STILL AND STILL
Chapter 79:(PAST)Shinna POV*
Tulog ba ako at binabangungot? Kasi kung ganon nga sana may gumising sakin. Kasi hindi ko gusto ang nangyayari. Hindi ko gusto kung nasan man ako.
Natatakot ako sa nangyayari.. Natatakot ako kung saan mapupunta itong usapan. Ayoko maging dahilan kung bakit nagkaganto ang pamilya nila. Dahil ayoko sa lahat ang nasisi.
Napatitig nalang ako sa sahig dahil hindi ko kayang i angat ang mukha ko dahil wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Wala... Walang wala
Kaya ba ganon nalang ang kabang nararamdaman ko kanina kasi mangyayari to. Pero bakit diko nalang pinakinggan ang iniisip ko kanina na sana hindi nalang ako tumuloy kung ganto ang mangyayari.
"Ano bang nangyayare?" binasag ni elwood ang katamikan "paano mo na... Paano mo nakilala si shinna?" tanong nya na halatang naguguluhan.
"Dahil alam ko ang lahat ng tungkol sayo pati ang mga taong malapit sayo. Pero anak hindi ko gusto ang babaeng yan.. Sya ang may kasalanan ng lahat nang nangyayari sa buhay mo..kasalanan nya kung ba't ka nagkaganyan.. Makinig ka sa mommy mo dahil alam kong.."
"Wala kapong alam" pag putol ni elwood sa sasabihin ng mommy nyang si Lara. "Hindi ikaw ang nandito.. Kaya hindi mo alam ang nangyayari kaya wag mo syang sisihin.. At isa pa hindi ikaw ang mommy ko dahil walang akong mommy ganyan kung mag isip" sabi nya atsaka tumalikod at hinila ako palabas. Hindi nya yan lang nagawang pakinggan ang side ng mommy nya.
Nagpatangay ako sa kanya dahil yun din ang gusto kong mangyari. Dahil kanina kung lumulubog nga lang ang lupa sigurong nagpalubog na ako dahil din sa kahihiyan.
Ayoko pang dumagdag sa isipin ni elwood dahil alam kong naguguluhan na sya ngayon. Gusto ko syang bigyan ng masayang memories pero ito ang nangyari.
I'm sorry elwood.
Tumigil kame sa tapat ng kotse nya atsaka ako nya ako hinarap.
"Sorry sana pala hindi kita pinilit na ihatid ako sa bahay..." sabi nya
"Ayos lang.. Naiintindihan ko naman.. Sorry din!"
"Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon.. Kung totoo bang sya ang mommy ko o... Hindi ko talaga alam!"
Hindi nalang ako sumagot.
"Ihahatid na kita..."
"may kotse naman ako diba? Kaya ko sarili ko.. Magpahinga kana lang galing kapang ospital kanina.. Magkita nalang tayo bukas!"
"Naiinis ako..."
"Huh?" naguguluhang sabi ko
"Sana hindi nalang nawala ang alala ko.. Edi sana nasulit kopa na kasama ka at isa pa edi sana gumaling ako sa.."
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan... Hindi ko gustong pag usapan ang ganyan... "
"Sorry... Sige na gabi na masyado.. Pasensya kana sa nangyari..."
"Hmm ayos lang mag pahinga kana.." ngumiti sya sakin pero hindi man lang umabot sa mga mata nya. Ang lungkot ng mata sobra at nahahawa ako duon pero pinilit kong ipakita na masaya ako ngayon para hindi sya mag alala
"Iloveyouuu shinna!"
Natulala nalang ako atsaka napangiti ng totoo sa sinabi nya.
"Iloveyou" sabi ko sa kanya nagulat ako nang yakapin nya ako at halikan sa noo. Pag katapos nung ay kinalas ng ang pagkayakap sakin sabay hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang driver seat. Binuksan nya yun atsaka ako pinapasok
"Mag ingat ka sa byahe... magkita tayo bukas!" tumango naman ako atsaka nya sinara ang pinto ng kotse ko. Kaya nag simula na akong mag paandar. Kita ko sa side mirror na nakatingin sya sa akin.
Nawala lang ang tingin ko sa side mirror nang nakasalubong ko ang kotse ni Tristan. Sabay kame napatingin sa isat isa pero tuloy padin ang andar. Nag slow mo bigla ang paligid ko. Kitang kita ko kung paano nya ako tignan na parang may nagawa akong pagkakamali pero hindi ko nalang pinansin.
Gusto kong huminto.. Gusto kong bumalik sa bahay nila elwood dahil alam kong may mangyayari pero natatakot ako na baka ako nanaman ang masisi.
Hanggang sa lumagpas na ang kotse nila tristan saakin. Habang nasa byahe hindi mawala sa isip ko kung ano na kayang nangyayari sa kanila kung ano pinag uusapan nila.
Nakauwi nalang ako sa bahay ng tulala at parang malungkot.
Pero diba dapat masaya ako? Diba dapat masaya ako kasi okay na kame ni elwood? Na sakin na sya ulit? Pero bakit hindi mo kayang maging masaya bakit parang nako konsensya ako lalo pat nakita ko ang reaksyon ni tristan na para bang kanina nya pa kame pinapanood muna sa malayo at nakatingin sa amin. Gusto kong mainis sa sarili ko dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Kaninang yakap at halik nya sa noo ko masaya naman pero hindi ko nagawang kiligin. Wala man lang nagpagaan ng dibdib ko. Bakit ganon?
Bakit ganto ang nararamdaman ko?
"teh ayos kalang?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Anong ginagawa mo dyan?" gulat na tanong ko kay isay.
"Abay kanina pa kita kinakausap.. Kulang nalang mag walling ka dyan! May problema kaba? Ba't ganyan mukha mo?" tanong ni isay. Nagulat naman ako sakanya kaya kinapa ko ang mukha ko
"Bakit?"
"Mukha kanang nanay sa mukha mo!" sabi ni isay
"abat siraulo ka ah.. baka nakakalimutan mo may kasalanan kapa sakin.." sabi ko sa kanya.
"Oo na.. May pa walk out walk out nalang nalalaman.. Pinag alala mo yung dalawang magkapatid.. Feeling maganda ka kasi.." napailing nalang ako. Napapaisip talaga ako kung kapatid ko ba talaga to eh " pero sorry din.. May balak naman talaga akong sabihin sayo.. Stress lang ako.. Biruin mo ba naman kasi lahat pala kasalanan nung babaeng yun.." sabi ni isay.
"Alam ko atsaka ayoko munang isipin.."
"Bakit? may problema kaba? Gusto mo i inom natin yan?"
"May pasok ako bukas atskaa na natin pag usapan." sabi ko atsaka tumalikod at nagsimulang maglakad na paakyat
"Eh kamusta naman kayo ni elwood?" tanong nyang nagpahinto sakin sa paglalakad.
Lumingon muna ako atsaka ngumiti ng mapait "ayos na kame!" sabi ko atsaka tumalikod ulit.
"Ayos lang daw pero malungkot ano kaya yun.." rinig kong bulong nya pero hindi ko nalang nagawang pansin.
Napahiga nalang ako dahil feel ko nakakapagod ngayong itong araw nato.
Kinapa ko ang selpon ko sa bag ko atsaka tinignan dahil may narinig akong tumunog.
Naka receive ako ng text kay tristan na mag usap kame bukas. Kakatext nya lang sa akin.
Hindi ko alam kung bakit at para saan pero feel ko may problema na hindi ko gustong ipabukas.. Na gusto kong malaman ngayon.
Kaya naman wala akong nagawa kundi bumangon atskaa magpalit ng damit.
Pagkababa ko nakita ko si isay na may kausap sa selpon.
" oh san ka pupunta? " tanong ni isay.
"aalis lang uuwi din ako..."
"Anong oras ka naman uuwi?"
"Basta importante kasi... Mauna na ako!"
"Sino naman kikitai- sige ingat ka..." sigaw nya habang palabas ako ng gate.
Kinakabahan ako sa nangyayari hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano ano. Himinga ako ng malalim atsaka sumakay sa kotse ko papuntang bahay nila elwood.
Bahala na kung ano mangyari.
Continue....
BINABASA MO ANG
Still And Still
Ficção Adolescentebakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...