STILL AND STILL
Chapter 80:( KISS)Elwood POV*
Habang nakikita ko na paandar ang kotse nya paalis nakakaramdam ako ng lungkot na hindi ko maintindihan kung bakit at para saan. Alam kong nakatingin sya sa akin habang nakatanaw ako sa kanya pero hindi ko magawang ngumiti at ipakita sa kanya na masaya ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero nabaling ang tingin ko sa sasakyang papunta sa harapan ko. Hindi ko alam kung ganon lang ba talaga tumingin si tristan sakin pero may napansin akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag.
Basta na lang nyang hininto at pinarada ang kotse nya sa harap ko at padabog na bumaba. Dun ko kang napansin na hindi lang sya ang sakay, maging ang mommy at daddy nya.
Pagkababa ng mommy nya kita ko ang mga salubong na kilay nya pero nang nakita nya ako ngumiti sya agad at lumapit sa akin.
"Gabi na elwood...bakit nasa labas kapa?" tanong niya sa akin nang makalapit na
"Kayo po? What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"Ahm ano kasi..." nangangapang sabi niya sabay tingin pa sa paligid
"Nandyan ba ang mommy mo?" tanong ni tristan napatitig ako sa kanya. Wala man lang akong makitang emosyon sa mukha nya maliban sa mata nya.
Hindi ko alam kung bakit sila pumunta dito at para saan at kung ano man ang dahilan.
Sa hindi ko pagsagot sa tanong nya at derederetso si tristan na pumasok sa bahay nila. Hinabol naman sya ng mommy nya maging ang daddy nya.
Napatingin nalang muna ako atsaka sumunod din.
Napatitig ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay tahimik na nagtitinginan. Para silang nag uusap na hindi bumubuka ang bibig puro titig lang.
Ano bang nangyayari?
Pero hindi din nagtagal yun dahil binasag na ni mommy ang katahimikan.
"Gabi na ahh... Ano pang ginagawa nyo dito!" maayos na sabi ni mommy
"Nasan ang mommy ni elwood?" diretsong sabi nya.
"mom-mommy? Ah.. Ako ang mommy nya tristan... Ah- ano bang si-sinasabi mo?" sabay pekeng tawa
"Alam ko ang totoo kaya pwede ba wag na po kayong mag sinungaling... Alam nyo po bang... Alam nyo po bang ang tagal ko tong inantay"
"Ano bang sinasabi mo?" inis na sabi ko sa kanya.
"Elwood kapati-"
"Anak kita tama ba?" biglang may nagsalita sa likod ko.
"What?" si mommy
"Ano?" si daddy.
"Anak kita diba? Kaya ka pumunta dito para sabihin sa kanila na anak kita at kapatid mo si elwood"
"Kapatid?" takang tanong ko sa babae.
"Yes my dear son. Anak magkapatid kayo sa ina.." sabi nya sakin sabay lingon kay tristan. "Pero simula nung ginawa mo kay selena kinalimutan ko nang anak kita!" malakas at may bahid na galit na pagkasabi nya kaya hindi ko maiwasang hindi magtanong sa kanila
"Ah- anong? Anong ginawa nya kay- se-selena?" sabat ko.
"Oh hindi mo alam... Si selena-"
"Tama na... May ginawa sayang pagkakasala kaya dapat lang na mag bayad sya." sabat ni tristan
"Kasalanan?" tanong ni mommy
"Ano bang nangyayari? Nasan ang anak ko?" tanong naman ni daddy.
"Si- si selena po ang- ang may pakana kung ba't - kung ba't nakunan si shinna.. Kung ba't nawala ang baby namin.. At sya din ang may gawa kung bakit muntikan ng mga rape si Samantha." paliwanag ni tristan habang nakayuko
"O my god!" rinig kong sabi ni mommy.
"That's not true!" sabi ni daddy " hindi magagawa ni selena ang mga ganyang bagay kilala ko masyado ang anak ko" sabi nya pa.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nag aaway ang puso ko kung sino ang kakampihan ko. Si shinna ba o si selena. Naguguluhan ako sa dalawa. Masyado ako nahihirapan
Pero habang nakikinig ako may iba akong naramdaman feel ko babagsak ako nahihilo ako nag nandidilim ang paningin ko. Napakapit nalang ako sa kamesang malapit sa akin. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko silang tignan wala silang tigil sa pag uusap hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Tristan POV*
Natapos ang pag uusap namin nang bigla nalang bumagsak si elwood. Nagpanic kame lahat kaya kesa ipag patuloy ang usapan na nangyari wala akong nagawa kundi ang mahimik nalang sa isang tabi at makuntento nalang sa kung anong nalaman ko ngayon at nakita.
Habang pinag mamasdan ko si elwood na nakahiga na sa kwarto nya hindi ko maiwasan hindi mainggit sa kaniya. inaasikaso sya ngayon ng mommy namin na gustong gusto ko din maranasan lalo na ngayon din ang tungkol sa kanila ni shinna.
Napa iling nalang ako sa iniisip ko atsaka kinuha ang selpon ko na nasa bulsa atsaka lumabas ng kwarto ni elwood.
"Uuwi na ako!" sabi ko na walang linggon linggon
"Uuwi kana anak edi uuwi nadin ako." rinig kong sabi ni mommy sakin kaya napaharap ako sa kanya na nasa likod ko
"Sa tingin mo gusto pa kita makasama! Mag taxi ka kung gusto mo... Kung kaya maglakad ka basta hindi kita ihahatid!" inis na sabi ko.
"Pero anak sino mag hahatid samin ng dad-" derederetso lang ako palabas na parang walang narinig.
Bastos kung bastos ang inasal ko i don't care. I need space, gusto kong mag isip isip.
Nang nasa kotse na ako bigla nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko.
Nagulat ako nang nakitang nag text sakin si shinna na papunta na sya dito at ngayon daw kame mag usap.
Kaya naman nireplayan ko sya na magkita kame sa isang park malapit sa ospital.
Magkasunod lang kame dumating kaya bumaba agad ako sa kotse ko maging sya ay pababa nadin.
"Anong nangyari kanina? Ba't kayo pumunta dun? Si elwood ayos lang ba? Baka may nangyari sa kanya.. May sakit si elwood wag nyo muna sya ng masyadong -"
"Pwede bang" pag putol ko sa sinabi nya
"Huh?"
"Pwede bang kahit saglit wag mo muna sya ng banggitin! Pwede... Pwede bang kahit saglit ako muna? Sakin ka muna mag alala! " biglang unti unti ako nanghihina. Unti unti ko nararamdaman yung sakit at iiyak lahat nang to.
"Tris- tristan ano bang s-sinasabi mo?" halata sa tono nya na naguguluhan sya.
"Shinna pwede bang kahit saglit iparamdam mo sakin kung paano makaramdam na may nag aalala sakin.. na meron nagtatanong kung okay lang ako... Kung may problema ba ako." naiiyak na sabi ko feel ko ang bakla ko hindi ako sanay umiyak at ipakita sa iba na mahina ako pero ngayong nasa harapan ko sya hindi ko kaya itago yung nararamdaman ko.
"Tristan!" nagawang tinig nya.
Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit at sumandal sa balikat nya. Pero kahit ganon hindi ko maramdaman ang kamay nya sa likod ko. Hindi man lang nya ako niyakap pabalik. Nanghihina ako ngayon at feel ko sya ang kalakasan ko pero sa ginagawa nya mas lalo akong nanghihina.
Hindi ko maiwasang hindi isipin na ayaw nya ba na ganto ako sa kanya? Galit padin ba sya sakin? Bakit ganon?
"Shinna" nanghihinang sabi ko pero nakayakap padin ako sa kanya " sorry sa nagawa ko dati alam kong matagal na pero sorry shinna. Shinna mahal kita!"
"Tristan!" nagulat ako nang bigla nya akong tinulak kaya nakalas ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Uuwi na ako!" yun lang ang sabi nya atsaka tumalikod pero nahawakan ko sya sa kamay at hinila ko sya pabalik sa sa pwesto nya.
Napatitig muna na ako sa maamo nyang mukha bago ko sya nahalikan.
Continue.......
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...