CHAPTER 53

109 7 0
                                    

RILEY'S POV

Wala akong maramdaman kundi poot sa puso gawa ng selos, sakit at kalungkutan. Nagmamahal lang naman ako sa isang tao na alam kong kailanman hindi ako mamahalin

Nagpakabulag ako sa babae na yon na hindi naman dapat, ngayon para ako naman ang piliin niya dapat kong patayin yung pinakamamahal niya na hindi naman siya magawang mahalin din

Kumuha ako ng sniper na baril sa kakilala ko ng patago, magpapadala ako ng mensahe sa kanya na pumunta siya sa isang lugar kung saan wala si micha na akala niya ay nandodoon

Bago ko pa magawa ang plano na to nakabisa ko na ang number ni dreiden dahil sa phone ni celine tinext ko agad ito

Write message:

Finding micha? Well, i know where she is! Meet me on the place that you've know that you were only one in the place. And have a huge building beside. Keep finding - aili

Aili is my code name for now. Magsaya ka na fernandez dahil mamamatay ka na mamaya

My love... Celine.. this is for you.. for us

Kailangan ko lang tanggalin ang sagabal o hadlang sa pagmamahalan natin alam kong magiging masaya ka din sa akin

Ibibigay ko lahat sayo magpapapogi na ko hindi na ko magtatago sa nerd kong mukha makikita mo..

Inihanda ko na lahat ng kailangan ko pumunta ako sa taas kung saan tago ako at nakamaskara isang baril lang sa ulo sapat na pero kung kaya sa puso why not? Hahaha laki ng galit ko sa tao na yon eh lahat nalang inagaw sakin porket mayaman?

Nabibili ba ng pera ang pagmamahal kung ganon bibilin ko nalang si celine?











AT THE HOSPITAL

Beep beep*

"Sino yan?" Ani ni yuri

"Si micha na ba?" Sabat naman ni austin

Tinignan ni dreiden ang phone niya na ngayo'y may message pagkabasa niya ay ipinakita niya sa mga kaibigan niya at nagsimula ng magreact ang isa sa kanila

"Alam ko kung saan yan. Ako na magmamaneho." Aniya ni keighan

"Kayo na ang bahala sa anak namin, please sana mailigtas niyo siya.." hagulgol na sagot ng mama ni micha na pinapatahan ng papa ni micha

"Kami na po ang bahala wag po kayo mag alala hahanapin po namin si micha." Seryosong sagot ni dreiden

"Maiwan ka na kaya yuri? Baka mapahamak ka eh."

"Shut up austin sasama ako, kaibigan ko si micha."

At nagsuko nalang ng 2 kamay si austin dahilan na hindi na siya manlalaban pa kay yuri

Pumunta na sila sa sasakyan ni keighan at pinatakbo na ito

Habang nasa byahe tumunog naman ang phone ni austin

MESSAGE:

01000001 01010100 – •••• •
23-1-18-5-8-15-21-19-5

From: xxxix

Nagtaka naman si austin dahil parang may pinapahiwatig na ewan ang text sa kanya sa pamamagitan ng logic o code kaso hindi niya naman alam pano ito ma-decode

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon