Traffic..
Nagcellphone nalang muna ako at chineck si fb and woah! Look famous ata nga ko ngayon
300+ notification
100+ messages
1k+ friend requestDrei ano bang ginawa mo! Argh naii-stress nanaman akooo!
Una kong binuksan message ni drei para pag usapan namin kung anong ginawa niya. Kung bakit niya nagawa yon.
"Micha sorry dahil pabigla bigla ako i need a gf talaga sorry pero ikaw talaga una kong naisip na maging gf ko kaya can you be my gf? Mag pepretend lang tayo i promise. Saglit lang. Then alam kong kukuyugin ka bukas kaya akong bahala sayo. Ayoko kase don sa nirereto sakin ng family ko kaya please help me? 3 weeks lang ikaw magiging gf ko please? Reply to this asap thankyou!"
Bumibilis tibok ng puso ko wag maharot micha!! Huhu di nga sure parang feel ko ako matatalo dito sa pretend pretend na to eh! Marupok po me!
"Kinikilig?"
Nagulat na lamang ako dahil na-realize kong nakangiti nga ko!! Damn it!!!
"Hindi! Mukha kang tanga dyan" depensa ko.
"Si drei yan ano? Anong sabe ni mokong?" Tanong ni kuya
Okay hands up suko na ko, kilala talaga ako ni kuya.
Pinakita ko nalang ang cellphone ko kay kuya para basahin niya nalang ang chat ni dreiden.
"Wag kang pumayag." Seryosong sagot ni kuya na ngayon ko lang nakitang gumanito ang awra niya.
"Bakit?" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa bigla biglang lumalabas sa bibig ko
"Anong bakit ka dyan? Gusto mo ba yung mokong na yon?"
"H-Hindi!"
"Yon naman pala eh. Wag mo replyan. Magpost ka sa account mo na wala kang relasyon dyan."
At dahil galit ang kuya ginawa ko ang sinabe nito kakapost ko lang pero andami ng nagreact nagbasa ako ng ibang comments sinasabe buti naman ganyan di daw kase kami bagay ni drei at iba pa. Tinamad na kong basahin
Di ko namalayan nasa parking lot na kami. Makatapos iparada ang sasakyan lumabas na kami parehas ni kuya at pumasok na sa mall.
Manghang mangha ako ngayon dahil tila ngayon lang ulit ako nakapasok dito after ilang months dahil busy
"Hoy panget text text nalang hiwalay muna tayo. Loloadan kita."
Sarap sa ears hahahaha! Na-receive ko naman agad yung load kaya tumango na lamang ako at naghiwalay na kami. Pumunta ako sa national book store muna para mamili ng wattpad books ano ba kayo! Wattpader din ako, hindi lang si yuri!
Sa sobrang malag ng messages ko di na ko makapag reply kila yuri. Baka nga yung dummy account na nagchat saken may message den hays. Parang gusto ko tuloy gumawa ng dummy account para mareplyan ko sila yuri oo tama! Para di malag account ko mas gusto kong tahimik account ko eh.
Pero syempre bumili muna ako libro mga tatlo hehe gastos ko 300 naks ang mahal hoho. 700 left. Sumunod naman ay kumain muna ko dahil nagugutom na talaga ako as usual fries at sundae ng mcdo happy pill ko. Yung bff fries binili ko para sulit walang kahati hahaha!
May natitira pa naman akong money kaya sa damit naman ako, nag fit ako ng mga damit na nagustuhan ko. At binili na ito actually bagay nga to kung mag ayos ako. Mag aayos kaya ako bukas? Ahk! At bakit naman? Pero gusto ko rin maayusan talaga. Bahala na
Pumunta ako ng salon dahil bukod sa 1k na bigay ni papa may ipon pa ko pandagdag kaya ayon nagparebond ako kahit straight na buhok ko. Wala lang para maayos buhok ko lalo tapos hindi na ako magsasalamin hehe.
At after many hours boom ubos ang pera pero pagtingin ko sa salamin, sino itong magandang dilag na ito? Woah! Hahahaha! Di ko rin nakilala sarili ko.
Tumunog na ang cellphone ko, hudyat na si kuya na ang nagtext. Di naman ako nagkamali. Tignan natin kung mamumukaan ako nito hahahaha! Who u ka saken ngayon!!
Sa may exit kami magkikita ni kuya nakita ko nga siya andon parang inip na inip akala mo ang tagal naghintay lumingon ito sa gawi ko at eh?? Di ako pinansin loko to ah!
"Tara na kuya" sambit ko
"Ha? Sino kinakausap mo?"
"Luh ako to hoy! Micha! Nagpaayos ako kuya!"
"Weh? Sige nga sagutin mo to! Anong ginagawa ko sa cr pag matagal ako?"
"Tumatae."
"Ano pa? Sabihin mo lahat."
"Nangungulangot, nagseselpon, nagaano ah alam mo na yon."
"Kapatid nga kita!! Bwahahaha tanga ayan pala may iaayos ka pala eh di ka kukuyugin bukas picturan kita dali! Pampalit profile!"
Inirapan ko na lamang ito pero sumunod din ako dahil gaiz wala ng pang profile eh
Nang matapos ay lumabas na kami para puntahan ang kotse kung saan nakaparada ito
Pagkarating ay sumakay na at umalis na mabilis kaming nakauwi agad dahil hindi traffic pagka uwi namin ay parehas kaming bagsak ni kuya, tulog.
---------------------------------------------------------
Gumanda ang lola niyo!! Micha's glow up! Taray di na nerd!
#beautifulinsideandout
#changes
(ノ◕ヮ◕)ノ*.✧
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)
Teen FictionAnong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil isa man don ay hindi ko naramdaman o na-experience pa. Hi ako lang naman to isang simple student na...