TAGAYTAY (Thursday)
It looks like excited ata ako sa pupuntahan namin, dahil nauna pa ako sa alarm. And yes alam niyo ba? Ang alarm ko 4 am pero nagising ako 3 am. Dahil 5 am ang call time
Inopen ko muna fb ko dahil baka mamaya may chat na sila sa gc, huhu ako pa lang ata ang gising. Pero ichecheck ko si kuya para may karamay ako
Pagpunta ko don nakabulagta pa sa kama si kuya, at dahil napakabait kong kapatid ginising ko
"Ano ba mika ang aga pa." Aniya ni kuya na ang tono nito antok pa
"Kuya luto ka ramen dali na." Pangungulit ko
"Laki laki mo na di ka pa marunong?"
"Marunong, eh gusto ko ikaw magluto."
"Ikaw na inaantok pa ko. Ano oras ma ba?"
"3 am hehe."
"Ano ba naman yan pupunta ako ng tagaytay na bangag."
"Di lang naman ikaw eh dalii na kuya!"
"Oo na sandale 5 minutes."
Tinitigan ko lang ito at pumunta na sa baba, nagcellphone nalang muna ko habang di pa ito bumababa
"Aga mo teh ah?" Chat ni yuri
"Ewan ko ba, kayo nga tulog pa kanina eh buti gising ka na din sabay kayo ni kuya."
"Talaga ba? Hays destiny talaga kami for each other."
"Di siya gumising ng kusa, ako ang nang gising hahahaha."
"Ay? Eh basta destiny kami."
"Nakaready ka na ba?"
"Syempre."
"Excited."
"Syempre di pa, ano ka ba ghorl ang aga pa. Nakahiga pa nga ko."
Nagulat ako nang may nagseen narin na isa, mukhang gising na rin si keighan
"Aga niyo ah? Ang ingay agad gc wahaha!" Tugon ni keighan
"5 call time natin pero bat before 4 mga gising na tayo? Bwahahaa!" Chat ni yuri
"Eh syempre gagala eh." Sagot ko
Natigil na ako sa pagchat nang bumaba na si kuya na kinukusot pa mata
"Good morning kuya pogi!"
"Tanga walang good sa morning ko."
"Ouch it hurts, di naman kita tinanga ha!"
"Wag ka nga sumigaw aga aga ingay mo."
Inirapan ko lang ito, at tumungo nalang uli ako sa cellphone
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...