CHAPTER 60

114 10 0
                                    

Pagtapos namin makabili ng makakain namin ay humanap na agad kami ng mauupuan, wala kaming ibang nahanap kundi doon malapit sa tatlo kila keighan. Wala na kaming nagawa, pumunta nalang kami doon at umupo na

"Ako nga pala si angelo." Pakilala ng lalaki kanina na nakabangga ko

"Hmm nice to meet you. I'm micha and yan kaibigan ko si sayuri." Sagot ko

"Nice to meet you." Ngiti nitong sambit

Pagtapos ay dumaan na ang katahimikan sa gitna namin, nakakabingi ang sobrang tahimik. Magsasalita na sana ako nang

"Micha nahihiya ako pero ngayon lang ako maglalakas ng loob na sabihin ito. Gusto kita since we're on highschool.. Hindi mo na ba ko naalala? Sa bagay di naman kase tayo close noon."

Ina-analyze ko muna ang sinabe nito at inaalala siya

Ah!! Siya yung tahimik na kaklase ko akala mo di nagsasalita eh

"Naalala kita hahaha ikaw na pala yan? Grabe hahaha. Small world dito ka rin pala nag aral."

Habang nag uusap kami ay nakikinig lang si yuri at patuloy itong kumakain, mamaya ako nito kokomprontahin talaga

"Yeah. Actually may reason ako bakit dito ako nag aral. Kasi nalaman ko na dito ka mag aaral kaya pinilit ko parents ko na dito ako mag aral. Lagi kitang nakikita at naging kontento na ako don kaso nung nakasama mo yung tatlo nagseselos ako sobra nananahimik lang ako." Seryoso nitong sagot

Okay speechless ako

"S-Sorry kung di kita mapagsalita nabigla ba kita?" Kamot nito sa batok niyang sagot

"Oo eh. Hahaha. Bakit ako?"

"Nasayo lahat ng katangian na gusto ko sa babae."

"Tulad ng?"

"Mabait?"

Bigla namang napaubo si yuri at nabilaukan daw ito

"Grabe don ka pa talaga naubo ah! Mabait naman ako ah! Hahahaha."

"Sensya na te parang hindi eh charot sanaol humahaba nanaman ang buhok." Pang aasar nito

Dinilatan ko na lamang ito hudyat na tumahimik siya

Nginitian ko nalang si angelo at tumango ako dahil wala talaga akong masabi

"Osiya una na ko may project pa kami eh. Btw strand ko stem alam mo na room ko panigurado. Salamat sa time, pag isipan mo ha?" Ngiti nito at nnagpaalam na

Si yuri ay ubos na ang pagkain niya at ako naman hindi ko nagalaw ang pagkain ko para bang nabusog ako bigla, nawalan ng gana. Kaya pinaplastik ko nalang ito para itabi

Tapos na ang break time namin kaya kailangan na namin bumalik sa room

Agad na pumunta kami ng room at naghintay na lamang sa teacher namin sa science

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Meanwhile...

Nakita nila keighan ang pangyayare kung saan may nakabangga si micha na lalaki, pare-parehas silang tatlo na napalingon para bang nakaramdam ng selos ang tatlo kung makatingin. Sinundan lamang nila ito ng tingin hanggang sa makaupo sila ng lamesa katabi nila ito ng lamesa kaya nakikita nila ito ng malinaw

"Sino naman kaya yon?" Tanong ni dreiden

"Aba malay ko." Sagot ni keighan na nakatingin din sa gawi nila ni micha

"Parang ngayon ko lang nakita yan ah." Aniya naman ni austin

Nang hindi makatiis tumayo si keighan at dumaan malapit kila micha at buti di siya napansin nila micha sakto namang pagdaan niya nagalit siya sa narinig

Nagconfess ang lalaki kay micha pagtapos makadaan ay balik agad ito kila austin

"Pre pre!"

"Ano? Ano nangyare?" Sabay na sabi ng dalawa

"Yung lalake nagconfess kay micha! Ewan ko naiirita ako hahaha."

"Naknampucha kalaban ko na nga si dreiden kay micha nadagdagan pa ng isa." Napalamukos pa sa mukha si austin

"Nagseselos tayo, eh wala pa namang pinipili sa atin si micha." Napagaya narin si keighan kay austin na napalamukos sa mukha

"Tayo?" Biglang dagdag ni dreiden

"I mean kayo, leche nahahawa ako sa inyo eh wahahaha! Pasensya!"

"Feel ko nagsisinungaling ka, kilala ka namin hahahaha c'mon dude." Aniya ni austin

"Siya ba yung nagugustuhan mo non na sikreto nung uminom tayo?" Tanong ni dreiden

Bumuntong hininga nalang si keighan at sumagot

"Fine, oo gusto ko siya dati pa. Denial lang talaga ko sa sarili ko."

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon