STILL AND STILL
Chapter 56:(COMA)Shinna POV*
"Kayo ang magulang nya hindi ba?" baling nya kanila tita Amara at si tito Joseph
"Yes doc!" sabi ni tita Amara sabay punas ng luha nya sa mata
"Pasensya na!" yun palang ang nasasabi nya pero naluluha na ulit ako
"Ah.. Doc.. Ang pasensya na?" naguguluhang sabi ko
"Hindi ko maintindihan.. Anong pasensya na? may nangyari ba?" tanong ni tita Amara na nagsisimula naring umiyak
"Okay na sya. Maayos na ang kalagayan nya. Pero..pero hindi agad sya magigising!" sabi ng doctor.
Napaupo naman ako dahil sa narinig ko
"You mean.. Coma? "Tanong ni tito joseph napaangat naman ako ng tingin at nakita kong tumango ang doctor.
Napuno naman ng iyakan ang labas ng E.R dahil sa masamang balitang narinig namin
"And possible po.." dugtog ng doctor
" posibleng ano?" tanong ni selena
"Posibleng mag ka aminisya ang pasyente.. Yun lang excuse me!"
Puno ng sakit ang puso ko. Kung kanina ay masaya ang nararamdaman ko ay biglang napawi yun ng dahil sa aksidente.
Sana hindi na kame nag dinner
Puno ng pagbibintang si selena sa akin na ako daw ang dahilan kung bakit yun sinapit ni elwood. Hindi ko naman sya masagot dahil ang totoo ay sinisisi ko din ang sarili ko sa nangyari.
Hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Kahit sa trabaho ay para akong hindi professional na doctor kung kumilos. Pati trabaho ko ay nadamay dahil sa pagiging lutang ko at pagsisisi na nararamdaman ko.
Puro puot at galit para sa sarili ko ang nararamdaman ko. Pinayuhan naman ako nila isay, maging si mama at tita nic pero hindi ko parin magawang hindi sisisihin ang sarili ko lagi nila sinasabi na hindi ko kasalanan, wala akong kasalanan pero lagi ko paring sinisisi ang sarili ko.
"Okay ka kalang ba?" tanong sa akin ni tristan nang nakita nya akong nakaupo lang at malayo ang tingin
"Anong sa tingin mo?" inis na sabi ko
"Mahal mo talaga si elwood no?" sabi nya
"Pwede bang umalis ka nalang!" sabi ko
"Kapag kailangan mo ng kausap. Nandito lang ak-"
"Hindi kita kailangan.. Kaya ko ang sarili ko kaya umalis kana!" sabi ko sa kanya atsaka pumasok sa kwarto ni elwood kung saan sya naka confine pagkabukas ko ng pinto ay ang pagbukas din ng pinto ni selena pag palabas na.
Tinarayan nya muna ako atsaka ako pumasok.
Pagkalapit ko ay napahawak naman ako sa buhok nya
"Elwood.. Gising na oh.. Miss na miss na kita.. " sabi ko sabay punas ng luha kong tumulo "alam kong naririnig mo ako? Pero sana elwood gumising kana! Ang tagal mo nang nakahiga diyan. Hindi kaba nangangalay, please naman oh maawa ka sa akin!" sabi ko sabay hawak sa kamay nya ay nilagay yun sa pisngi ko
Nakapikit kong ginawa yun. Pero nagulat ako nang biglang gumalaw ang daliri nya.
Kaya napatingin agad ako sa mukha nya
"Elwood.. Gising kana? Elwood..!" masayang sabi ko binitawan ko naman ang kamay nya atsaka hinawakan ang pisngi nya. Dahan dahan naman sya ng dumilat atsaka tumingin sa paligid.
Sa loob ng anim na buwan gumising ka din.
"Dyan ka lang babe ah.. Tatawagin ko yung doctor mo mismo!" sabi ko sa kanya. Tinawag ko naman atsaka tinawagan sila tita amara at tito joseph na gising na ang anak nila.
Pagkatapos syang icheck ng doctor ay kinausap naman ng doctor sila tita amara at tito joseph.
Kanina ko pag napapansin na tumitingin sya sa akin pero hindi sya ngumingiti.
"Hmm mommy.." sabi nya kay tita amara
"Anak.. Kamusta ka?" masayang sabi naman nito
"Ayos lang po. Thank you doc!" baling nya sa doctor na katabi ni tito joseph
"Sino sya!" biglang turo nya sa akin.
Takang tumingin naman ang mga kaanak nya sa akin. Naguguluhan lumapit naman ako
"Babe!" sabi ko
"Babe? Anong babe?"sabi nya
"Doc.. Anong nangyayari? Bakit? Bakit hindi maalala ng anak ko si shinna!" sabi ni tita Amara
Kaya lumapit nama agad ang doctor.
Para ako g napagsakluban ng langit at lupa na hindi nya ako maalala at totoong nagkaamnisya sya. Pero hindi lang yun ang mas masakit!
"Mommy? Nasaan po si aira.. Bakit hindi nyo sya tinawagan na gising na ako!" biglang sigaw ni elwood habang ako naman ay tahimik na umiiyak sa gilid
"Come down son!" sabi ng daddy nya
Kaya hindi ko mapigilan na lumapit kay elwood
"Babe.. Ano bang sinasabi mo? sino ba si-"
"Can you please stop calling me babe! Hindi kita girlfriend!" sabi nya sabay tulak sa kamay kong nakahawak sa buhok nya
"Hindi mo ba talaga ako maalala-"
"Sino kaba? Atsaka.. Pwede umalis ka dito baka magselos ang girlfriend ko kapag may nakita syang ibang babae na nandito sa kwarto ko!" sabi nya
"elwood..elwood ako to. Si shinna.. Ako yung girlfriend mo!" sabi ko sa kanya napatingin naman sya sa akin habang salubong ang kilay
"Pwede ba? Wala akong panahon makipaglokohan sayo. Atsaka ang girlfriend, si aira! Si aira ang girlfriend ko!" sabi nya sa akin umiiyak naman akong lumabas sa kwarto nya pero hindi paman na nakakalayo ay biglang may humawak sa braso ko
"Feel sad ba? Na hindi ka maalala ng brother ko?" sabi ni selena pwersahan ko naman kinuha ang braso ko "5 or 6 years na ang nakalipas na girlfriend nya aira.. Ibig sabihin yung fast nya lang ang naalala nya. Alam mo mas mabuti nayun atleast wala kana sa buhay namin!" masayang sabi nya
"Ganyan kaba kasama? Okay lang sayo na walang maalala yung kuya mo!" sabi ko sa kanya
"Oo siguro nga.. Eh ano naman? Ang mahalaga! Hindi ka nya naaalala!" sabi sabay talikod sa akin
"Wag ka mag alala.. Kasi hindi man ako naaalala ng isip nya matatandaan naman ako ng puso nya. Dahil pagmamahal ang dahilan kung bakit nya ako nakilala!" sabi ko sa kanya kaya lumingon naman sya sa akin habang nakataas ng kilay nya
Hindi sya sumagot kaya dinugtungan ko ang sinabi ko
"Hindi ako mapapagod sa kuya mo na ipaalala na ako ang girlfriend nyang mahal na mahal nya. Dahil yun ang magiging paraan ko para maalala ng ako!" sabi ko sa kanya atsaka tumalikod at naglakad na palabas para umuwi sa amin.
Umiiyak naman akong nag drive pauwi at direderetso papasok sa kwarto umiyak lang ako ng umiyak habang hawak hawak ang phone ko at tinitignan ang mga picture namin ni elwood.
Kung kailan mahal na kita elwood tsaka mo pag ako iniwan ng ganto.
Continue....
BINABASA MO ANG
Still And Still
Teen Fictionbakit lagi umiiral ang salitang marupok bakit okay lang satin kahit saktan tayo paulit ulit Sana kumuha nalang tayo ng bato at ipukpok sa mga ulo natin Nang magising tayo sa bangungot kung tayo mag ay natutulog nang matapos na ito Ako si Shynna Mar...