Nagligpit na sila mama ng mga kinalat ko, pansensya na po di pa makakilos eh hahahaha. Teka mabawasan nga yung sulat na nasa jar na bigay ni keighan
Kinuha ko agad ay yung dilaw na papel, yellow is my happy color so ayon ang inuna ko
Binuklat ko ito at sinimulan ng basahin
"Everything you want will become yours, soon. Just hold on and fight!"
Nabuhayan ako ng loob sa buhay dahil sa sulat na to, alam kong mahihirapan ako sa tatahakin ko sa bawat araw pero tama to magiging akin din yung gusto ko. Makakamit ko pinapangarap ko soon God willing!
I.T ang balak ko kuhain sa college, ang alam ko kase more on program to more on software or about computer. Konti lang ang math ganon kumpara sa engineer
Kinakatakot ko lang kung sure na ba ko don? Pfft may 1 year and a half pa ko para pag isipan
Ang sunod ko naman na binuksan ay yung liham ni austin grabe ang effort nitong tao na to, alam niya kung paano mapalambot ang puso ng isang tao
But it doesn't mean i'm falling for him, magulo pa talaga sa ngayon lalo na't dalawa pa ang pinapasok ko sa buhay ko
Nagsimula na kong basahin ang liham na ginawa ni austin grabe napakaenglishero talaga, naabutan ko nalang sarili ko na nakangiti dahil kung ikaw ang magbabasa nito ang daldal niya hahahaha
Kinwento niya pa yung mga bata days namin pfft pati yung halata niya na crush ko daw siyaaaa awat! Hahaha pagkatapos kong basahin ay nilapag ko lang ito sa gilid at ngingiting kinuha ang sunod na regalo nito
Pagbukas ko sa isa sa regalo ni austin, ahhh! Ang ganda!! Yellow yung jacket tas pikachuu ang kyut sa may hoodie andon yung tenga! Kilala na talaga ako nitong tao na to
Napakadaming binili may teddy bear pa na may hawak na bulaklak eh, bale last na bubuksan ko ay...
3 libro? T-Teka? Ang mahal nitooo almost 1k dahil tatlo ito
Grabe
( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)
Nakakatouch yung mga regalo nila, yung singsing naman na bigay ni yuri suot ko na ang ganda nga eh
Niligpit ko na lahat ng nakapaligid sa kama ko at nilagay ko nalang sa gilid
Humiga na ako at tumulala nalang sa kisame na may star, napabuntong hininga nalang ako ewan ko kung bakit
"Lalim niyan anak ha?" Biglang salita ni papa sa gilid ko
Tumingin ako dito at nginitan ko lang lamang ito. Bumalik din agad ako kung saan ako nakatingin
"Dahil ba sa manliligaw mo?"
Tumango na lamang ako dahil totoo naman iniisip ko kase pano kung mag away sila at maging dahilan pa ko ng pagkakasira ng friendship nila
"Kung mag away man sila dahil tropa sila, labas ka na don anak. Kaibigan nga sila eh means di sila basta basta matitibag kung mahal ka nila may the best man win nalang yon. Pero kung irereject mo sila pareho dahil nag aaway sila okay lang naman samin anak it is your choice big girl ka na namin eh. Hindi na namin hawak ang mundo mo.."
Kilalang kilala talaga ako ni papa, kahit hindi ako magsalita alam niya na agad yung isipin ko sa buhay
Sana wag ako ang maging dahilan para masira friendship niyo dreiden dahil mentras na lagi na kayong nag aaway hindi ako magdadalawang isip na iwasan nalang kayo at irereject ko na kayo
"Papa salamat po sa lahat, btw dito na po ba room ko?"
"Oo aircon dito, si austin ang nagsabe na dito ka nalang daw para comfortable ka at kompleto gamit dito. Hmm bakit ka naman nagpapasalamat anak?"
"Because you always there for me, thank you pa..." At yumakap nalang ako dito naramdaman kong tumulo ang luha ko
"Naglalambing ang anak ko.. hmm i'm always here anak.. hindi ko na kayo iiwan nila mama mo." Ngiti nitong sagot
"Hoyy hindi niyo kami nisama ni mama po wahaha, pasama sa group hug!!" Ani ni kuya
At pati sila kuya at mama nakiyakap narin samin
Wala na akong hihilingin pa sa birthday ko. Masayang pamilya lang sapat na sa akin
Sila ang naging dahilan bat nagsusumikap ako sa buhay. Sila yung laging nandyan kahit na wala akong sabihin, alam na nila ang problema ko
Ako na yung taong pinakamasaya ngayon sobra..
Pagkakalas ng yakap namin ay matutulog na daw muna sila mama dahil maaga silang nagising dahil sa mga kaibigan ko hahaha grabe naman kase ang surprise umoo naman ako dito
Binuksan ko na lamang ang cellphone ko, nakakagamit nako nito dahil naigagalaw ko naman ang kamay ko kaya ayon
Marami palang bumati sa akin nag thank you ako sa lahat syempre, pati mga kaklase ko nung bata ako ay binati ako pati sila yuri piste with pic pa na epic bat kayo ganyan hahahaha
Ang dami pang nagreact ampt ang sasama ng ugali yare kayo sakin sa mga birthday niyo ganyanan ha pero still nag thank you ako ang babait grabe
Binuksan ko naman ang message ko and look unang una si dummy account na nagpakilala na bbf ko which is si riley pala ito binasa ko ang message nito at galit na galit sa akin dahil napakulong si celine bat buti nakalaya na daw ito magpakasaya na daw ako sa birthday ko dahil soon may mangyayare ulit na surprise hay nako
Sineen ko na lamang ito at napabuntong hininga, dapat ko na ba tong sabihin kila mama at kila yuri? Na may parang paparating na mangyayare nanaman sa buhay ko?
Nakakasawa na din laging nasa clinic. Hindi pa rin ako makagalaw so matagal pa ata ako dito
Ang dami kong isipin sa buhay dahil maghahabol pa ko sa school dumagdag pa to
Hindi ko na sineen mga message nila yuri dahil tinatamad na akong mag facebook pa dahil sa nabasa ko
Ano nanaman kayang pinaplano ng mga ito? Na dapat kong mapaghandaan. This time dapat matuto na kong lumaban kung alam kong may ibubuga naman ako hindi masama yon dahil self defense lang naman yon
Kung hindi niyo tatantanan, then fine mag sasawa din kayo sa ginagawa niyo sa akin
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...