CHAPTER 17

230 11 0
                                    

MICHA'S POV

Yung austin na kausap ko kanina parang ang weird niya hmp parang magkakilala na talaga kami before eh tas sinabe niya din na 'dati pa' akala niya di ko narinig yon ah! Maybe i'll try to ask my parents or kuya bout that

Pagpasok ko ng bahay syempre agad na kumain kami bago ako umakyat ng kwarto sinabihan ko si mama na may itatanong ako sa kanya

"Ano yung itatanong mo anak?" Aniya ni mama

"Ah ano po ma para po kasing kilala ko na si austin dati pa, yung pumunta po dito nung nakaraan? Yun po. Baka po kilala niyo na po di niyo lang sinasabe o nasasabe sa akin?"

"Nak hindi ko talaga siya kilala, kita ko naman tsaka ko lang siya nakilala/nakita nung pumunta dito." Sagot nito

Why naman ganon huhu idk bakit ganito yung nararamdaman ko, siya kaya yung napapaginipan ko?

Hays ewan!!

Nagpaalam nako kay mama para umakyat ng kwarto humilata agad ako sa kama dahil feel ko pagod na pagod ako ngayong araw nagcellphone muna ako para icheck messages syempre

Ang daming chat ni yuri lmao, kaya sa kanya na inuna kong basahin kinakamusta ako ano ganap sa paguusap namin ni drei tapos sinamahan daw siya ni sanchez pauwi ang bait naman daw aba mukhang ma-fall pa tong si yuri ha marupok eh

Pagkabasa ko ng lahat ay nagreply naman agad ako at ang sunod naman na binuksan kong message ay kay drei, chinat niya na daw si kuya na ikinagulat ko takte padalos dalos naman to mahabagin!

"Mika panget." Kumakatok sa pinto ng kwarto ko na si kuya

Bat ba kasi ang ganda ko hays ang hirap naman chawot

Pumunta naman ako sa pinto para pagbuksan si kuya di pa muna ito umimik, pati ako kase di ko rin alam sasabihin ko. Umupo muna kami sa kama ko at nagsimula na itong magsalita

"Panget chinat ako nung drei pwede ka daw ba maging gf ganyan, bibigyan ka naman daw ng pera bilang pasasalamat.." panimula nito

"Oh tapos? Syempre di ka papayag diba kuya?" Sagot ko

"Pumayag wahaha lil sis para may sariling pera ka narin! Sige na 2 weeks lang yon ingatan mo nalang puso mo." Patawa tawa pa nitong sabi

"Kuyaaaa! Kuya naman!" Pagmamaktol ko, inirapan ko na lamang ito at tumalikod.

"Joke lang, hey di sa pinamimigay kita dahil sa pera. Kundi para tantanan ka na para kasing hindi ka na tatantanan hanggat di ka pumapayag eh. Basta kapag may ginawa siyang kabulastugan tell kuya right away ok? I can protect you." Seryoso nitong tugon

My face right now be like: 🥺

"Thank you kuya.."

"Pero syempre sabe ko di porket pumayag ako ay payag ka narin, sinabe ko na nasa sayo parin yung decision."

Tatalikod na sana ito nang may sinabi pang pahabol

"At tsaka pumayag ka na para naman maramdaman mo ano feeling ng may jowa panget panget mo eh. Basta alam mo naman limit mo diba? Sige na matutulog nako pagod eh goodnight lil sis. Pag isipan mo."

Tinitigan ko na lamang si kuya na papalabas na sa aking kwarto pati sa pagsara niya ng pinto ay tulala pa din ako

Ano nga ba decision ko? Nananatiling sineen ko parin message ni drei dahil di ko pa alam isasagot ko

Nagmessage naman si sanchez na

"Hey tara mall tayo bukas? Since sat naman."

Well gusto ko rin naman makagala kahit walang pera pawer! Hahaha may natira pa naman ako kaunti sa allowance ko aayusin ko nalang para di ko magastos lahat. Pero bago pa ako umoo syempre tanong muna

"Sino sino tayo?" Reply ko

Aba nagseen naman agad ito, active pala. Di ko alam eh naka off active status kase ako lagi eh kaya di ko nakikita kung online mga tao.

"Yuri, drei, austin, ako, ikaw."

Woah yan na ba yung squad na sinasabe nila pfft

"Pumayag na ba lahat yan?"

"Actually si yuri palang ang pumapayag nung hinatid ko siya sa kanila basta daw pag kasama ka kasama siya, pag hindi ka kasama di daw siya sasama then yung 2 ugok di pa ko nirereplyan. Sama ka naaa! Sige naaa my treat." Sagot nito

Syempre una kong nabasa MY TREAT madali naman pala kausap to eh. Pag libre di dapat tinatanggihan yan hahaha.

"G sama ako."

"Yown oki!! Kitakits bukas! Brb"

Ngayon palang namomoblema nako ng isusuot ko ah? Amp dami ko namang damit pero para lahat saken panget yon oh baka ako talaga panget pfft

Hay nako nakakatamad na tumayo basta dating gawi di ako magdedress pantalon tas oversized tshirt tas bonet lang ako tas sapatos bukas g na

Nagpalipas muna ako ng oras sa fb kakascroll, kakapanood ng nakakatawa na vid para antukin narin ako.

Ngayon ko lang narealize di pa pala kami friend ni austin sa mismong fb, message req lang pala siya non bale sa messenger lang kami friends. Ngi. But okay na den atleast we talked.

Ngayon ko lang din naisip kamusta na kaya yung dummy account na nagchachat saken? Pfft nagchachat pa kaya yon?

Pumunta ako sa filtered message para tignan ito

And woah ang daming message, parang araw araw nagchachat. Inistalk ko na kase to noon eh wala akong makita kaya di ko talaga makilala.

Sineen ko na mga message niya at nakita ko lagi niya akong iniinform sa mga ginagawa niya then lagi niya ako pinapaalalahanan na lagi akong maging masaya ganyan wala akong mareply sa kanya kundi itanong nalang ule kung sino siya

"Magpakilala ka na." Eto na lamang ang naireply ko sa lahat ng chat niya

At pinatay ko na ang cellphone ko dahil nakaramdam na ako ng antok

GOODNIGHT PEEPS!


THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon