After ng masasaya naming araw sa pagbabakasyon namin, nakauwi na kami sa mga kanya-kanya naming bahay
Yung mga magulang ko akala mo, tropa mo lang. Dahil napakachismoso at chismosa pero mahal ko pa rin sila kahit ganon sila
"Kumusta araw niyo don? Tsaka ano balita kay dreiden?" Aniya ni papa
"Oo nga, ano balita kay keighan?" Dagdag naman ni mama
"Kapatid, ano balita kay austin?" Pang aasar na dagdag lang ni kuya dahil napansin niya parang kanya kanya sila ng bet sa tinatanong nila
"Ma, pa, kuya wag kayo pahalata kung kanino kayo boto." Buntong hiningang sabi ko
"Eh aba anak, after 3 months mayroon na kaming balae eh." Ngiting sabi ni mama na parang kinikilig pa
"Psst hon, uy mag college pa lang yang micha natin. Wag madaliin." Aniya ni papa
"Ayan tama si papa!" Tatango tango ko pang sagot
"So kumusta nga?" Sabay sabay na sabi nilang tatlo
"Ayos naman." Sagot ko
"Anong ayos?"
Ano ba dapat ko isagot? Di ko talaga alam kung lahat ba ng nangyayare sa buhay ko dapat ikwento ko eh
"Si dreiden ayon po sinurpr--"
"Ayon! Manok ko yan! Ang galing galing talaga!" Aniya ni papa na sobrang saya hindi pa pinatapos ang sasabihin ko
"Si keighan naman po, ayos lang. Wala po ganap."
"Ay ano ba yang alaga ko masyadong nawawalan ng pagasa." Sambit ni mama at umalis mukhang may kakausapin ata sa telepono niya
"Ikaw naman kuya manahimik ka, magkasama tayo."
"Ma pa, alam niyo ba yung anak niyo ---"
Nanlaki naman ang mata ko dito argh!?! Kuya!! Gagawa nanaman ito ng kwento!
"Subukan mo." Pagbabanta ko
"Ano michael?" Sabay na sabi nila mama
"Yung anak niyo marunong na lumangoy." Ngiting sabi ni kuya
"Ha? Marunong naman talaga yan ah?"
"Dejoke lang ma, may jowa na si micha wahahahaha!" Aniya ni kuya at tumakbo
"KUYA!!! Ma wag po kayo maniwala dyan!" Pagdedepensa ko at hinabol ko si kuya
Nakarating kami hanggang sa taas, di ko naabutan si kuya dahil pumasok ito sa kwarto niya at ni-lock iyon
"AHHHH! Balakajan!" Inis na sabi ko
Napakastory maker talaga nito! Kalalaking tao madaldal. Kung siguro sa best in daldal tumabi kayo, Kuya ko na dyan.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...