SAYURI'S POV
Bat puro puti? Namatay na ba ko? Wag naman po oh maaga pa please inikot ko ang mata ko at nakakita naman ako ng electricfan at sa tabi ko sila... Hmm..
Sila keighan? Hala patay narin sila?
"Uy buti gising ka na, yung kuya ni micha nagdala sayo dito hinimatay ka daw." Salita ni keighan
Nananatili parin akong tulala sa mga ito, pano nila ako nakakausap ng ganyan?
"Patay narin kayo?" Kusang lumabas sa bibig ko
"Ha? Wahahahaha yuri ano ba yan buhay ka pa wahahaha nasa clinic lang tayo." Tawa ni keighan at pati narin sila austin napatawa
Sorry na! Argh! Kase naman eh! Puro puti paligid! Pero ehe keshe eh yung kuya ni micha ene neghetid ehe! Edi ibig sabihin...
Binuhat niya ko.. waaaah!!! Mom i'm getting married!!
"Che kayo!" Sigaw ko nalang sa mga to
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni austin
"Medyo okay naman na, di ko lang siguro kinaya yung tindi ng init kanina. Si micha pala kamusta?"
"Ayon di parin nakakaupo eh. Pero yung ulo naigagalaw naman na paunti unti." Sagot nito
"Buti naman, bat pala kayo andito na agad? Wala na bang klase?" Tanong ko
"Meron pa, wala lang teacher ngayon kaya umalis kami wahaha." Ani ni dreiden
"Alam mo ba yuri may hotdog na tayo sa squad bwahahhahaha!"
"Gago pinaalala nanaman laptrip wahahahha."
Napakunot naman ang noo ko dito dahil hindi ko alam ang sinasabe nila
"Kase wahahhahahaha eto wahaha!" Tawang tawang sagot ni keighan
Nakakatuwa naman sila magkwento grabe, tawa lang naintindihan ko at hotdog na word
"Pag untugin ko ulo niyo parehas tanyo." Pikong tono ni dreiden
Mukhang related kay dreiden to ah natatawa nako kahit wala pa bwahahahahhahaha
"Alin yung ulo namin sa baba? Bad wahahhahaha!" Ani ni keighan
Siraulooo bwahahhahaha inosente here ano ba to
"Gago may babae wahahaha!" Tawang sagot ni austin
"Yuri pagpasensyahan mo na tong dalawa di pa natuturukan ng anti rabbies eh." At umirap ito sa dalawa
Paano magpigil ng tawa? Sana di mahalata ni dreiden na kanina pa ko natatawa bwahahahahaha
Tumango lang ako dito, at makalipas ang oras nagpaalam na ang mga ito na papasok na muli iniwanan nila ako ng magbabantay sa akin sa labas kase mahirap na daw lalo na't existing parin si riley
Nakakalungkot lang nagising ako ng wala yung magulang ko, kahit yung mama ko nalang eh
Bakit ganon? Wala silang sariling oras sa anak nila? Nag eexist pa ba ako sa puso't isip nila? Napakadami kong tanong sa isip ko
Naging masama ba akong anak? Bakit pinaparamdam nila sa akin na di nila ako anak? Akala ko kapag wala kang kapatid sayo lahat ng atensyon pero nagkakamali ako hindi pala
Hindi ko naramdaman na tumutulo na pala luha ko dahil sa kakaisip
Hindi ba nila kayang bigyan ng oras anak nila kahit eto lang hahaha
Wag na nga mag sad vibes nako! Atleast memorable parin tong araw na to niligtas ako ni michael mahlabs hehe
Habang ngingiti ngiti akong nakatingin sa kisame biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si michael
H-Hala?? Mamaya wrong room lang to dahil sa kabila lang si micha ayoko na mag assume huhu
"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito
Eh?? Pano niyo alam??
"Hindi ah?" Pagmamaang maangan ko
"Tsh don't lie, i saw you." Pagsusungit nito
Gusto mo suyo? Loh asa ka! Crushback muna bwahahaha, pero siguro nasilip ako nito sa bintana ano ba naman kasing nakain nito at pinuntahan ako
"Nothing."
"Ano nga?"
"Ulo mo ano nga."
"Ulo ko nakakabet."
Inirapan ko lamang ito pero deep inside kinikilig nako mga teh!! Bwahahahhaha magiging close na ata kami ni crush di ko na kailangan ng dummy dahil di niya rin ako pinapansin doon eh
"Dahil ba wala fam mo? Nasaan nga pala sila bakit wala?" Tanong nito
Wala na akong kawala dito hays. Para narin siguro makilala niya ako
"Yes. They are busy on their works."
"Always?"
"Yes."
"Sorry.. I didn't mean to --"
"It is okay, sanay naman na ako at andyan naman sila micha kaya masaya na ako hahaha."
"Sama mo na ko."
(((;ꏿ_ꏿ;)))
Teka pusooo ko!! Tugdug tugdug
Hindi ko na kaya kilig na nararamdaman ko pisti naman oh huhu micha gusto sana kitang hampasin kaso di ka pa magaling
"H-Ha?"
"Edi wag." Pagtatampo nito
Ang cute mo huhu titaaaa iuuwi ko na anak niyooo!!
"Joke lang hahaha, nga pala salamat kanina ah?" Aniya ko
"Anong salamat? Wahahaha may kapalit yon."
Magiging gf mo ko? Arat na bwahahaha dejoke dalagang japinay tayo oki
Kumunot ang noo ko para kunwari galit bwahahaha
"Ano?"
"Be my date/partner sa gaganaping acquaintance party."
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...