CHAPTER 98

109 7 12
                                    

KEIGHAN'S POV

"Anong ginawa mo? Kumakalat na ngayon sa social media!!" Sigaw ni mommy sa akin

"Na nakabuntis ba ko? Oo alam ko mom hahahaha alam ko! Kanina lang sa school nakita ko yung bata tsaka yung ex ko. At binantaan ako na ipagkakalat niya yon, pero pinagkalat niya na nga. Dahil nalaman niya na, may mahal na kong iba." Sagot ko na paiyak na

"Anak mo ba talaga yon? Pano na si micha ha?"

"H-Hindi ko rin alam, mom. Sorry." Umiiyak kong sabi

"Paano na gagawin mo? Hindi mo pwede hayaan yung bata na yon."

"May nakuha na kong sample, dna kailangan ko."

"Keighan fix your mess, right away. Hay nako!" Aniya ni mommy at pumunta na sa kwarto niya

Nang matapos yon pumunta ako sa hospital ng wala sa sarili at nagpa-dna. Bukas pa makukuha yung result kaya umuwi rin agad ako

Sana hindi ako yung ama, please lang. Nagsisisi na ko sa lahat ng mga ginawa ko noon, wala na kong ihaharap pa kay micha pag ako yon at tama yung sinasabe sa social media

Nang makauwi ako dumiretso na agad ako sa kwarto at tumawag naman sila dreiden at austin sa akin

"Dude what happen? Ikaw yung laman ng campus natin ngayon." Paunang sabi ni dreiden

"Nakita ko ex ko kanina pasensya na di ko sinabi sa inyo, at may dala siyang bata. Anak ko daw yon."

"Pre.. Cheer up baka naman niloloko ka lang non gusto lang bumalik ka." Aniya ni austin

"Sana nga, wala na kong ihaharap pa kay micha."

"Hindi ko alam kung matutuwa ba kami ni dreiden dahil mababawasan yung kakumpetensya namin, pero hindi eh. Kaibigan ka namin."

"Kung sa akin man yon, pananagutan ko yon. Kase alam ko yung pakiramdam na walang tatay. Kaya kayo kung sino man manalo sa inyo ni micha, please take care of her and keep her happy."

"Makakaasa ka pre." Sabay na sabi ng mga ito

"Pero may naalala ka ba na may nangyare sayo nung ex mo?" Tanong ni dreiden

"Wala, i swear."

"Tsaka inasar mo pa kami, kala ko ba wala kang ex?"

"Eh fling lang tawag ko don eh."

"Tas ngayon ex na tawag mo?"

Tatango naman ako sa mga to

"Sige na tol pahinga ka na muna, magiging okay din lahat." Aniya ni dreiden

"Nandito lang kami ha? Wag ka papadala sa lungkot sige pre good night!"

"A-Ahh nga pala alam na ba ni micha o ni yuri?"

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon