CHAPTER 95

81 7 3
                                    

S T A R   C I T Y

"Babalik tayo sa pagkabata." Ngiting sabi ni dreiden at hinawakan ang kamay ko

Sabay kaming pumasok sa loob at na-amaze sa nakita

"Wow..." Sambit ko

"Bata tayo ngayon, sana ang gagawin naman natin pupunta tayo sa katandaan at sabay tayong tatanda." Ngising aniya ni dreiden na parang siya pa yung kinilig

"Ayos ka lang?" Tanong ko na tatawa tawa

"Nakakabakla, ako yung kinikilig eh! Bwahahaha depucha."

Natawa naman ako sa ini-asta nito kung tutuusin, di niyo akalain na sa pogi nitong mukha at matangkad. Eh parang bata kung kumilos

Pumunta kami sa unang nakaline up na gagawin namin

Ito yung may mga lobo na target mo, may hawak kang dart o panusok dapat mapaputok mo yon then may prize kang makukuha

Nakaisip naman ako ng idea para may twist yung gagawin namin ngayon

"Drei."

"Bakit?"

"May naisip ako."

"Sino? Ako iniisip mo?" Ngising aniya nito

"Sira! Hahahaha. Ito kung sino maka-perfect 3 na putok ng lobo o kung sino mas mataas siya yung magdecide kung ano next na pupuntahan o gagawin." Pagpapaliwanag ko

"Sige ba, baka laging talo ka niyan?"

"Sorry ka, magaling ako dyan."

Napa-weh naman ito na mukha at nagsimula na siyang tumira

Unang tira pa lang, nakaputok na agad ito. Kaya nagsisimula na itong asarin ako

Sa pangalawa, pumutok uli.

"Pano ba yan? Eh kung pag napaputok ko yung last, akin ka na?"

"Eh kung ikaw paputukin ko?" Tugon ko

"Ito naman bwahahaha! Joke lang jagi!"

"Hay nako araw araw ko talagang nararamdaman na single ako." Singit ng isang lalaki na mukhang staff dito sa star city

"Kuya kanina ka pa po dyan?" Tanong ko

"Ay oo mukha nga kong hangin sa inyo, ako nga nagbigay ng dart."

"Ay sorry po hehe." Sabay na sabi namin ni dreiden

"Osiya lovers, tapusin niyo na yan. At may pupunta naman dito, tawag ako sa office babush!" Pagpapaalam nito

Pagbaling ko naman kay dreiden, perfect three!! Napaputok niya lahat!

"Asintado ako diba? Puso mo kaya when ko maa-asinta?" Aniya nito

Ngumiti lang ako dito at inirapan ito. Next na sasalang ay ako na kaya agad na pumwesto ako sa harap at naghanap na ng aasintahin

Sa unang bato ko walang natamaan ni-isa sa sahig lang talaga

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon