STILL AND STILL
Chapter 27:(HAOOY AND SAD)Shynna POV*
"ma... Ma buntis ako.. Ma.. So-sorry ma!" sabi ko kay mama habang nakatingin padin sa kanya
Hindi ko lubos maunawaan ko bakit ganto kinahantungan ng buhay at desisyon na ginawa ko
Alam ko Marami akong Mali pero bakit kailangan magyari pa ito.
"anak!" hindi makapaniwalang usal nya.
"ma.. A-Alam ko po Mali po ito lalo na Ngayon po ma... na-na bata palang ako pero ito.. Buntis na ako.. Ma totoo po ma.. Hindi ko po sinasadya!"
"wala akong ibig na narinig mula sayo anak.. Nais ko lang malaman anak.. Bakit? Bakit? Nag kulang ba ako sayo.. Masyado ba akong mahigpit.. Ganti mo ba ito sa akin dahil hindi kita pinag aral.."
"ma!" umiiyak na usap
"ano anak.. Sagutin moko!"
Totoo pala na Iba ang iyak na nagmumula sa magulang.. Kung kanina na umiiyak ako dahil sa hindi ako makapaniwalang buntis ako.. Mas umiiyak ako at nanghihina ang mga buto ko dahil sa natatakot magalit sa akin ang mama ko
"ma.. Sempre hindi po.. Hindi po!"
"oh bakit? Bakit hinayaan mong magyari yan huh?"
Narinig ko nadin ang pagsisinghot nila tita nic maging ni isay na nangangahulugang umiiyak na sila pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin o kahit lingonin din.
Ang mga mata ko ay naka focus sa aking ina na luha ng luha.. Kahabag habag ang itsura nya..
"so-sorry po ma!"
"Alam Kong nag kulang ako.. Maging ang tatay mo.. Yun talaga ang sagot.. Nag kulang kame sayo hindi man lang sumagi sa isipan Kong napapabayaan kita.. Maging ang edukasyon na pinangarap ko ay hindi na nagawan gawin para sa iyo! Pasensya na ana-"
"ma.. Ma...tama na.. Wala kang kasalanan.. Ako.. Ako ang may kasalanan.. Sorry po.. Ma sorry!"
"hindi ko kasi iniisip na pwede palang magyari to.. Kung Naging bukas siguro ang isip ko sa mga bagay.. Siguro hindi ito nangyare!"
"ma.. Wala kang kasalanan.. Wala kang pagkukulang.. Maging si papa.. Ako.. Ako ang nag kulang.. Ma sorry.. Sana mapatawad moko.. Hindi ko kaya na umiiyak ka ma.. Hindi ko kaya na nakikita ka ng ganyan!" pagkasabi ko non hindi ko na mapigilan ang sarili ko mapaupo sa sahig at duon umiyak ng umiyak .
Sorry ma.. Binigo kita.. Sorry pa.. Sorry sa inyong lahat.. Makasarili ako.. Sarili ko lang iniisip ko.. Puro sariling kaligayahan lang iniisip ko.. Kung inisip ko siguro ang pwede magyari.. At maaring sabihin ng Iba edi sana hindi kame na punta sa gantong problema.
"anak..tumayo kadyan!" sabi ni mama atsaka ako inaakay pa tayo
"hindi kana galit ma?" sabi ko kay mama habang nagpupunas ng pawis at luha na nag halo na sa mukha ko
"hindi... Hindi ako magagalit.. Anak kita ei.. Bakit ako magagalit.. Pero hindi ko lang maiwasang matakot, mag alala dahil sa kalagayan mo!"
"ma!"
"masaya ako anak.. Kasi Maaga Kong masisilayan ang apo ko mula sa inyo!" pagkasabi nya nun ay hindi ko mapigilang yakapin sya at umiiyak sa balikat nya
Ang sarap sa paki ramdam na tanggap nya ako at ang magiging baby ko.
Wala nang sasaya pa sa tanggap ka..
Hindi mapigilan ni isay maging si Tita nic na yumakap din sa amin natawa naman ako bahagya.. Napatingin naman ako sa mag kapatid na nakangiti na saakin at sinabi ang salitang congrats kahit walang tinig ngunit nabasa ko sa mga galaw ng mga labi nila.
"congrats Shynna!" sabi ni tita nic sabay himas sa tiyan ko
"congrats ynna!" sabi nya sabay lumayo sa pagkakayakap ganon din si mama
"may tanong ako anak.. Sana ay huwag kang magalit sa akin!" sabi ni mama. Nakaramdam naman ako ng kaba. "hindi mo ba sasabihin kay Tristan yan?"
"wala po ma!" hindi ko Alam kung ano naramdaman ko nang sabihin ko ang katanga nayun!
Nakaramdam ako ng kirot mula sa dibdib ko.
Ang sakit.. Sobrang sakit..
Namumbalik tuloy sa akin muli ang mga aalala na iniwan sa akin ni tristan..
Pero walang makakapigil sa akin.. Hindi ko ito sasabihin sa kanya dahil ayokong sumamba sya sa akin dahil lang sa responsibilidad.
"at anong plano mo anak? Bubuhayin mo mag isa yan?" tanong ni mama sabay turo sa akin tiyan
"opo ma.. Kung maari opo.. Hindi naman hadlang yun diba po? Kahit walang syang ama.. busog naman sa pagmamahal ang magiging anak ko sa ng mga tito at tita nya.. Maging ang magiging lola nya!" sabi ko kay mama tsaka tumingin kay tita nic at isay na halos magkayakap na habang nakangiti na parang proud na proud sa sinabi ko
Sorry Tristan.. Hindi sa ayaw ko na makasama mo ang anak natin.. Pero kung ito lang ang paraan para malayo ako sa pamilya mo at makagulo sa buhay na meron ka.. Ako na mismo ang lalayo.. Kami ng magiging anak ko
"ayoko pong magulo sa buhay na meron sya.. Lalo na Ngayon at ikakasal na siya!" dagdag na sabi ko
Nakita Kong may gusto dapat sabihin si mama pero napatigil sya.
" papanagutan ko po ang mag ina ko!" nagulat ako nang may narinig akong pamilya na nagsalita sa likod ko.. Sa mga katagang sinabi nya palang batid Kong sya ang ama ng anak ko.. Ang sumira ng buhay ko.. Ang kinaiinisan ko..
Dahan Dahan akong lumingon mula kay Tristan at hindi mapigulan na magsalubong ang mga kilay ko sa katotohanang kaharap ko na ang lalaking sumira ng buhay ko
"bakit ka nandito?"
"Shynna?" sabay tawag nya sa akin
"bakit ka nandito? Sino nasabi sayong pumunta ka huh?" hindi ko mapigulan ang sarili Kong taasan ang boses ko.
Feel ko lumabas ang mga litid ko sa sigaw koo na iyon
"Shynna.. Alam ko na ang totoo sana wag mo naman ipagkait na makilala ko ang magiging anak natin!"
"eh ano Ngayon.. May karapatan akong itago sayo ang totoo dahil ako naman ang mahihirapan.. Bakit Ikaw ba ang magdadala sa bata ng siyam na buwan? Huh? Ikaw ba ang manganganak?" Inis na sigaw ko
"anak!" sabi ni mama sabay hawak sa likod ko na parang inaawat ako
"Shynna.. Hayaan mong ipaliwanag ko sa iy-"
"umalis kana!" mahinahong sabi ko kay Tristan na nakatingin mula sa mga mata nya
"Shynna!" nakita ko kung paano mangilid ang luha nya sa akin, nakita ko din kung paano magbago bago ang itsura nya.
"umalis kana!" sabay iwas ko sa kanya.
Ayoko syang tignan.. Feel ko bumabalik sa akin ang aalala kung paano ko sya minahal at kung papaano ako pumayag na may mangyari sa amin.. Lalo na kung paano nya ako saktan.
"Shynna.. Please hayaan mokong gampanan ang pagiging ama ko sa magiging anak natin!"
"para saan pa Tristan? Para saan pa! Nakita mo ba na malayo na tayo para sa isa't isa.. Ikakasal kana.. Ako ito masaya ako sa kung anong meron ako.. Ayokong makasira ng pamilya.. Ayokong sirain ang buhay na meron ka.. Tama na Tristan pwede... Umalis kana.. Please lang! "
" ah siguro iho umalis kana.. Baka makasama sa dinadala nya ang mag init ang ulo..! " sa at ni tita nic
" Shynna! " sabi nya pero wala syang nagawa dahil tinutulak na sya ni tita nic.
Tumalikod nadin ako.. Napatingin naman sa akin si mama na ngumiting pilit sa akin.. Hindi mapigilan na yumakap ulit si kay mama at umiyak
" ma.. Masama ba akong tao? Kasi ma.. Pinagkait ko sa kanya ang anak namin dapat.. Ma!" sabi ko hindi ko mapigilan ang sarili Kong humagulgol.. Hinawakan lang ni mama ang likod ko at hindi sumagot.
Sana lang napatawad ako ni tristan kung ilalayo ko sa kanya ang anak namin.
Continue.....
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...