CHAPTER 59

97 6 0
                                    

National University Laguna

Panibagong araw nanaman, parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko na dapat nae-excite kasi makakapasok na uli ako? Ewan ko ba siguro hindi lang ako sanay nang hindi ko papansinin yung tatlo

Mahirap kasi baguhin yung nakasanayan mo na

Narito ako ngayon naglalakad na papasok ng gate, nauna si kuya pumasok sa akin ngayon dahil may gagawin daw silang project pa

Nag commute nalang ako papunta dahil walang maghahatid sa akin, pagkapasok ko ay nakita ko agad ang nakangiting si yuri

"Hii gorl!! Welcome back! Anong pakiramdam? Nakasuot ka uli ng uniform hindi na hospital gown bwahaha!"

"Hello, actually naninibago ako ewan ko ba hahaha." Ngiti kong sagot

Nagsimula na kaming maglakad papuntang room habang nagdadaldalan

"Miss mo narin yung tatlo no? Nakakamiss din eh sayang di matutuloy yung outing natin hays ready pa naman bikini ko tas isasama mo kuya mo kasi hehe." Sagot nitong tila kinilig pa sa sinabi

"Alam mo ba may sasabihin ako sayo." Seryoso kong sambit

"Ano? Crush na ba ko ng kuya mo? Sabe ko na nga ba wag ka mag alala halata ko na kasi ---"

Naputol ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita na

"Nagkabalikan na sila ng ex niya."

Bibiruin lang muna natin si yuri tignan natin ano magiging reaction nito hahahahaha

Unti unting nawala ang saya nito sa mukha at biglang sumeryoso

"Ay ss." Maikli nitong tugon

"Ss? So okay lang sayo?" Tanong ko

"Ano ka ba syempre hinde! Separate Soon yon! Asawa nga naaagaw pa, jowa pa kaya? Bwahaha! Ganda ganda ko eh." Tawa tawa nitong sagot at confident pa

Bilib ako sa babae na to talagang hindi mo mapapasuko agad agad kay kuya, talagang mahal niya na ito. Takte nagsimula sa love at first sight? Di ko akalain totoo pala iyon

"Btw biro lang yon." Ngiti ko

"Pangit ng biro mo ha, wag mo na uulitin lichi ka bwahaha pasalamat ka kaibigan kita." Aniya nito

Kaya tatawa tawa kaming pumasok sa room, pagpasok palang sa pinto ay nagtama ang paningin namin ni austin gayon din sila dreiden nagkatinginan kami. Saglit lang yon dahil umiwas na agad ako

Umupo na agad kami ni yuri sa upuan namin at pinipilit kong wag tumingin sa kanila, miss ko narin sila to be honest. Hays magiging ayos din ang lahat

Napabuntong hininga nalang ako, at pumasok na ang teacher namin sa philosophy

Nagsimula na itong magdiscuss as usual ewan ko kung ako lang ba, yung inaantok sa subject na ito sabayan pa na ang sweet ng boses ng teacher niyo nakakaantok talaga

Nararamdaman ko ang patingin tingin sa akin nung tatlo ngunit hindi ko nalang ito pinapansin dahil baka tuluyan na akong ma-distract

"Uy may naiintindihan ka?" Biglang sambit ng katabi ko na si yuri

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon