chapter 70-BREAK

311 23 4
                                    

STILL AND STILL
Chapter 70:(BREAK)

Shinna POV*

Nagising nalang ako nang may marahang nag uuga sa akin.

"Hoy babae..hoy gumising ka dyan... May kasalan ka sa akin, bilisan mo wag mokong inisin!" rinig kong sabi nya sa boses palang nya na napakaingay alam kong si isay to.

Kaya naoabalikwas ako nang higa atsaka naupo na.

"Ano bayun?" inis na sabi ko.

"Ba't mo kami iniwan sa mall? Para kameng tanga kakaantay dun. Nakakahiya kay Taki.. Jusmiyo marimar ka talaga alam mo ba yun. Akala ko bibili kanang umuwi ka na pal-"

"Pwede ba isay? Wala akong panahong pakinggan ang mga hinaing mo?" inis na sabi ko nakita ko naman natigilan sya " ang gusto ko lang magpahinga, mahiga, irelax ang isip ko.. Dahil feel ko napapagod na ako!" nakita ko agad ang lungkot sa mukha nya

"Sorry!" sabi nya sabay tayo sa kama kaya natingala akong tinignan sya "hindi ko alam na gusto mo palang magpahinga. Mahiga, magrelax kasi napagod kana! Okay.. Sorry hindi na mauulit.. Hindi ko naman alam na bawal na pala akong mag alala!"

"Isay!"

"Sorry.. Lalabas na ako.. Magpahinga kana!" sa konsensya ko hindi ko din mapigilang hilain ang kamay nya hanggang mapaupo sya sa higaan ko ulit "ano!"

"ang drama naman nito eh.. Okay sorry din!  Ano kasi eh.. Su-sumama yung pakiramdam ko kaya hindi na ako nakapagpaalam.. Atsaka lowbat ako kaya hindi naman ako nakapag text!" sabi ko

"Okay..sige labas na ako!" sabi nya na aaktong tatayo pero pinigilan ko ulit sya agad.

"Ano nanaman yang kaartehan mo?" sabi ko sa kanya

"Ako pa maarte ah.. King-inang yan!"

"Hoy bunganga mu nga HAHAHAHA" sabi ko

"Hehe sorry naman.. Ikaw kasama ginagalit moko eh!" sabi nya " oo nga pala.. Hindi mo tuloy na kita si Taki!" sabi nya

"Nakita mo sya?" tanong ko

"Hindi.. Joke lang yun? Acctually bulag talaga ako tas nakapa ko lang sya? Oh ano ayos na?"sarkastikong sabi nya

"Kailan pa naging ganyan ugali mo?" tanong ko sa kanya

"Dati pang ako ganto shy. Lalo na pag bobo ang kausap!" sabi nya kaya inis ko sya ng binatukan

"Makabobo ah.." sabi ko sa kanya

"Aray huh.. Bwisit tong babaeng to eh no! O ano? Magkukwento ba ako?" tanong nya

"Next time nalang!"

"Huh?"

"Next time nalang!"

"Huh?"

"Next time nalang.. Paukit ulit?"

"Ang galing mo kausap brabooo!" sabi nya with matching palakpak pa

"Alam ko nayun matagal na!"

"Gaga.. Ang ibig kong sabihin! Bakit next time?"

"Yun kasi ang sabihin mo? Hindi yung huh ka ng huh! Para kang tanga!"

"Oo na.. Ang dami mong satsat? So ano ngang dahilan ng next time na yan king-ina!"

"Hoy? Mura again?"

"Hehe sorry po sorry po!" sabi nya sabay sampal ng bunganga "oh sabihin mo na kasi ang dahilan. Lalo mong pinapatagal ang usapan lalo akong nag kakasala sayo.."

"Sinisi mo pa ako Huh.. Masama kasi pakiramdam ko kaya umalis kana pwede!"

"Nye nye nye.. Ewan ko sayo! bahala ka.. Mamatay ka na sana-"

Still And Still Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon