila!" sabi nya kaya napagdisisyonan nalang namin na magdate kame magkasama
Pagkatapos ng duty namin ay umalis na kame at sumakay sa kotse nya.
Pero hindi tulad ng dati na lagi kameng kumakain sa coffee shop malapit sa ospital ay ngayon ay pumunta kame sa restaurant kung saan una ko sya ng nakilala
Sabay kame pumasok atsaka umorder ng makakain namin
"Okay lang kaya na wala ka duon sa dinner nyo? Baka pagalitan ka!" sabi ko sa kanya habang inaantay ang order namin
"Okay lang yun! Atsaka sanay nayun sila sa akin. Kasi lagi akong wala pag dinner namin!" sabi nya hindi naman na ako sumagot pag dahil dumating na ang order namin.
Pagkatapos namin kumain ay hindi na kame pumunta pa nang mall dahil panigurado ay sarado nayun.
Pagkasakay namin ng kotse ay bumyahe na kame pauwi nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko habang nagdadrive
"Ano bang ginagawa mo?" natatawang sabi ko
"Wala.. Namiss lang kita!"
"Anong namiss.. Eh araw araw kaya tayong magkasama. Para kang ewan"
Nagulat pa ako ng halikan nya ang kamay ko pero kasabay ng paghalik nya ay ang pagtingin ko sa daan dahil biglang sumilaw.
"Elwood!" malakas na sigaw ko dahil biglang may truck na nasa tapat namin.
Kaya pwersahang niloko ni elwood ang sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag pero hindi padin pala duon natatapos dahil kasabay ng pagliko nya ay ang pagbangga namin sa isang malaking puno.
Pagbangga duon ay nauntog ako sa may harapan ko napahawak naman ako sa nuo ko kaya nagulat ako na may dugo yun. Napatingin naman ako kay elwood na nakasandal ang buong mukha nya sa manibela
Kaya inuga ko sya
"Elwood.. Elwood.. Hoy..babe.. Babe...!" naiiyak na ako dahil nakailang uga na ako pero hindi padin sya nagigising dali dali akong lumabas ng pinto ng kotse at sumigaw ng tulong. Napatingin naman ako sa truck na muntikan nang nakabangga sa amin na biglang namatay ang ilaw atsaka naaninag ko ang lalaki na bumaba duon at lumapit sa amin.
Tinulungan naman nya akong buhatid si elwood na walang malay at isakay sa truck nya. Nakakahiya na pero nagmadali kameng pumunta sa ospital. Pilit ko pading ginigising si elwood dahil baka nawalan lang sya ng malay. Hindi ko ininda ang sugat at dugo na natamo ko dahil batid kong mas maraming napinsala kay elwood.
Nang makarating kame sa ospital ay agad agad na inasikaso si elwood ng mga nurs at doctor.
Agad agad naman syang pinasok sa e.r kaya hindi naman ako mapakaling tinawagan si tita amara at tito joseph para sabihin kung anong nangyari sa anak nila.
Hindi ko masabi ng maayos dahil umiiyak ako habang kausap sila. Pero sa huli ay naintindihan din nila ang sinabi ko.
Pagkapatay ko ng telepono ay agad na may lumapit sa akin na nurs.
"Doc. Shinna. Ikaw pala yan, gamutin po natin ang sugat nyo!"
"Nasaan si elwood?" sabi ko
"Ahm.. Doc. Shinna come down po. Hindi pa po kasi lumalabas ang mga doctor ngayon!" sabi nya
"Hayup ka. Kasalanan moto!" biglang may sumigaw napatingin naman ako duon. Nakita ko si selena na nagmamadaling maglakad palapit sa akin at sinampal ako "anong ginawa mo sa kuya ko.. Bakit sya nasa E.R huh? Lahat ba ng kamalasan na meron ka, mandadamay ka huh!" sabi nya
"Selena tama na!" awat ni tristan sa kanya
"Hindi.. Wag mokong awatin. Kulang payang sampal na yan para matauhan yang babaeng yan!"
"what's happening here?" biglang may nagsalita nanaman. Napatingin naman ako duon. Nakita ko sila tita Amara, tito Joseph at sina lolo at lola Cruzada na papalapit.
Wala akong mukhang maihaharap sa kanila.
"What happen iha? Nasan ang anak ko?" sabi ni tita Amara
"Tita sorry po.! nagulat ako na imbles na sampal ang maramdaman ko ay yakap ang binigay nya sa akin
"Its okay iha.. Magiging okay din si elwood!"
"The heck? Mommy? Yang babaeng yan ang may kasalanan kung bakit nasa E.R si kuya tapos.. Tapos.. The heck mommy!" sabat ni selena pero hindi sya pinakinggan ng mommy nya
Mayamaya ay biglang lumabas nadin ang doctor.
"Oh doc. Shinna anong nangyari sayo!" sabi ni doc. Greg sakin pero hindi ko sya sinagot
"Kamusta si elwood?" tanong ko
Kabado naman kameng nag antay sa isasagot nya dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
Continue.....
Sorry po ang tagal mag update. Medyo hindi ko na po pahahabain salamat po
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...