CHAPTER 89

110 7 3
                                    

KINABUKASAN (AT THE SCHOOL)

"Hmm, ang galing isang araw lang perfect niyo na." Aniya nang adviser namin na si maam gina

"Hindi po ba rejected? Hehe." Sagot ni keighan

Hinampas naman siya ni yuri nang mahina hudyat na bat pa sinabe yon dahil baka mamaya totohanin pa

"Gusto mo ba?" Tanong ni maam

"Syempre maam ayaw." Sabay na sabi namin

"Very good. Prepare nalang kayo sa friday na defense niyo. Improve nalang sa pananalita at aralin niyo yan." Ngiti nitong saad

May pahinga pa woooh!

"Apaka angas naman natin wahaha uy tuloy tayo tagaytay!" Pag aaya ni keighan

"Eh diba turn na ni dreiden nang december?" Tanong ni yuri

"Ay oo nga pala, edi sabado linggo? Pag free tayo lahat." Aniya nito

Tatango tango naman kami ni yuri sa sinabe nito

"A-Ano gagala kayo?" Singit ni celine

"Oo."

"P-Pwede sumama?"

"Oo naman." Ngiti kong sagot

Ngumiti naman ito at niyakap ako

Umupo naman na kami matapos ang sandaliang daldalan dahil may teacher parin kami sa harap kausap nga lang iba pang grupo

Straight one week wala kaming palitan nang teacher kaya ang ginagawa lang namin nag aayos ng mga gamit, nagkekwentuhan. Una akala ko di ko magugustuhan tong kinabibilangan ko na room

Dati binubully lang ako, pero ngayon wala hindi na. Hindi ko alam dahil ba sa na-make over ako o dahil napalapit ako sa f3 nila hahaha. Kahit ako di ko expect na magiging close ko sila at yung pare-parehas silang magkakagusto

"Kachat ko si dreiden, chill narin siya ngayon grabe spirit wahaha!"

"Uy gago may teacher nag uusap kayo?" Tanong ni yuri

"Wag ka maingay."

"Maam --" akmang sasabihin ni austin nang takpan ni keighan ang bibig nito

"Ano ba napaka sumb--"

"Pwede po magbanyo?" Dugtong ni austin at tumingin kay keighan na tatawa tawa

"Tarantado ulok!" Tawang pabulong na sigaw ni keighan kay austin

"Guys pwede ba sumama si bebeloves ko?" Tanong ni yuri

"Kala ko magkaaway kayo?"

"Bati na teh hehe marupok eh." Aniya nito na nagpeace sign pa

"Syempre naman kasama bayaw ko yon eh." Sagot ni keighan

"E-Ehem." Biglang sulpot ni austin na nakabalik na pala

"Namin pala."

"Alam niyo nakakatuwa kayo no, sa dami dami ng babae tinamaan kayo sa iisang babae lang hahahaha." Iiling iling na sabe ni celine

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon