CHAPTER 72

89 8 0
                                    

Pagtanggal ng nakatakip sa aking mata bumungad sa akin ang mga star na nagniningning at ang buwan na kay gandang tignan, pagbaba naman ng aking paningin nakatayo ang isang telescope?

"Maganda ba? Sana sa simpleng ganto lang napasaya na kita." Kamot ulo nitong aniya

"Hoy anong lang?? Ang ganda!!" Ngiti kong saad

Nagtitingin ako sa paligid kapag pala naglakad ka pa sa may dulo makikita mo ang syudad na kala mo ibang bansa ang peg kase ang ganda ng view! Ngayon lang may nagdala saken sa ganto dati sa drama ko lang napapanood, kahit sa pinas pala may ganong view

"Masaya ako na masaya ka, nga pala for you. Dahil ikaw yung pinaka magandang babae na nakita ko ngayon wahahaha!"

"Bolero lang?" Tanong ko

"Hoy hinde ah wahaha natawa lang eh, tsaka sabe sakin ni mommy ibigay ko yan sa magandang babae na masisilayan ko ngayon gabi. And that is you." Aniya nito na nakatitig sa aking mga mata na para bang ayaw niya nang lumingon sa iba, sa akin lang

"Kei may i ask?"

"Hmm?"

"Bakit ako? Kase ang dami namang iba eh."

"Oo nga bakit nga ba? Wahaha di ko rin alam eh." Tawa nitong sagot na nang aasar kaya hinampas ko ito

"Aray ko! Wahaha eto na eto na teka. Kasi una akala ko den di ako mahuhulog sayo kasi nga tropa ko gusto ka na kaya di pwede mag talo talo. Kaso kung di ko papakinggan puso ko, ako din masasaktan." Dugtong nito

"Eh diba kapag minsan pag pinakinggan ang puso masasaktan ka pa din?" Tanong ko

"Alam mo mas gusto kong masaktan kapag nagawa ko na lahat ng makakaya ko, lumaban ako. Kesa nananahimik nalang ako, wala akong ginawa kaya nasasaktan ako."

And i felt that, since magkakilala kami ni kei sobrang comfortable ko sa kanya siguro same vibe kami?

"Hmm sa bagay." Sagot ko

"Bakit mo natanong, wala ba kong pag asa?"

Hindi ako nakasagot nananatili lang akong nakatingin sa kanya

"S-Sorry okay lang kung di mo masagot kala ko lang hehe. Pero okay lang naman kung wala di parin ako susuko, hanggat wala pang nagmamahal sayo ng totoo nandito lang ako." Aniya nito at tumingin sa langit at ngumiti

Napangiti naman ako sa inaasta nito, ginaya ko rin siya tumingin sa langit na sobrang ganda nakakakalma

Nagulat nalang ako nang hatakin ako nito at pinagmamadali na sumilip sa telescope

"Kita mo? Kita mo? Wahahaha!! First time ko makakita nito! Ni-note ko talaga oras kala ko scam eh totoo pala!" Sigaw nito sa saya

Ngayon lang din ako nakakita...

"Ang ganda pala ng meteor pag naka telescope mas malapit!" Sigaw ko rin sa tuwa

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon